Chapter 3

2.1K 151 85
                                    

"So kamusta naman ang buhay sa mundo?" 

Napa-angat ang tingin ni Celine sa nagsalita, nakita niya ang pinakamatalik nyang kaibigan sa lahat ng anghel. Si Haven.

Napangiti ng pagod si Celine bago niya binalik ang tingin sa binabasa niyang libro bago napakibit balikat.

"Nakakapagod." Mahinang sagot ni Celine.

"Isang tao lang ang binabantayan mo Celine, paano naging nakakapagod iyon?" Tanong ni Haven.

"Hay nako, maiintindihan mo rin ako kapag na-stuck ka na sa isang tao lang." Reklamo ni Celine.

Napakibit balikat lang ang blonde na anghel, "Well, bukas stuck na nga ako sa isang tao lang." Kalmadong sagot ni Haven kaya nanlaki ang mata ni Celine at mabilis na napalingon kay Haven.

"Anong nangyari?"

Napabuntong hininga nalang si Haven, "Nakagalitan ako ni Adriel, lagi nalang daw kasi akong sumasablay sa paghatid ng mga kaluluwa sa langit."

Si Adriel ang leader ng mga anghel dito sa Area na 'to. Bawat Area ay mga mga grupo ng anghel at isang leader. Sa dami ba naman ng tao sa mundo, ay doble noon ang bilang ng mga anghel. Ganoon rin syempre ang dami ng mga bilang ng mga demonyo.

"Nitong mga nakakaraan ay wala namang masyadong napupunta na sa langit, kaya natutulog nalang ako dito sa taas. Hindi ko alam na pakalat-kalat lang pala yung ibang kaluluwa sa mundo kaya ayun, napagdesisyunan ni Adriel na pagpalitin kami ni Timothy, ako naman ang magbabantay sa isang mortal at siya naman ang tagahatid ng mga kaluluwa."

Napatango-tango nalang si Celine bago niya dahan-dahang tinapik ang balikat ni Haven bilang simpatya, "Goodluck, friend." 

Napanguso nalang si Haven dahil sa ginawa ni Celine sa kanya.

"Magandang araw!" Masayang bati ng lalaking anghel ng makita sila nito.

"Sino yan?" Bulong ni Haven kay Celine pero mukhang narinig iyon ng lalaking anghel.

"I'm your hope, I'm your angel--"

"Shut up, Radjel." Singhal ni Celine kaya naman napanguso agad ang lalaking anghel.

"Celine naman, nagpapakilala lang naman ako sa kaibigan mo." Ani Radjel.

"Bakit kasi may intro pa lagi yung pagpapakilala mo? Jusko, kinakahiya kitang kaibigan." Ani Celine.

"Ang harsh mo naman Celine." Reklamo ni Radj. "At isa pa hindi ikaw ang kausap ko ha." Anito kaya naman napairap nalang ang babaeng anghel.

"By the way, I'm your hope, I'm your angel. Radjel." Pakilala ng lalaking anghel kay Haven bago siya naglahad ng kamay, napangiti naman si Haven bago niya tanggapin ang kamay ng masayahing anghel.

"Haven." Tipid na sagot ng babaeng anghel habang nakangiti.

"Oo nga pala Celine, pinapatawag ka ni Adriel." Biglang sabi ni Radj.

"Ano na namang kaylangan niya?" Napabuntong hininga nalang si Celine bago siya padabog na tumayo, matagal ng magkakilala si Celine at Adriel, halos magkasabayan lang kasi silang namatay at silang dalawa ang unang nagkakilala.

"Ewan ko dyan kay Adriel, crush ka yata." Pabirong sabi ni Radj na naging dahilan para tumalim ang tingin ni Celine sa kanya. Biglang nawala ang ngiti ni Radj dahil sa takot kay Celine habang si Haven naman ay nagpipigil ng tawa sa gilid.

Alam ni Celine na parang kapatid lang ang turing sa kanya ni Adriel, masyado itong protective sa kanya dahil kamukha daw siya ng kapatid niya. Napailing nalang si Celine bago siya naglakad papunta sa gate ng langit.

Nagkatinginan si Haven at Radj bago sila habang na natawa.

"Saglit lang, Celine!" Sigaw ni Haven bago niya sinundan ang kaibigan, pati si Radj at sumunod na rin sa dalawang babaeng anghel.

Diretso lang ang lakad ni Celine kahit naririnig niya ang tawag ng dalawa niyang kaibigan sa kanya, alam naman kasi niyang susundan siya ng mga ito kaya hindi na rin siya huminto. Nang makarating siya sa gate ng langit ay nakita niyang nakaupo si Adriel habang kinakausap ang isang bagong dating na kaluluwa.

Si Adriel ang kumakausap sa mga bagong dating na kaluluwa, hinintay lang ni Celine na matapos niyang kausapin ang kaluluwa bago niya kausapin si Adriel, ayaw naman niyang abalahin ito sa trabaho niya.

Nakasunod na rin sa wakas ang hinihingal na si Haven at Radj, napatingin si Celine sa dalawa, napaisip siya kung bakit hindi ginamit ng dalawa ang pakpak nila ng hindi sila hingalin.

"Hi Celine." Bati ni Adriel ng matapos niyang kausapin ang bagong dating na kaluluwa, lumapit si Celine sa kanya. 

Napansin ni Adriel si Haven at Radj sa likod, "Hi Haven and thanks Radj. Makakalabas muna kayong dalawa." Ngumiti si Adriel sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawang anghel bago sila nagsenyasan na dalawa, napatingin si Celine sa kanila at nakita niyang nginisihan siya ni Radj bago tuluyang lumabas ang dalawang anghel.

Ang hitsura ng gate of heaven ay hindi katulad ng mga iniisip ng tao, oo nga may malaking golden gate sa harap pero pagpasok mo dito ay may malaking tila opisana ang bubungad sa'yo.

Bored na naupo si Celine sa upuan na tanging ang mga bagong kaluluwa lang dapat ang umuupo pero medyo may pasaway rin kasi si Celine, matagal ng napansin ni Adriel ang pagiging pasaway ni Celine at ilang beses na paglabag sa patakaran kahit mababaw lang iyon, hindi niya magawang isumbong si Celine sa itaas dahil nga nag-aalala siya dito.

"Bakit mo ko pinatawag?" Tanong agad ni Celine.

"Itatanong ko lang kung kamusta sa mundo?" 

Napataas bigla ang kilay ni Celine, "Pinapunta mo ako dito para lang kamustahin?" Hindi makapaniwalang tanong babaeng anghel.

"Masama ba?" Tanong ni Adriel bago siya sinandal ang kanyang ulo sa gintong upuan niya.

"Sinira mo ang pagpapahinga ko para lang makipagchikahan sakin, wow." Sarkastikong sabi ni Celine kaya naman mabilis na lumapit sa kanya si Adriel para pitikin ang noo niya.

"Ouch!" Reklamo agad ni Celine kahit hindi naman talaga iyon ganoon kasakit.

"Gusto ko lang ipaalala sa'yo na kapag ikaw..." Tinuro niya ito kaya naman tinampal ni Celine ang kanyang kamay. 

Napabuntong hininga si Adriel, "... lumabag ka naman sa patakaran." 

Walang ganang tinitingnan ni Celine ang kanyang mga kuko habang walang ganang nakikinig sa sermon ni Adriel sa kanya.

"Ako na mismo ang magdadala sa'yo sa itaas." 

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon