Chapter 18

1.3K 104 6
                                    

Panay ang tingin ni Celine sa paligid niya, natatakot siya na baka makita siya ni Zac. Hindi na kasi niya alam kung papaano niya haharapin ito pagkatapos ng mga ginawa niya.

Nakasunod siya kay Trinity at sinisigurado nyang ligtas ito, napatigil siya sa paglalakad ng makita niya si Haven sa hindi kalayuan na sinusundan naman si Athena. Napakibit balikat lang si Celine bago nila sinundan ang dalawa.

Nasa library si Athena at Trinity, silang dalawa lang ang tao dito bukod sa librarian, pero pakiramdam nilang dalawa na hindi lang sila ang laman nito, which is tama naman sila dahil nandito rin ang kanilang mga guardian angel.

"Ang creepy, pakiramdam ko madami tayo dito." Sabi ni Athena habang tumitingin sa paligid.

Napaangat ng tingin si Trinity sa kanya, "Ako nga sa bahay pakiramdam ko hindi lang ako mag-isa ang tao dun." Nagkibit balikat si Trinity. 

"Baka madaming multo dito, balita ko dating sementeryo 'tong school natin." 

"Hindi naman siguro, baka mga anghel. Tahimik kasi eh." Sabi ni Athena.

"Anong connect noon?" Napakunot ang noo ni Trinity.

"Alam mo ba yung kasabihan na kapag may dumaang anghel, ibig sabihin noon tahimik." Paliwanag nito.

"Ay ganoon ba yun? Lagi naman tayong nakasunod sa kanila edi dapat laging tahimik." Bulong ni Haven kay Celine. 

"Hindi totoo yun, kasabihan nga lang di ba." Paliwanag ni Celine.

Napatingin sa buong paligid si Trinity bago niya binalik ang tingin niya kay Athena, "Natural na tahimik dito kasi library 'to tsaka tayo lang tao." 

"Hays bahala ka nga!" Sabi ni Athena bago niya binalik ang pagbabasa ng libro.

"Naniniwala ka ba sa mga anghel?" Tanong ni Trinity.

Nagkatinginanan si Celine at Haven na parehong nakikinig sa kwentuhan ng dalawa. 

"Syempre, nasa bible yun eh." Sagot ni Athena at tumango naman si Trinity, "Bakit? Di ka ba naniniwala sa mga anghel?" 

"Naniniwala naman ako, nakakita nga ako isang beses eh." Paliwanag ni Trinity, "Pero hindi ako sigurado kung panaginip ko lang ba yun, o isang ilusyon, o baka nahihibang lang ako, o totoong nakita ko talaga siya." Paliwanag nito.

Napatingin si Haven kay Celine bago niya nginuso si Trinity, pero nagkibit balikat lang si Celine.

"Kaylan?" Tanong ni Athena.

"Seven years old ako noon, nasusunog yung bahay namin. Narealize namin na malakas na ang apoy noong halos wala na kaming madadaanan ng mga magulang ko, pati na rin ng dalawang kapatid ko na kakapanganak palang ni Mama isang buwan bago mangyari yun." Pagkwento ni Trinity, hindi niya akalain na makakapag-open siya sa isang tao tungkol sa nangyaring trahedya sa kanila.

Ayaw na kasi niyang maalala yun pero malaki ang tiwala niya kay Athena kahit na ilang araw palang silang magkaibigan.

"Mag-isa lang ako sa kwarto ko habang magkatabi si Mama at Papa sa kabilang kwarto, tapos nasa crib na malapit sa kanila yung kambal kong kapatid." Napayuko si Trinity.

"Hindi ako magawang puntahan ni Papa sa loob dahil punong-puno na ng apoy ang daanan sa kwarto ko, at alam ko sa mga oras na tiningnan ni Papa ang mata ko, alam kong hindi na niya ako pupuntahan, dahil syempre nandoon pa naman si Mama at yung dalawang kapatid ko, kaya mas inuna niya iyon." 

Nangilid ang luha sa mata ng dalaga kaya naman mabilis na lumapit sa kanya ang kaibigan niyang si Athena para yakapin ito.

"Alam kong ang nasa isip ni Papa noon, kahit mawala ako ay nandoon pa rin naman si Mama at yung dalawa kong kapatid. Pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa nung mga oras na yun, sobrang sakit na makita mo yung sarili mong ama na unti-unting kang iniiwan." Pinusan ni Trinity yung luha niya.

"Noong una hindi ko matanggap yung ginawa ni Papa sa akin pero noong tumagal, habang tumatanda ako ay naiintindihan ko na si Papa, naiintindihan ko yung ginawa nya noon, naisip niya na kapag niligtas niya ako at napahamak kaming pareho ay walang magliligtas kila Mama at sa dalawang kapatid ko, tatlo sila habang mag-isa lang ako, kaya naman mas pinili ni Papa ang mas marami."

Biglang nawala ang nagbabadyang luha ni Celine ng biglang humagulgol ng malakas si Haven sa gilid niya, napailing nalang si Celine bago niya binalik ang tingin niya kay Trinity na kalong-kalong ni Athena.

"Noong mga oras na yun hinahantay ko nalang na mamatay ako, wala rin naman ako magagawa at isa pa masyado pa akong bata noon kaya naman iyak lang ako ng iyak habang yakap-yakap ko yung tuhod ko at noong mga oras na yun, nakita ko siya, nakita ko yung babae sa panaginip ko." Napangiti si Trinity.

"Ramdam ko yung yakap niya, alam mo yung pakiramdam na ligtas ka kahit yakap ka lang niya?" Tanong nito sa kaibigan niya at tumango si Athena sa kanya. "Parang yung nararamdaman ko ngayon habang yakap mo ako." Dagdag pa ni Trinity.

Mas lalong humigpit ang yakap ni Athena kay Trinity dahil sa sinabi nito.

"Aww, ang cute nila." Soft na sabi ni Haven bago niya pinaghinampas ng malakas si Celine sa braso nito.

"Sana tayo rin no?" Tanong ni Haven pero tiningnan siya ni Celine ng para bang nandidiri.

"Asa ka pa." Pabalang na sagot ni Celine.

Kaya naman napairap si Haven sa kanya bago nila sabay na binalik ang atensyon nila sa dalawa.

"Natatandaan ko pa yung mukha niya, maliit lang yung mukha niya at masasabi mong mukha talaga siyang anghel kahit isang tingin mo palang sa kanya, bumagay pa sa maalon at mahabang buhok niya na kulay itim. Hindi mapapagkailang anghel talaga siya." 

Nag-blush si Celine dahil sa pagdedescribe sa kanya ni Trinity, napa-ohh si Haven sa gilid niya at tila kinakantyawan siya dahil pulang-pula na siya ngayon.

"Pero alam mo, thankful ako sa kanya sa pag-iingat niya sa akin sa araw-araw lalo na noong bata pa ako, pasaway kasi ako kahit noon pa lang kaya lagi akong napapahamak pero nakakapagtaka na hindi man lang ako nasasaktan ng sobra."

Napabuntong hininga nalang si Trinity bago niya pinigilan ang bagong nagbabadyang luha sa mga mata niya.

"Pero sana..." Biglang nag-crack ang boses nito kaya naman natigilan siya sa pagsasalita hanggang tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya.

"Sana... Hindi na niya ako niligtas noon."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Celine dahil sa sinabi ni Trinity, pati si Haven ay biglang nag-aalala kay Celine ng marinig niya ito.

"Edi sana hindi ko na naranasan yung lahat ng hirap at sakit na nararanasan ko ngayon." 

Napaangat bigla ng tingin si Athena dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan, mabilis na nabalot ng lungkot ang mukha nito.

"Sana hindi nalang niya ako hinayaang mabuhay."

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon