Epilogue

2.9K 188 162
                                    

December 19, 2103

Mabilis na hinabol ng isang dalaga ang kaniyang itim na pusang tumatakbo patungo ang isang mataong playground, sa dami ng mga bata dito ay hindi na niya alam kung saan nagsuot ang kanyang alagang pusa.

Gusto lang naman talaga niyang ipasyal si Furfur pero mukhang maling ideya na ipasyal ang isang pasaway na pusa. Nakanguso ang dalaga habang hinahanap niya ito. Dapat talaga ay ikinulong nalang niya ang pusang ito maghapon sa kwarto niya.

"Furfur!" Sigaw ng dalaga, naiiyak na siya kasi hindi niya ito makita.

Kahit saan siya tumingin ay puso lang bata ang kanyang nakikita. Ngayon nagsisisi na siya na kinagalitan niya ito noong kinain nito ang kanyang meryenda, sana pala ay inintindi nalang niya ang pusa, ngayon ay nilayasan na siya ng kanyang alaga.

Wala na siyang furfur na katabi sa pagtulog, hindi niya kakayanin yun kaya naman mas lalo siyang naiyak.

"Hala, Ate bakit ka po umiiyak?" Tanong ng isang bata babae sa kanya, napapunas ang dalaga sa kanyang mata. 

"N-Nawawala kasi yung alaga kong pusa." Naiiyak na sabi nito.

"Eto oh, sa'yo nalang 'tong cotton candy ko ate, wag ka ng malungkot." Sabi ng batang babae habang inaabot niya ang isang cotton candy niya sa dalaga.

"Bakit dalawa 'yang cotton candy mo?" Tanong ng dalaga.

"I-Ibibigay ko sana 'to sa crush ko, k-kaso baka di niya tanggapin, kaya sa'yo nalang ate na mukhang angel, para di ka na rin sad." Sabi nito.

Bahagyang yumuko ang dalaga para guluhin ang buhok ng batang babae natutuwa siya lalo ng umangat ang ilang bangs nito, "Ang cute mo, mukha ka rin namang angel. Isang cute na batang anghel." Aniya. 

"Anong pangalan mo?" Tanong pa ng dalawa sa bata tuluyan na siyang umupo para magpantay silang dalawa.

"Haley po ang pangalan ko, sabi ni Mama don't talk to strangers daw pero feeling ko po hindi ka stranger, guardian angel po ba kita?" Tanong ng pitong taong gulang ng batang babae. Nakakapagtaka man pero ganoon rin ang nararamdaman ng mas nakakatanda sa kanila.

"Nope, isa akong friend mo na angel." Gawa-gawang kwento ng dalaga.

"Wow! May friend akong angel?" Hindi makapaniwalang tanong ng bata at tumango ang dalaga sa kanya.

"Hindi na ako sad kasi nakilala kita, Ibigay mo nalang 'yang cotton candy sa crush mo, sure ako na tatanggapin niya 'yan." Anito.

Napanguso ang bata kaya naman nag-panic agad ang dalaga, "N-Nasan ba yung crush mo, turo mo." 

"Ayun po sya oh, Axel po pangalan niya." Sabi ng batang babae habang tinuturo ang lalaking nanununtok ng kalaro.

Napakunot ang noo ng dalaga bago niya ibalik ang paningin niya sa batang babae na mukhang nalulungkot kaya naman hinila niya ito patungo sa batang lalaki. 

"Oy bata, crush ka daw nito." Sigaw ng dalaga na naging dahilan para mamula ang mukha ni Haley, napatingin ang batang lalaki na sinasabi ni Haley na crush niya.

Kinunutan niya ng noo ang dalaga, "Crush ko din naman siya kaya lang malaki noo niya." Reklamo nung batang lalaki.

"Ikaw nga malaki ilong mo, nagreklamo ba ako?" Tanong ng batang babae.

Nagkatinginan silang dalawa ng masama na para bang nag-aaway na sila sa isip nila kaya naman kinuha ng dalaga ang isa pang cotton candy na hawak ni Haley.

"Oh, eto. Binili yan ni Haley para sa'yo." Inabot niya iyon kay Axel.

Mabilis na namula ang buong mukha ng batang lalaki pero tinanggap rin niya agad iyon. "Mag-usap kayong dalawa dyan ha, aalis na ko." Paalam ng dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon