Chapter 12

1.4K 119 12
                                    

"Haven, sige na please! Ipagpaalam mo lang ako saglit kay Adriel, sabihin mo pupuntahan lang natin si Radj at Timothy sa kabilang area." 

Napabuntong hininga si Haven dahil kanina pa siya kinukulit ni Celine.

"Pero hindi ka naman pupunta kay Radj at Timothy? Pupuntahan mo yung jowa mo sa earth?" Bored na tanong ni Haven.

"Hmm, parang ganoon na nga pero syempre puputahan ko rin naman si Trinity." Paliwanag ni Celine.

"Uh huh." Sarkastikong sabi ni Haven, "Oh sige na, sige na! Ipagpapaalam na kita kay Adriel na pupunta tayo kay Timothy at Radj, kakasabwatin ko na rin yung dalawa." 

"Yes! Thank you! Thank you! The best ka talaga Haven!" Pambobola ni Celine kay Haven dahil na-uto niya itong ipagpaalam siya kay Adriel.

Nang nasa harap na silang dalawa ng office ni Adriel ay nagsesenyasan sila kung sino ng unang papaso sa kanilang dalawa.

"Ganto nalang, ako kakatok tapos ikaw magsasalita." Ani Celine.

"Bakit ako?!" Sigaw ni Haven. 

Kaya ang nangyari, nagtalo nalang silang dalawa ng napakatagal mabuti nalang at narinig ni Adriel na may nagsisigawan sa labas ng office niya at boses palang ay nakilala na agad niya kung sino iyon kaya naman tumayo siya sa inuupuan niya at binuksan ang pintuan sa may likod kung saan nanggagaling ang sigawan.

Abala pa rin sa pagtatalo ang dalawa kaya naman umubo ng malakas si Adriel para maagaw ang atensyon ng dalawang babaeng anghel.

Natigilan ang dalawa sa pagtatalo at pareho silang dahan-dahang napatingin kay Adriel na nakataas ang kilay sa kanilang dalawa, halos sabay rin napalunok ang dalawang anghel at awkward na napangiti.

Umubo ulit si Adriel na naging dahilan para mapaayos agad ng tayo ang dalawang babaeng anghel.

"Anong ginagawa nyo ditong dalawa?" Tanong ni Adriel.

Mabilis na siniko ni Celine si Haven pero naguluhan naman si Haven sa ginawa ni Celine na paniniko kaya naman siniko nalang rin niya ito. 

Nagsikuhan silang dalawa kaya naman mas lalong nainis si Adriel dahil wala ni inang nagsasalita sa kanilang dalawa.

"Ano nga?" Sigaw ni Adriel.

"W-Wait naiihi ako." Ani Haven bago siya nagtatakbo papaalis at iniwan niya si Celine sa harap ni Adriel.

"Anong kaylangan mo Celine?" Pag-uulit ni Adriel.

"A-Ano kasi... M-Magpapaalam kami ni Haven." Tumango si Celine para makumbinsi niya si Adriel.

"Saan kayo pupunta?" Nagsimulang humalukipkip si Adriel kaya naman mas lalong kinabahan si Celine. 

"Ano... Pupuntahan namin si Radj at Timothy sa kabilang area." Aniya.

"At anong gagawin nyo dun?" Pang-uusisa pa ni Adriel.

"Makikipagkwentuhan?" Nag-aalangang sagot ni Celine.

Napakunot ang noo ni Adriel bago siya nagkibit-balikat, "Okay." Tipid na sagot nito.

Kaya naman nagtaka si Celine dahil sobrang bilis siyang pinayagan nito, sinundan niya si Adriel papasok sa office nito, ngayon siya naman ang naka-cross arms.

"Bakit mo ko pinayagan agad?!" Tanong ni Celine.

Naupo si Adriel sa upuan niya habang may binabasa na kung ano man sa isang lumang papel, "Bakit ayaw mo bang payagan kita?" Bored na tanong ni Adriel hindi man lang binabalingan ng tingin si Celine.

"Hindi naman sa ganoon!" Reklamo ni Celine kaya naman napasandal si Adriel sa upuan niya at walang ganang binalingan ng tingin ang nagaalburotong anghel.

Nagkatitigan silang dalawa kaya naman napairap nalang si Celine, "Okay! Fine! Pupunta ako sa mundo ng mga tao." Pagsuko ng babaeng anghel.

Nakokosensya kasi siya, pakiramdam niya tingin palang ni Adriel ay nangkokonsensya na agad eh.

"At anong gagawin mo sa mundo ng mga tao?" Sarkastikong tanong ni Adriel.

"Pupuntahan ko si Trinity, nag-aalala ko sa kanya." Sagot ni Celine which is totoo naman kahit papano.

"Buti umamin ka." Tinaasan na naman siya ng kilay ni Adriel.

"Sige na kasi payagan mo na ako." Pamimilit ni Celine, inirapan siya ni Adriel kaya naman ginamit na ni Celine ang huling alas niya, lumapit siya dito ay niyakap niya ito, "Sige na, please?" Pagmamakaawa ni Celine.

Walang gana siyang tiningnan ni Adriel, "Sige na, sige na! Pero saglit lang. Alam mo namang tuwing araw ng linggo ang pahinga natin." Anito.

"Yes, thank youuuu!" Yinakap siya ng mas mahigpit ni Celine kaya naman kahit pinipigilan ni Adriel ay may lumabas na maliit na ngiti sa labi niya pero inalis agad niya iyon ng makita niyang pumasok si Haven.

Medyo nagtaka ang babaeng anghel sa pwesto ng dalawa pero lumapit pa rin agad siya, "Adriel, aalis nga pala kami ni Celine, pupuntahan namin si Radj at Timothy." Ani Haven.

Nagkatinginanan si Celine at Adriel dahil sa sinabi ni Haven pero natawa rin agad ang dalawa kaya naman inalis na ni Adriel ang pagkakayakap sa kanya ni Celine.

"Sige na umalis na kayo. May dadating na ditong bagong kaluluwa." Ani Adriel kaya naman ngumiti agad si Celine sa kanya habang si Haven naman ay nagtataka pa rin kung bakit pumayag agad si Adriel.

"Thank you Adriel!" Sigaw nito, kinindatan lang siya ni Adriel bago sila tuluyang lumabas ni Haven.

"Wow ganoon lang yun?" Gulat na tanong ni Haven.

"Bye! Haven!" Sigaw ni Celine bago tumalon agad pababa sa mundo ng mga tao.

Napailing nalang si Haven dahil hindi man lang nag-thank you ang kaibigan niya sa kanya.

Dumiretso ng bagsak si Celine sa bahay ni Trinity, inilabas niya ang pakpak niya pababa, syempre alangan namang tumalon lang siya dun edi basag mukha niya pagbagsak niya sa earth.

Biglang natigilan si Celine ng makita niya si Athena sa apartment ni Trinity, nakita niyang tinutulungan niya itong maghanap ng medyo mahaba-habang damit ni Trinity.

"Wala ka man lang bang pantalon na hindi ripped jeans Trinity?" Tanong ni Athena.

"Sorry, ngayon lang ulit kasi ako magsisimba simula nung 7 years old ako." Natatawang sabi ni Trinity pero may halong lungkot sa mukha niya.

Napangiti si Celine at pinipigilan niyang umiyak, sa wakas mayroon ng kaibigan ang alaga niya. Pinanuod niya habang iniipitan ni Athena si Trinity ng buhok, pinunasan niya ang tumakas na luha sa mata niya.

"Sa wakas may magbabantay na sa'yo once mawala ako." Malungkot pero mas nangingibabaw ang saya ni Celine.

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon