Chapter 4

7.1K 116 10
                                    

Mico Halili: With Ginebra down by two points, he nailed a buzzer beater Hail Mary shot from just behind the half court line making the final score 87-86 in favor of Ginebra San Miguel. Jessica Mendoza is now with our Player of the Game, Kiefer Ravena.

Pinanood pa ni Alyssa yong interview ni Kiefer bago niya pinatay yong TV. Pagkatapos, pumasok na siya sa kwarto at humiga sa kama. Ang galing pa rin talaga ni Kiefer and Alyssa can’t help but feel proud of how well his PBA career is going.

Nakatulog na rin si Alyssa. Paggising niya kinabukasan naghanda siya para pumasok sa opisina. Habang nagbabasa siya ng mga emails niya, naririnig niya yong mga kasama niya sa HR na pinag-uusapan yong game last night.

Betsy: Napanood mo ba yong game ng Ginebra last night? Ang galing pa rin talaga ni Ravena noh? Imagine, halos binato na lang niya yong bola mula half court, pumasok pa rin.

Kiko: Kahit naman nung asa Ateneo pa siya, ganun na siya maglaro.

Tess: Aly, diba sa Ateneo ka nag-college?

Alyssa: Oo. Bakit?

Tess: Nag-abot ba kayo ni Ravena nun sa Ateneo?

Alyssa: Ahead ako sa kanya ng one year pero since nagresidency muna ako, sabay yong playing years namin, so sabay din kaming umalis ng Ateneo.

Kiko: Magkakilala kayo?

Alyssa: Magkaibigan kami nung college. Kaya lang we lost touch after graduation. May five years na rin siguro kaming hindi nag-uusap.

Betsy: Sayang naman yong friendship niyo.

Alyssa: Oo, pero ayos lang din naman. Ganun talaga diba? Nagkakanya-kanya after college.

Tess: Mabait din ba si Kiefer in real life? Kasi pag naglalaro siya sa court parang ang bait niya compared sa ibang players.

Alyssa: Mabait si Kiefer, minsan nga lang nasosobrahan sa kulit.

Betsy: Close ba kayo nun o hi-hello friends lang?

Alyssa: Close kami nun. Nagdo-double date pa nga kami eh.

Kiko: Ex mo si Kiefer Ravena?!

Alyssa: Sira. Hindi ko ex si Kiefer.

Kiko: Ang sabi mo double date.

Alyssa: Ang magka-double date, kami ng boyfriend ko nun and si Kiefer at kung sino mang dine-date o nililigawan niya.

*intercom buzz*

Alyssa: Yes Nancy?

Nancy: Miss Aly, nandito na po yong for interview.

Alyssa: Sige, papuntahin mo na siya sa Room 1. Susunod na lang ako dun. Thank you.

Kinuha ni Alyssa yong interview form tapos lumabas na siya para umpisahan ang araw niya. After what felt like a hundred interviews, natapos din yong trabaho. Kino-consolidate na lang niya yong feedback niya dun sa mga na-interview niya kanina before she totally ends her day.

Betsy: Alyssa, hindi ka pa ba uuwi? 7pm na.

Alyssa: Tatapusin ko na lang tong feedback report ko tapos uuwi na rin ako.

Betsy: Kanina ka pa kayang 5pm dapat nag-out. Ipagpa-bukas mo na yan.

Alyssa: Wala rin naman akong gagawin pag umuwi ako.

Betsy: Ano ka ba, sumagap ka ng ibang hangin bukod sa opisina at sa apartment mo.

Alyssa: Saan ako pupunta?

Betsy: Kahit saan, sa mall, sa bar, sa spa. Basta maglibang ka.

Alyssa: Bahala na. Umalis ka na nga, lalo akong hindi matatapos dito kung dinadaldal mo ko.

Naglalakad na pauwi si Alyssa sa apartment niya nung maalala niya yong sinabi ni Betsy kanina. Since may kelangan din naman siyang bilhin, imbis umuwi nagpunta na lang siya sa mall.

Nahanap niya agad yong kelangan niyang facial wash kaya nag-dinner muna si Alyssa tapos nag-decide mag-ikot sandali. Nakatayo si Alyssa sa labas ng Nike store, nag-iisip kung papasok siya. When she finally decided to go in, may nakabangga siya sa may entrance na papasok rin sa store.

Alyssa: Aray! Kiefer?!

Kiefer: Sor – Alyssa?! Kamusta ka na? Long time no see.

Alyssa: Okay naman ako. Ikaw?

Kiefer: Okay din. Anong ginagawa mo dito sa Cebu?

Alyssa: Dito ako nagwo-work.

Kiefer: Kelan pa?

Alyssa: Matagal na, lagpas three years na rin.

Kiefer: Kaya pala hindi kita nakikita sa Manila andito ka nagtatago sa Cebu.

Alyssa: Hindi ako nagtatago noh. Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?

Kiefer: Andito ako for the PBA All-star weekend.

Alyssa: Sa Friday pa ang start nun ah. Wednesday palang.

Kiefer: Well, good thing I flew in early, kung di, baka hindi tayo nagkasalubong dito sa mall. (after a few seconds) Uhmmm...have you had dinner? Kain muna tayo.

Alyssa: Nag-dinner na ko kanina eh.

Kiefer: How about coffee? Para makapag-catch up naman tayo.

Alyssa: Sige, coffee sounds nice.

Naglakad si Kiefer at si Alyssa papuntang Starbucks. Pagkakuha nila nung drinks nila they grabbed a table outside.

Kiefer: Anong work mo dito?

Alyssa: Sa HR ako, mostly Recruitment pero minsan pagbusy sila tumutulong ako sa Training team namin.

Kiefer: Bakit hindi ka nagtuloy sa PSL? Sayang, I’m sure any team would have loved to have you.

Alyssa: Hindi naman kasing lucrative ng PBA ang PSL and I needed to work para makatulong ako sa family ko. Tsaka okay na rin na hindi ako nag commercial league, at least tahimik ang buhay.

Kiefer: Reluctant celebrity ka pa rin hanggang ngayon.

Alyssa: Tinanggap ko lang naman yong limelight nung college kasi it came with the territory. That was just me doing my part in furthering volleyball.

Kiefer: And you were very successful.

Alyssa: College pa yon. Wala pa ring panama yong achievements ko nun sa na-achieve mo sa PBA.

Kiefer: You would have achieved more kung nag-PSL ka sana. Wala bang regrets?

Alyssa: Wala naman. I’m okay with the life I have here. Minsan lang malungkot kasi nasa Batangas yong pamilya ko. Pero madali lang silang dalawin, mura na lang naman ang airfare ngayon.

Kung saan-saan pa napunta yong usapan nila Kiefer at Alyssa. Tuloy-tuloy lang ang kwento, parang nung college lang sila, parang hindi nangyari yong five years na wala silang communication.

Alyssa: Congrats pala sa panalo niyo last night. Parang college lang, end-game hero pa rin.

Kiefer: Salamat. Pero wala naman yon eh. Sobrang inconsistent ko the entire conference.

Alyssa: Ano ka ba, because of your buzzer beater shot nakapasok ang Ginebra sa semis.

Kiefer: Sa PBA you’re only as good as your last season. Pag hindi maganda yong season mo, pwede kang i-trade o kaya kung mage-expire na yong contract mo, hindi ka na lang nila ire-renew.

Alyssa: Naga-apply ba yong rules na yon sa yo eh nakakadalawang MVP awards ka na? You’ve also won several championships for Ginebra. Siguro naman pwede na nila ibalato sa yo kung magkaroon ka man ng off season.

Kiefer: Malalaman natin at the end of this season kung ibabalato nga nila sa kin to.

Alyssa: Second conference palang naman, may isa pa after nito. Baka kelangan mo lang ng inspiration para maging consistent ulit yong laro mo?

Waiter: Sir, Ma’am, magco-close na po yong kitchen, may order pa po ba kayo?

Kiefer: Ly, do you still want anything?

Alyssa: Wala na. I’m good.

Kiefer: Okay na kami. Thanks for asking.

Waiter: Sige po Sir.

Pag-alis nung waiter, tumingin si Alyssa sa relo niya.

Alyssa: Naku Kief madaling araw na, masyadong napahaba yong kwentuhan natin. I have to go, may pasok pa ko bukas. Ay, mamaya pala.

Kiefer: Oo nga eh. Tagal kasi nating hindi nakapag-kwentuhan. Hatid na kita?

Alyssa: Wag na. Walking distance lang ako from here.

Kiefer: I’ll walk you home. Wag ka na tumanggi, magtu-2am na. Hindi naman pwedeng paglakarin kita mag-isa ng ganitong oras.

Alyssa: As always, ang kulit mo pa rin. Tara na nga.

Kiefer walked Alyssa home. It felt like they were back in college and Kiefer was just walking Alyssa to her dorm.

Alyssa: Eto na yong apartment ko. Thanks for walking me home. Ingat ka pabalik ng hotel mo and good luck for this weekend.

Binuksan ni Alyssa yong pinto ng apartment niya, papasok na sana siya sa loob ng hawakan siya ni Kiefer sa kamay.

Kiefer: Aly, pwede ko bang makuha yong number mo? So you know, it won’t take another five years bago tayo magkita ulit.

Alyssa: Oo naman. 0917-1234567. Pakilala ka na lang pag nagtext ka.

Kiefer: I will. Uhmmm...can I see you again tomorrow? Dinner or coffee? Kahit anong time, just let me know kung kelan ka available.

Alyssa: Okay ako with dinner, mga 7pm?

Kiefer: Great! I’ll see you tomorrow. Good night Aly!

Alyssa: Good night Kief!

Patulog na si Alyssa nung may pumasok na text message sa phone niya.

*toot toot*

From 0921-1234567:
It was so nice to see you. Ang sarap mo pa rin talaga kausap. Looking forward to dinner tomorrow. Sweet dreams Aly! - Kiefer


******


*phone ringing*

Alyssa: O Kief? Napatawag ka?

Kiefer: Pag sa corporate world ba nagta-trabaho, hindi na gumagamit ng hello?

Alyssa: Dami mong arte! Bakit ka nga napatawag?

Kiefer: Hindi mo ba ko ico-congratulate dun sa Slam Dunk win ko?

Alyssa: Kinongratulate na kaya kita after nung mismong event kahapon.

Kiefer: Isang beses palang yon. Two rounds yong contest so dapat twice mo din ako i-congratulate.

Alyssa: Sige para matuwa ka na lang. “Congratulations! Ang galing mo naman mag-dunk.” O, okay na ba yon?!

Kiefer: Bakit ba ang sungit mo?

Alyssa: Kasi puyat na naman po ako dahil sa inyo. 12 midnight palang pinapaalis na kita sa apartment ko. Anong ginawa mo? Umalis ka ng 3am.

Kiefer: Grabe ka magsalita. Parang hindi mo talaga ako na-miss.

Alyssa: Hindi kasi kelangan bawiin yong limang taon sa loob ng limang araw. O, ano na nga?! Don’t tell me tumawag ka lang para magpa-congratulate?

Kiefer: Paalis na ko ng Cebu tomorrow.

Alyssa: Okay. Ingat ka sa flight mo.

Kiefer: Dinner tayo mamaya after ng work mo.

Alyssa: Aysus! Mag-aaya ka lang pala lumabas ang dami mo pang pasakalye. Sige, mamaya. Saan tayo magkikita?

Kiefer: Sunduin na lang kita diyan sa office mo. Is 6pm okay?

Alyssa: 7pm na lang. Ang dami kong trabaho eh.

Pagkatapos nila magkasundo sa oras, binaba na ni Alyssa yong phone niya. Babalik na sana siya sa ginagawa niya ng mapansin niyang nakangisi si Betsy sa kanya.

Alyssa: Ganda ng ngiti natin ah. Anong meron?

Betsy: Ikaw, may date. Pakilala mo naman yang ka-date mo ng makilatis namin.

Alyssa: Hindi naman date yong lakad ko mamaya.

Betsy: It sounded like a date to me. Sino ba yang kikitain mong yan?

Alyssa: Kahit sabihin ko sa yo, hindi ka maniniwala.

Betsy: Try me. Malay mo maniwala ako?

Alyssa: Remember last week, may pinag-uusapan tayo na naging classmate ko nung college?

Betsy: Yeah, si Kiefer Ravena.

Nanlaki yong mga mata ni Betsy nung na-gets niya yong sinabi ni Alyssa.

Betsy: Oh my God! Siya yong ka-date mo later?

Alyssa: Hindi nga sabi date yon.

Betsy: Akala ko ba matagal na kayong hindi nag-uusap? Bakit may “lakad” mamaya?

Alyssa: Well, last Wednesday, we bumped into each other in the mall. We had coffee, tapos ayon. We’ve been meeting up everyday since then. Eh pabalik na siya ng Manila bukas kaya nag-aya mag-dinner.

Betsy: Yieeeee...Maybe this Time lang ang drama nila. Two old friends meet again, wearing older faces. Talk about the places they’ve been.

Alyssa: O, wag mo na ituloy yong kanta. Hanggang diyan lang yong relevant sa min.

Betsy: Talaga lang ah?! Alam mo Aly, feeling ko meron kang hindi kinekwento sa min tungkol sa inyo ni Kiefer.

*intercom buzz*

Alyssa: Yes?

Nancy: Miss Aly, nandito na po yong next interviewee niyo.

Alyssa: Sige, sa Room 3 na lang. I’ll meet him there. Thanks Nancy.

Alyssa went about her normal activities and before she knew it, magse-7pm na. Sumaglit siya sa ladies room para mag suklay and mag-reapply ng make-up niya. Nung nagliligpit na siya ng gamit niya, nakita niya si Betsy na pinapanood siya.

Alyssa: Bakit na naman?

Betsy: Hindi daw date. Kaya pala ang ganda na ng pagkaka-apply ng make-up, ayos na ayos pa ang buhok.

Alyssa: Masama ba maging presentable ang hitsura?

Betsy: Hindi. Ang masama yong mag-deny.

Alyssa: Wala akong dine-deny. Hindi naman talaga date yong lakad ko. I’m just meeting up with an old friend.

*intercom buzz*

Alyssa: Yes Nancy?

Nancy: Miss Aly, may sundo po kayo dito. Kiefer daw po.

Alyssa: Sige, pakisabi palabas na ko. Thank you.

Iniwan ni Alyssa si Betsy na nakangisi sa kanya. Paglabas niya sa reception, binati niya si Kiefer tapos nagpaalam siya kay Nancy.

Kiefer: Where do you want to eat?

Alyssa: Kahit saan ako. Ikaw na mamili, ikaw ang dayo dito eh.

Kiefer: Parang gusto ko i-try yong Casa Verde.

Alyssa: Sige, pero dun tayo sa original branch nila. Teka, tawag lang ako to make sure may aabutan tayong table. Lagi silang full house eh.

Tumawag si Alyssa to make reservations bago sila pumunta ng Casa Verde. Pagdating nila, they were seated right away and since regular customer si Alyssa dun, na-serve agad yong order nila.

Kiefer: Ly, bakit pala hindi nag-opt si Jovee na dito na lang din sa Cebu magtrabaho?

Alyssa: Bakit naman niya kelangan dito magtrabaho?

Kiefer: Para magkasama na kayo. Mahirap kaya ang long distance relationship.

Alyssa: Kief, matagal na kaming wala ni Jovee, the year after we left college pa.

Kiefer: Talaga? Bakit kayo nagbreak?

Alyssa: Hindi lang nag-work out.

Kiefer: Kamusta ka?

Alyssa: With the break-up?

Kiefer: Yes.

Alyssa: I’m okay. And kung gusto mong malaman kung naka-move on na ko, yes I have.

Kiefer: Buti naman okay ka. Nag-uusap pa ba kayo ni Jovee?

Alyssa: We don’t really make it a point to talk pero hindi rin kami nag-iiwasan. The few times na nagkakasalubong kami pag nasa Manila ako, nagpapansinan naman kami.

Kiefer: Are you seeing anyone now?

Alyssa: Alam mo, kung may dine-date ako ngayon di sana hindi mo ko nakita the whole time you were here.

Kiefer: Good.

Alyssa: Ha?

Kiefer: No, I mean, good na you seem happy kahit single ka.

Alyssa: Ahhh...eh ikaw, may girlfriend ka bang naiwan sa Manila?

Kiefer: Wala. Matagal na ko tumigil sa paggi-girlfriend just for the sake of having a relationship.

Alyssa: So hindi ka na parang nagbibihis ng damit kung magpalit ng girlfriend?

Kiefer: Kung magsalita ka naman parang ang playboy ko.

Alyssa: Playboy ka naman talaga diba? Nung college nga tayo meron kang flavor of the month.

Kiefer: Flavor of the month kasi isa-isa. Kahit kaya kelan hindi ako nagsabay ng babae.

Alyssa: Hindi nga sabay-sabay pero sunod-sunod naman. Ganun din yon.

Kiefer: Well, that’s all your fault Miss Valdez. Kung hindi mo ko binasted nun, sana ikaw lang ang naging girlfriend ko buong college.

Alyssa: Mr Ravena, wag mo isisi sa kin yong pambababae mo. Choice mo yon, wala akong kinalaman dun. (after a few seconds) Anyway, ang importante hindi ka na babaero ngayon.

Kiefer: Oo, good boy na to.  Na-realize ko rin kasi na ayoko na ng relasyon na wala lang.

Alyssa: Wala ka kahit nililigawan?

Kiefer: Wala. Basketball’s my only love right now.

Alyssa: Buti hindi ka hinahanapan ng mga fans mo ng asawa or girlfriend?

Kiefer: Anong hindi?! Lagi kayang natatanong sa kin yan. Madikit lang ako sa isang babae, nililigawan ko na agad. May makita lang na ka-dinner ko, girlfriend ko na. Siguro kung may makita silang ka-holding hands ko sasabihin nila asawa ko na yong babae.

Alyssa: Hirap talaga maging Kiefer Ravena noh? Walang concept ng privacy.

Second Time Around (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon