Chapter 20

1.4K 106 19
                                    

Nakatayo lang silang dalawa sa gitna ng playground, basang-basa silang dalawa at nakatingin lang sila at isa't isa. Sinusulit nila ang pagkakataon na nagagawa pa nilang titigan ang isa't isa dahil hindi nila alam kung hanggang kaylan nila ito kayang gawin. 

Dahan-dahang napatango si Celine, bago niya pinunasan ang kanyang mga luha.

"I'm Celine. Isa akong Guardian Angel." Pakilala niya, naguluhan si Zac sa sinabi nito hanggang sa makita niya ang kamay nito.

Agad tinanggap ni Zac ang kamay ni Celine, "Shit, I knew it. Hindi Angel ang totoong pangalan mo." Natatawang sabi nito, pero imbes na makipagshake hands siya sa anghel ay kinuha nya ang kamay nito para halikan.

"Zepar Zachariel, pero Agustus ang totoo kong pangalan noong nabubuhay pa ako sa mundo--" Biglang nagtigilan si Zac sa pagsasalita ng makita niya si Celine na nakangiti na ngayon.

"B-Bakit?" Naguguluhang tanong ni Zac.

"Pfft." Biglang natawa ng malakas si Celine bago niya hinampas sa braso si Zac, "Ang panget ng pangalan mo." Nag-iihit ng tawa ito kaya naman napakunot ang noo ni Zac pero hindi niya mapapagkailang natutuwa siya na natatawa na ulit si Celine.

"Ano ka ba! Kapanahunan pa ni Kopong-kopong nung namatay ako." Paliwanag ni Zac.

"Sino si Kopong-kopong?" Natatawang tanong ni Celine pero nagkabit balikat lang si Zac dahil imbento lang niya ang pangalan na yun.

"Buti nalang hindi ko alam ang totoong pangalan ko at ayoko ng malaman, ayos na ko sa Celine." Biro ng anghel.

"Celine means Heavenly, ang astig no?" Napataas ang kilay ni Zac sa ibig sabihin ng pangalan nito.

"Bagay sa'yo." Anito bago niya pinalupot ang kamay niya sa baywang niya dalaga. 

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Zac sa anghel, napaisip bigla si Celine.

"Kahit saan, basta kasama kita." Ngumiti ang dalaga kaya naman napailing nalang si Zac habang nagpipigil ng ngiti.

"Sige, magkukulong nalang tayo sa bahay ko." Natatawang sabi ni Zac bago niya binuka ang malaking itim na pakpak niya.

"Sure ka bang makakalipad ka ng ayos? Basa yung pakpak mo at umuulan pa." Tanong ni Celine.

"Hindi ako sure." Sagot ni Zac bago niya biglang binuhat ang anghel kaya naman napatili ito.

Mas lalong napatili si Celine ng muntik na silang bumagsak dahil hindi makalipad ng ayos si Zac, natawa ito lalo na ng pinaghahampas siya ng anghel, nabasa silang dalawa dahil pinagaspas ni Zac ang basang-basa niyang pakpak.

Pagkatapos noon ay mabilis na silang lumipad patungo sa bahay ni Zachariel sa gitna ng gubat. 

Tumila na ang ulan pero basa pa rin ang dalawa dahil naliligo sila sa isang batis malapit sa bahay ni Zac sa gitna ng gubat, pero imbes na maligo lang sila ay naghalikan silang dalawa gitna nito kaya naman kaya naman saglit lang sila batis dahil mabilis silang umahon. 

Para bang isang pangyayaring sumasalamin lang sa nangyari kahapon.

Nagmamadaling na tinanggal ni Zachariel ang kanyang damit bago muling binalik ang kanyang labi sa labi ng babaeng anghel na para bang ayaw niyang masayang ang ilang segundong hindi magkadikit ang kanilang labi.

Napapikit siya ng mariin ng maramdaman niya ang kamay ni Celine sa kanyang likuran na halos hinihila siya papalapit sa kanya. 

"Fuck, Celine." Malutong na mura ni Zac ng nagmamadali niyang tinanggal ang damit nito pero ayaw matanggal ng ayos kaya naman sinira nalang niya.

Natigilan si Celine at napatingin siya sa kanyang damit, "Yan na ang pinakamaganda kong damit." Ani Celine.

"Kaya kitang bigyan ng mas maganda pa dyan, wag mong problemahin yan." Bago binalik ni Zac kanyang labi sa balat ni Celine. 

"Hmm." Napakagat sa labi ang anghel para pigilan niya ang kanyang pag-iingay, mas lalo niyang pinapahiya ang sarili niya dahil sa ginagawa niyang ingay.

Mas lalong nadadagdagan ang pamumula ng mukha niya pero hindi naman niya alam na gustong-gusto ni Zac kapag tinatawag niya ang pangalan nito.

"Damn, i'm so in love with you." Hinihingal na sabi ni Zac.

Nang matapos nila ang kanilang ginagawa ay napahiga nalang si Celine habang hinahabol niya ang kanyang hininga, si Zac naman ay pinipigilan niya ang kanyang pagod dahil ayaw niyang mawala sa paningin niya si Celine, natatakot na baka paggising niya ay wala na naman ito sa kanyang tabi.

Binuhat niya ang anghel patungo sa kanyang bahay, nang makapasok siya ay sinipa nalang niya ang pinto bago niya maingat na inihiga sa kama si Celine. 

Suot-suot ngayon ni Celine ang kanyang damit habang siya naman ay tanging pantalon lang ang suot dahil wala siyang pang-itaas. 

"Pagtitimpla kita ng kape, saglit lang." Sabi ni Zac kaya naman tumango nalang si Celine, masakit pa rin ang ibabang parte ng kanyang katawan, ngayon lang nya naramdaman ang sakit ng kahapon at ngayon.

Lumabas si Zachariel para magtungo sa kusina, habang si Celine naman ay sinubukang tumayo para pagmasdan ng mabuti ang buong bahay ni Zac, ayaw niyang makalimutan ang bawat detalye ng bahay na ito dahil natatakot siya na baka isang araw ay hindi na siya muling makabalik dito.

Pinapadausdos ni Celine ang kanyang mga daliri mga kabinet ni Zachariel pati na rin sa lumang piano na nasa loob ng kwarto nito, hahawakan na sana niya ito ng pinigilan niya ang kanyang sarili. Pag-angat niya ng kanyang paningin ay nakita niya ang kulay pulang kurtina, noong nakaraan pa siya natutuksong buksan iyon.

Pero hindi niya magawa, napalunok siya ng hawakan niya ang kurtina, akmang hahawiin na niya iyon ng bigla niyang marinig ang yapak ni Zac kaya naman mabilis siyang yumuko at nagkukunwareng nakatingin sa lumang piano.

"Celine..." Tawag nito sa kanya kaya naman dahan-dahan siyang tumingin dito.

"Hmm?" Tanong nito, tinuro ni Zac ang kanyang kusina kaya naman tumango nalang si Celine bago siya sumunod dito.

Nang makaupo si Celine sa upuan ay inabot ni Zac ang tasa sa babaeng anghel na titig na titig sa kanya, "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Zac ng mapansin niya ang matagal na titig sa kanya ni Celine.

Tumango ang anghel.

Pero ang totoo niyan ay natatakot lang siya na baka isang araw hindi na ulit niya magawang matingnan at mahawakan si Zachariel. 

At hindi niya alam kung kakayanin pa niya yun.

Fallen (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon