Chapter 19

1.4K 121 55
                                    

"C-Celine!" 

Sigaw ni Haven ng biglang magtatakbo ang kaibigan niya pagkatapos marinig ang sinabi ni Trinity, bago ito tuluyang makaalis ay nakita niyang umiiyak si Celine dahil sa sinabi nito.

Napatingin si Haven sa dalawa bago niya sinundan si Celine pero hindi na niya ito mahanap kaya naman wala siyang nagawa kundi balikan ang dalawa para bantayan itong pareho.

Habang si Celine naman ay takbo ng takbo, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hanggang sa dinala na lang siya ng kanyang mga paa sa lumang playground.

Napaupo siya sa swing habang sunod-sunod ang paghikbi niya, sinisisi niya ang sarili niya sa lahat ng hirap na pinagdaanan ni Trinity, kasalanan niyang lahat. Yun ang nasa isip niya sa mga oras na yun.

Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha niya, hanggang sa biglang nakisabay ang panahon sa pag-eemote niya.

"Adriel naman eh! Epal mo!" Reklamo ni Celine kahit alam niyang hindi naman iyon maririnig ni Adriel na paniguradong dahilan ng biglang pag-ulan ngayon.

Nakatulala lang si Celine habang walang humpas ang pagbagsak ng luha sa mata niya kasabay ng malakas na ulan. Hindi niya iniinda ang ulan dahil alam niyang hindi rin naman siya magkakasakit.

Pakiramdam ni Celine ngayon ay mali lahat ng ginagawa niya, lagi nalang siyang mali at lagi nalang siyang nakakasakit ng ibang tao, pakiramdam niya ay hindi siya nababagay maging isang anghel. 

Napapikit ng mariin si Celine bago siya tuluyang napahagulgol, nakatakip ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad habang hindi niya pinigipigilan ang malakas niyang pag-iyak.

Wala rin namang makakakita sa kanya, wala rin namang makakaalam na nasasaktan siya.

Wala rin namang may pakealam. 

"Nahanap rin kita." 

Natigilan si Celine sa pag-iyak, napaangat ang kanyang tingin sa taong nagsalita at nakita niya ang kanyang iniiwasan, pero hindi makapagsalita si Celine, patuloy pa rin ang paghikbi niya. 

Nang makita niya ang lungkot sa mga mata ni Zac na para bang sobrang nasasaktan ito ay mas lalong nadurong ang puso ni Celine. Tinitigan lang niya sa mata ito, walang nagsasalita sa kanilang dalawa.

Hindi na nabigla si Celine ng inilabas ni Zac ang kanyang itim na pakpak, naramdaman niyang tumabi ito sa kanya.

Ang mas lalong dumurog sa mga puso ni Celine ay nang ginamit ni Zac ang kanyang pakpak para hindi siya maulanan. Tila naging isang malaking payong ang itim na pakpak ni Zac, kahit na basang-basa na ito ay hindi niya iniinda huwag lang lamigin si Celine.

Walang kumikibo sa kanilang dalawa, tanging ang pagbagsak lang ng ulan sa lupa ang gumagawa ng ingay sa buong paligid.

"Itigil na natin 'to." Pambasag ni Celine sa katahimikan. 

Hindi kumibo si Zac kaya naman mas lalong napayuko si Celine.

"Nakuha mo na yung gusto mo, ano pa bang kaylangan mo--" 

"Ikaw, ikaw yung kaylangan ko." Napabuntong hininga si Zac, "Ikaw rin yung gusto ko. Ikaw mismo."

Naramdaman ni Celine ang pamumuo ng bagong luha sa kanyang mga mata. 

"Tell me, a-ayaw mo na ba?" Biglang humarap si Zac kay Celine, kaya naman ng makita niya ang amo sa mukha ni Zac ay mas lalong nanikip ang dibdib niya. 

Napaiwas ng tingin si Celine, hindi niya kayang tingnan si Zac ng ganto ang kanyang hitsura, kahit kaylan hindi niya naisip na possibleng magpakumbaba ang isang demonyo. 

"N-Nasaktan ba kita? N-Narealize mo bang h-hindi mo na ko mahal?" Nakita ni Celine na gusto siyang hawakan ni Zac pero hindi niya magawa, para bang pinipigilan niya ang kanyang sarili na hawakan ang anghel.

"Hindi sa ganoon." Giit ni Celine.

"Then ano? Bakit? Ayaw mo na ba kasi nalaman mo kung ano talaga ako?" Sigaw ni Zac, pero pagkatapos niyang isigaw iyon ay may namuong luha sa mata niya habang nakatingin siya kay Celine kaya naman halos mabaliw ang anghel ng makita niyang naiiyak ang lalaki.

"Zac, hindi kasi tayo pwede kasi anghel ako at--"

"Bullshit!" Sigaw nito. 

"Anong pakealam ko kung anghel ka at kasalungat mo ako?" Napasinghap si Zac bago siya napasuklay sa kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri dahil sa sobrang iritasyon.

"Mahalaga pa ba yun? Ang mas mahalaga mahal kita, mahal mo ko! Anong problema dun?" Desperadong tanong niya.

"Delikado..." Mahinang sabi ni Celine, "Yun nga lang akala ko ay mortal ka delikado na, yun pa kayang alam kong kalaban ka, mas lalong delikado Zac." 

"Kapag nahuli tayo, ano nalang magyayari sa'tin? Paparusahan nila tayo!" Mariin na sabi ni Celine.

"Edi huwag tayong magpahuli." Ani Zac.

"Zac naman! Hindi mo ako naiintindihan. Hindi mo naiintindihan, ang daming mawawala sakin, sa'yo, sa atin. Kapag nahuli tayo." Paliwanag ni Celine.

"Ikaw lang yung meron ako..." Napakagat sa labi si Zac para pigilan niya ang pagsabog ng damdamin niya.

"Kapag iniwan mo ko wala ng matitira sa akin." Desperado na kung desperado pero halos magmakaawa na si Zac kay Celine.

Napapikit si Celine ng mariin, ayaw niyang masira yung desisyon niya dahil lang sa pagmamakaawa ni Zac sa kanya. Ayaw niyang kainin lahat ng sinabi niya, alam niyang mas ikabubuti nilang dalawa kung hindi nalang ito itutuloy.

"I'm sorry, nakapag-desisyon na ako, ayoko na. Hindi ko kaya." Ani Celine.

Bahagyang napa-awang ang bibig ni Zac dahil sa sinabi ni Celine, pero mabilis rin niya itong sinarado. 

"I'm sorry, nakapag-desisyon na rin ako, hindi kita titigilan hangga't hindi ka bumabalik sa akin." Ani Zac sa isang malalim na boses.

"Binaliw mo ako sa'yo, tapos bigla mo akong iiwan? Bullshit!"

Napasinghap si Celine bago siya napapikit ng mariin, pagdilat niya ng mga mata niya ay nakita pa rin niya ang halos nagmamakaawang mukha ni Zac sa kabila ng inis nito.

"Please Zac, parang awa mo na. Hindi mo kasi ako naiintindihan, ayokong dumating sa puntong mas lalo tayong masaktan, kada pinapatagal natin 'to mas lalong nagiging mapanganib yung buhay natin. Mas lalong nagiging delikado tayong dalawa." 

"Matagal na tayong patay..." Bumagsak na yung luha na kanina pa pinipigilan ni Zac pero hindi iyon masyadong halata dahil sa malakas na ulan.

"Baby, parang awa mo na..." Mabilis na hinawakan ni Zac ang mga kamay ni Celine. "Sumugal ka naman." Biglang nabasag ang boses nito.

"Kasi ako? Paulit-ulit akong susugal basta maging sakin lang ang bagsak mo."

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon