Chapter 17

1.4K 105 109
                                    

"Putang ina naman Bast! Awatin mo si Zac!" 

Parehong nagtuturuan si Bast at Azazel kung sinong aawat kay Zac dahil nagkakabasag na ang kanilang mga gamit, yun nga lang mga gamit nila na aksidenteng nasisira ni Bast araw-araw ay hindi pa rin matanggap ni Azazel.

Yun pa kayang mga sinasadyang pagbasag ni Zac ng mga gamit nila.

"Gago ka ba?! Edi ikaw umawat!" Sigaw naman pabalik ni Bast. 

"Ay puta, ako na nga." Sabi ni Azazel bago niya pilit na inawat si Zac. 

"Zac putang ina, kumalma!" Pagpigil ni Azazel kay Zac pero nasapak lang siya nito kaya naman hindi na siya nakapagpigil at sinapak na rin niya ito.

Hanggang sa nagsuntukan na ang dalawang demonyo, napairap sa kawalan si Bast habang pinapanuod niyang nagsasakitan ang dalawa.

"Mga putang ina kayo! Tigilan nyo na nga yan!" Sigaw ni Bast bago pumagitna sa dalawang parehong ayaw magpaawat. Nang matamaan ni Zac si Bast sa mukha ay mabilis na nag-init ang ulo nito kaya naman sinapak na rin niya si Zac.

Ang nangyari ay nagsapakan nalang silang tatlo hanggang sa mapagod silang lahat, kasabay ng pagbagsak nilang tatlo sa sahig ay siya namang pagpasok si Siel sa loob.

Napataas ang kilay nito ng makita niyang duguan ang tatlo pero hindi niya ito pinansin nagdirediretso lang siya sa paglalakad niya patungo sa kusina para mag-timpla ng kape. Silang apat ang magkakasama sa bahay, wala silang magagawa doon.

Oo, may pabahay si Satanas sa impyerno. 

"Siel, putang ina mo. Tulungan mo kami!" Sigaw ni Azazel.

Napataas ang kilay ni Siel sa nagsalitang demonyo, "At bakit ko kayo tutulungan? Tsk." Singhal nito.

Tahimik siyang nagkape kaya naman napairap si Azazel at Bast bago ito sabay na tumayo, "Pakalmahin mo nga 'yang si Zac, mas okay na ako na kayong dalawang gago nalang ang nagsasapakan, dinadamay nyo pa kami mga putang ina kayo." Reklamo ni Bast.

"Oo nga naman." Pagsang-ayon ni Azazel, "At wag nyo rin idamay yung mga gamit dito, mga tarantado kayo."  

Bored na binalingan ni Siel ng tingin si Zac na nakahiga pa rin sa sahig at nakatulala lang puro sugat na ito at madaming pasa pero hindi niya iyon iniinda.

"Ano bang nangyari sa demonyong yan?" Tanong ni Siel.

"Iniwan ata ng bata niya." Natatawang sabi ni Azazel na naging dahilan para maghagikgikan silang dalawa ni Bast, buti nalang at hindi narinig ni Zac ang mga pinagsasabi ng dalawa sa likod niya.

"Bata? Ibig mong sabihin girlfriend?" Tanong ni Siel at tumango si Bast.

"Pagpasok kasi niya ng bahay pinagmumura agad kaming dalawa, tinatanong niya kung papaano makapunta ng langit. Gusto ko sana sabihin pakamatay siya kaso patay na nga pala siya." Napakibit balikat si Bast habang tinitingnan niya ang mga sugat niya na unti-unting naghihilom.

"Wag mong gawing biro ang pagpapakamatay Bast." Giit ni Siel pero napakibit balikat lang ito sa kanya.

"Bawal tayong makipagrelasyon di ba?" Tanong ni Azazel.

"Who cares about the fucking rules Azazel? Kaputanginahan lang yun, sino namang gago gagawa ng batas sa isang mundong walang sumusunod?" Tanong ni Siel.

"Sabagay, nung nakaraan nga ninakaw ko yung brief ni Bast." Sagot nito.

"Tangina nito kaya pala kulang yung mga underwear ko." Tinaga ni Bast si Azazel sa batok pero pag-alis ni Bast ng taga ay naghilom agad ang sugat ni Azazel pero naramdaman pa rin niya ang sakit noon kaya naman mabilis na kinuha ni Azazel ang isa pang kutsilyo bago sila magtagaan na dalawa.

Bored na lumapit si Siel kay Zac na nakapikit, nakita niyang may kaunting luha na tumakas sa mata nito kaya naman napatikhim si Siel.

Umupo ito para magkapantay sila, hindi pa rin tuluyang naghihilom ang ilang sugat ni Zac dahil siguro sa kinain nilang dalawa na pinagbabawal na prutas. 

Tiningnan lang siya ng masama ni Zac habang nakangisi ng nakakapangloko si Siel sa kanya, hahawakan sana ni Siel ang mukha nito pero mabilis na sinampal Zac ang kamay nito na naging dahilan para matawa si Siel.

"Anong pakiramdam ng mawalan ng taong mahal mo? Ang sakit di ba?" Tanong ni Siel, sinasadya niyang galitin si Zac pero wala ito sa mood para patulan pa niya ang galit nito.

Dahil siya mismo ay galit rin sa sarili niya.

"Para kang pinapatay ng paulit-ulit." Giit pa ni Siel.

"Umalis ka sa harapan ko Siel bago pa ko may magawang hindi maganda sa'yo." Banta ni Zac.

"Hindi ba matagal ka ng may ginawang hindi maganda sa akin?" Sarkastikong tanong ni Siel.

Mas lalong nawawasak si Zac dahil sa pinapamukha pa ni Siel ang mga nagawa niyang kasalanan dati. Gusto na niyang takasan iyon at pinagsisihan na niya ang lahat ng mga nangyari, pero kahit anong gawin niya ay hindi nya maiaalis ang galit ni Siel sa kanya. 

Pero naiintindihan niya na matindi ang galit sa kanya nito.

"Dati hindi ako naniniwala sa karma, pero guess what? Mukhang magiging bestfriend ko pa ito." Ani Siel bago niya hinawakan ang dugo sa labi ni Zac na naging dahilan para mas lalong tumalim ang tingin sa kanya nito.

Napangisi si Siel kay Zac, pero mas lalong lumawak ang ngisi niya ng dilaan niya ang dugo ni Zac na nasa daliri niya.

"Hindi ako makapaghintay na makita yung reaksyon mo once mamatay 'yang girlfriend mo--"

Isang sakal ang nakapagpatigil kay Siel sa pagsasalita niya, sa kabila ng malakas na pagkakasakal sa kaniya ni Zac ay nakangisi pa rin siya. Gustong-gusto niyang nakikitang nagagalit si Zac kaya mas lalo niya itong pinapagalit.

"Wag mo siyang idamay dito, labas siya sa kasalanan ko sa'yo." Mariin na sabi ni Zac.

Kahit hirap na sa paghinga si Siel ay alam rin naman niyang hindi siya mamatay kaya naman natawa lang siya.

"Wag idamay?" Sarkastikong tanong ni Siel bago siya mapasinghap. 

"Sana naisip mo rin 'yan noong pinatay mo yung taong mahal ko." Mas mariin na sabi ni Siel bago niya nabaliktan ang sitwasyon, pumaibabaw siya ngayon sa nakahigang si Zac at siya naman ngayon ang sumasakal dito.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit na makita mong pinatay sa harapan ko yung taong mahal ko at makikita mo, makakasama mo at kaylangan mo pakisamahan ang taong pumatay sa kanya." Nanggigil na sabi ni Siel habang mariin niyang sinasakal si Zac pero hindi siya pinipigilan nito.

Hinahayaan lang ni Zac na sakalin siya ni Siel, kung iyon ang magiging dahilan para kahit papaano ay gumaan ang loob nito.

Hanggang sa dahan-dahang napatigil sa pagsakal si Siel ng marealize niyang hindi siya makukuntento sa pagsakal kay Zac. Kagaya nalang ng naramdaman niya nung pinatay niya ito ng walang kamalay-malay.

Alam niyang hindi maiaalis ng paulit-ulit niyang pagpatay kay Zac yung sakit na nararamdaman niya noong mamatay yung taong mahal niya.

Naramdaman niyang unti-unting bumabagsak yung luha niya, mas lalong paulit-ulit na nawawasak ang puso ni Zac na nakikita niya yung dating kaibigan niya na paulit-ulit na nasasaktan dahil sa kanya. 

Walang ideya si Bast at Azazel sa drama ng dalawa sa gilid dahil hanggang ngayon ay nagbabalibagan pa rin sila ng taga. 

"Alam kong kahit kaylan hindi mo ako mapapatawad Siel pero gusto ko pa rin na malaman mo na pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko." Paliwanag ni Zac habang pinupunasan niya yung luha sa mata ni Siel.

Mas lalong lumakas ang pagbagsak ng mga luha ni Siel dahil sa ginawa ni Zac.

Pero wala silang kaalam-alam na dalawa na papalapit na yung dalawang kasamahan nila naghahampasan naman ng bangko ngayon. 

Hanggang sa nasobrahan sa balibag si Bast kaya naman tumama kay Siel ang bangko na naging dahilan para ma-out of balance ito.

Sabay na nalaglag ang panga ni Bast at Azazel ng makita nila ang pwesto ng dalawa.

Nakapatong si Siel kay Zac habang magkadikit ang labi nilang dalawa.

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon