Chapter 2

7.2K 112 4
                                    

Juami: Aly, naayos na namin ‘yong banner. May ipapagawa ka pa?

Alyssa: Wala na Juami, salamat. Banner looks really good.

Juami: Swerte ni Kiefer sa ‘yo.

Alyssa: Sira! Sige na chill na lang kayo diyan, baka padating na rin sina Kiefer.

Juami: Okay. Sabihin mo lang kung may kelangan ka pa.

Tumango si Alyssa kay Juami tapos bumalik siya sa pag-aayos nung mga pagkain na inihanda nila para sa surprise birthday party ni Kiefer. She looked around the Blue Eagle Gym, ayos na naman lahat, hinihintay na lang nila ‘yong text ni Von na pabalik na sila ng Ateneo ni Kiefer.

Denden: May kulang pa ba?

Alyssa: Wala na, we’re all se – wait, nasan na ‘yong cake? Bakit wala dito?

Ella: Nilagay ko muna diyan sa loob ng cooler para hindi lumambot ‘yong icing masyado.

Alyssa: Ah okay. Akala ko kung saan na napunta.

Ella: Ano ba Besh, kalma ka lang. Ilang linggo mo ng pina-plano ‘to, siguro naman wala ka ng nakalimutan.

Alyssa: Sana nga wala ‘kong nakalimutan. Nakakahiya naman sa birthday boy kung hindi perfect ‘tong party niya.

Denden: Bakit ba sobrang aligaga ka sa party na ‘to? I mean, I’ve never seen you exert this much effort for anyone before, ngayon lang, kay Kiefer.

Alyssa: Gusto ko lang makabawi sa kanya. Lagi kasing siya ‘yong nage-exert ng effort para sa ‘kin. Kahit man lang dito sana maparamdam ko sa kanya na naa-appreciate ko siya.

Ella: I don’t think naghihintay ng bawi si Kiefer galing sa ‘yo. Mukha namang masaya na siya na andiyan ka sa tabi niya.

Alyssa: Alam ko, pero gusto ko pa rin makabawi kahit papaano. Imagine, pag kelangan ko siya, kahit ano pa ‘yong ginagawa niya, he drops it for me. Eh ako? Anong nagawa ko para sa kanya? Wala, diba?

Ella: Wag mo naman masyadong minamaliit ‘yong sarili mo Ly. 100% attendance ka kaya sa mga games ni Kiefer since naging friends kayo.

Denden: Besh alam mo, pag nakikita ko kung gaano kayo ka-close ni Kiefer ngayon, hindi ako halos makapaniwala na last year lang nagbabangayan kayo. Kung hindi pa siguro namin kayo kinulong sa classroom nun, hindi pa kayo magkakabati.

Alyssa: Hahaha...siguro nga.

Denden: Friends pa rin lang ba talaga kayo?

Alyssa: Anong ibig mong sabihin?

Ella: Feeling kasi namin ni Denden pinopormahan ka ni Kiefer. Minsan nga para pa kayong nagliligawan eh.

Alyssa: Ano ba, wag nga kayo masyadong dumidikit kina Juami. Kung ano-ano tuloy naiisip niyo. Hindi kami nagliligawan ni Kiefer at lalong hindi siya pumuporma sa ‘kin.

Denden: How do you feel about him Aly? Gusto mo ba siya romantically?

Alyssa: Wha –

*toot toot*

From Von Pessumal:
Aly, nasa may bandang Blue Ridge na kami. Be there in less than 15 minutes.

Biglang napatayo si Alyssa nung natanggap niya ‘yong text ni Von. Hindi na niya nasagot ‘yong tanong ni Denden, she just went into hypermode at tinawag na niya ‘yong mga teammates nila ni Kiefer to get ready. Maya-maya nag missed call si Von kay Alyssa, their signal na nasa labas na sila ni Kiefer ng Blue Eagle Gym.

Kiefer: Paps, anong meron dito at kelang –

Everyone except Kiefer: SURPRISE!!!

Kiefer: An –

Everyone except Kiefer: HAPPY 19th BIRTHDAY KIEF!!!

Kiefer: Hahaha...thanks!

Lumapit si Alyssa kay Kiefer with his birthday cake.

Alyssa: Make a wish!

He closed his eyes and after making a wish, hinipan niya ‘yong candle sa cake niya.

Justin and Oping: Kainan na!!!

Everyone except Justin and Oping: Hahaha...

Nilapag ni Alyssa ‘yong cake and then she busied herself with distributing paper plates and plastic utensils to the guests. Sa gitna ng pag-aasikaso niya, nagulat siya nung biglang hinila ni Kiefer ‘yong kamay niya.

Kiefer: Tama na ‘yan. Matatanda na sila, kaya na nilang kumuha ng sarili nilang pagkain.

Alyssa: Teka naman.

Kiefer: Alam mo Ly, nakakatampo ka na.

Alyssa: Bakit?

Kiefer: Lahat na lang kasi inasikaso mo maliban sa ‘kin.

Juami: Naku Aly, ang birthday boy nagpapa-baby. I-baby mo na ‘yan, baka umiyak pa.

Alyssa: Hahaha...sige na nga. Ano bang gusto ng birthday boy? Pasta? Ice cream? Barbecue?

Ryan: (sumigaw) Kiss lang galing sa ‘yo masaya na ‘yan!

Everyone except Kiefer and Alyssa: Hahaha...

Namula si Kiefer sa sinabi ni Ryan at para maiwasan ‘yong tuksuhan, hinila ni Kiefer si Alyssa palabas ng Blue Eagle Gym. Naglakad-lakad lang sila and when they got to the football field, umupo sila sa isang gilid at pinanood ‘yong mga nagpa-practice.

Kiefer: Uy, joke lang ‘yong nagtatampo ako sa ‘yo ah.

Alyssa: Alam ko namang joke lang ‘yon. Ruma-ride lang ako sa pang-aasar nina Juami.

Kiefer: Salamat sa party Ly. I’ve never had anyone throw me a surprise party before.

Alyssa: You’re welcome. Pero parang ang hirap maniwala na in spite of your popularity ngayon ka lang nagka-surprise party.

Kiefer: Lagi ko kasing nabubuko ‘yong surprise party, kaya ang ending, party na lang siya. Ngayon lang talaga ako naging clueless. (after a few seconds) Bakit ka ba ganyan?

Alyssa: What do you mean ganyan?

Kiefer: Magaling. ‘Yong kahit ano na lang gawin mo, maganda ang kinakalabasan. May nagagawa ka pa bang mali?

Alyssa: Since birthday mo ngayon, kunwari naniniwala ako sa pambobola mo.

Kiefer: Hindi bola ‘yon noh. Magaling ka talaga.

Alyssa: Sige, sabi mo eh. (after a few seconds) So, anong winish mo kanina?

Kiefer: Secret!

Alyssa: Ah ganun, lihiman na tayo ngayon? Hmph! Diyan ka na nga, babalik na ko sa dorm.

Alyssa stood up, at nung hinila siya ni Kiefer pabalik, hindi niya sinasadyang mapakandong dito. Uurong sana siya pero bigla naman siyang niyakap ni Kiefer, keeping her where she is.

Kiefer: Wag ka na magtampo sa ‘kin. Sasabihin ko rin naman sa ‘yo ‘yong wish ko, kaya lang wag muna ngayon. Baka kasi hindi magkatotoo eh.

Alyssa: Oo na, sige na. Hindi na ko nagtatampo sa ‘yo, basta bitawan mo na ko ng makaupo ako ng maayos.

Binitawan ni Kiefer si Alyssa at umupo ‘to ng maayos sa tabi niya. They spent the next few minutes quietly watching the football players do their drills bago nagsalita ulit si Alyssa.

Alyssa: Sana Kief, kahit papaano nakabawi ako sa ‘yo.

Kiefer: Nakabawi saan?

Alyssa: Sa mga nagawa mo para sa ‘kin, sa pag-aalaga mo. Kahit naman hindi ako masyadong nagsasalita, naa-appreciate ko lahat ‘yon.

Kiefer: Ly, you don’t have to do anything special para makabawi sa ‘kin. ‘Yon lang alam kong nandiyan ka para sa ‘kin, okay na ‘yon. Masaya na ‘ko dun.


******


*bell ringing*

Paglabas ni Alyssa ng classroom, nandun si Kiefer. Kiefer greeted her with a smile and then kinuha ni Kiefer yong gym bag niya tsaka yong mga librong dala niya.

Alyssa: Anong ginagawa mo dito? May usapan ba tayo?

Kiefer: Wala, pero aayain sana kita mag-lunch kung wala kang gagawin.

Alyssa: Sure. Pero diyan na lang tayo sa may Gonzaga Caf kumain kasi may class ako in an hour.

Kiefer: No problem. Let’s go?

Nag-umpisa ng maglakad si Kiefer at si Alyssa papuntang Gonzaga Caf. Sandaling lakad lang sana yong Caf mula sa classroom na pinanggalingan nila pero dahil ang daming nagha-hi at nakikipag-usap kay Kiefer, the less than five minute walk turned into more than 15 minutes.

Pagdating nila sa Gonzaga Caf, Alyssa grabbed a table while Kiefer was buying food for the two of them. Masaya silang nagke-kwentuhan habang kumakain, pero laging may tumitigil sa mesa nila para kausapin si Kiefer o kaya may nagte-text sa kanya na kelangan sagutin agad.

Kiefer: So ayun nga, pasimple ko siyang tinulak sa swimming pool.

Alyssa: Loko-loko talaga kayo ni Thirdy. Lagi niyo na lang pinagti-tripan si Dani.

Kiefer: Ang cute kasi niya pag napipikon eh. Parang ika –

*phone ringing*

Kiefer: Aly wait lang, I have to answer this.

Alyssa: Go ahead!

Tumayo si Kiefer para sagutin ‘yong tawag. After a few mintes, bumalik din siya sa table nila ni Alyssa.

Kiefer: Ly, sorry. Daming nang-iistorbo.

Alyssa: Ayos lang, sanay na ko. Daig ko pa kaya ang nakikipag-lunch sa artista. (after a few seconds) Tapos ka na ba kumain? I need to go, sa Bellarmine pa ‘yong next class ko.

Kiefer: Yup, I’m done. Tara, hatid na kita.

Alyssa: Kief, wag na. Masyado ng malayo ‘yon para sa ‘yo. Diba sa SEC pa ‘yong class mo?

Kiefer: Okay lang, may time pa naman. Tsaka mabilis ako tumakbo. I’m sure aabot pa rin ako sa class ko pagkahatid ko sa ‘yo.

Alyssa: Bahala ka nga. Ayaw mong magpapigil.

Naglakad na sina Kiefer at Alyssa papuntang Bellarmine. Habang hinihintay nila matapos yong previous class, umupo muna sila sa hallway.

Kiefer: Uhmmm...Aly, may gagawin ka ba tonight?

Alyssa: Training lang pero after nun wala naman. Bakit?

Kiefer: Dinner tayo. Sunduin kita sa Blue Eagle Gym after ng training niyo.

Alyssa: Dinner? Okay lang. Pero baka mga 8pm pa kami matapos.

Kiefer: Okay lang sa kin ‘yong 8pm. So ano, game tayo later?

Alyssa: Sige, game.

Nung na-dismiss na yong previous class, iniwan na ni Kiefer si Alyssa para tumakbo papunta sa class niya sa SEC. Hindi na nagkita si Alyssa at si Kiefer the rest of the day kasi parehas silang dire-diretso na ‘yong classes.

Pagdating ni Alyssa sa Blue Eagle Gym nakita niya si Kiefer na nakaupo sa may bleachers. Pagkatapos kumaway kay Kiefer, tumuloy si Alyssa sa Locker room para magpalit ng damit. Afterwards, tumambay muna siya kasama ni Kiefer habang hindi pa nagsa-start yong training nila.

Alyssa: Akala ko ba susunduin mo ‘ko after ng training namin? Parang ang aga mo naman ata.

Kiefer: Naisip ko na rin kasing panoorin yong training niyo since wala naman akong gagawin.

Alyssa: Hindi ka ba mabo-bore? Tatlong oras ‘tong training namin.

Kiefer: Paano ako mabo-bore eh ikaw naman yong papanoorin ko?

Alyssa: Ayan. Diyan tayo nagkakaproblema, pag nambobola ka.

Kiefer: Bakit ba pag may sinasabi ako, feeling mo lagi kitang binobola?

Alyssa: Ganyan ka naman kasi sa lahat ng babae. Masyadong charming tsaka cute.

Kiefer: So...you think I’m charming and cute?

Namula si Alyssa nung ma-realize niya kung ano ‘yong sinabi niya.

Alyssa: H-hindi noh. Ang sabi ko pa-charming and pa-cute, hindi naman nagwo-work.

Kiefer: Sabi mo eh. Basta I know what I heard.

Tinignan ni Alyssa si Kiefer ng masama pero natawa lang si Kiefer.

Kiefer: Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Wag na masyadong nakasimangot, papangit ka niyan. Ang ganda-ganda mo pa naman.

Ella: Oy Baldo! Tara, stretching na tayo! Malapit na daw si Coach Roger.

Tumayo si Alyssa at lumapit sa iba niyang teammates para mag-stretching. After three hours, natapos na din sila ng training. Naligo si Alyssa, nagbihis tapos umalis na sila ni Kiefer para magdinner.

Kiefer surprised Alyssa with a picnic dinner at the Bellarmine Field. Pinagluto ni Kiefer si Alyssa nung favorite niyang adobo tsaka binilhan niya ng Mango Bravo sa Conti’s.

Alyssa: Ang sarap nitong luto mo. Kalasa niya ‘yong adobo ni Mama.

Kiefer: Uhmmm...recipe nga ‘yan ni Tita Lita. Pinuntahan ko siya sa inyo last weekend para magpaturo.

Alyssa: Talaga? Bakit mo naman kelangan magpaturo pa kay Mama? Wala ba kayong sariling family recipe?

Kiefer: Nagpaturo ako sa Mama mo para maluto ko ‘yong timpla na gusto mo. Successful naman diba?

Alyssa: In fairness sa adobo mo, kalasa nga nung kay Mama. Kaya lang...

Kiefer: Kaya lang?

Alyssa: Kaya lang lalo ko tuloy nami-miss ‘yong luto ni Mama. Hindi pa naman ako makakauwi sa ‘min kasi volleyball season na.

Kiefer: Hindi naman problema ‘yon. Di lagi kitang ipagluluto ng adobo ng Mama mo, tapos pag nagka-time ako ulit, magpapaturo pa ko kay Tita Lita nung iba pa niyang recipe.

Alyssa: You’re spoiling me too much.

Kiefer: And what’s wrong with that?

Alyssa: Hindi ako pwedeng masanay sa mga ginagawa mo kasi mahihirapan ako mag-adjust pag nagka-girlfriend ka.

Nung hindi kumibo si Kiefer, napatingin si Alyssa sa kanya. Napansin ni Alyssa na namumula si Kiefer tapos parang may gusto siyang sabihin na hindi niya malaman kung paano niya uumpisahan. Alyssa placed a hand on Kiefer’s arm.

Alyssa: Kief, are you okay? May gusto ka bang pag-usapan? Nandito lang ako.

Kiefer took a deep breath, hinawakan niya yong kamay ni Alyssa tapos tinignan niya ‘to sa mata.

Kiefer: Aly, okay lang ba kung ligawan kita?

Alyssa: Ha? Ah...eh...

Kiefer: Please?

Binawi ni Alyssa ‘yong kamay niya kay Kiefer tapos kinuha niya ‘yong tumbler niya para uminom ng tubig. She spaced out for a minute or so, pinag-iisipan niyang mabuti ‘yong isasagot niya kay Kiefer.

Kiefer: Aly?

Alyssa: Kief, wag na lang.

Kiefer: Ayaw mong ligawan kita? Bakit? Hindi naman ako masamang tao ah.

Alyssa: Alam kong hindi ka masamang tao at masaya ako pag kasama kita. Pero basta, wag na lang. Let’s just stay friends. (after a few seconds) Okay lang ba?

Kiefer: Okay lang. Wala naman akong magagawa kung ayaw mong magpaligaw sa kin.

Alyssa: Kief, sorry.

Kiefer: Wala kang kasalanan. Akala ko lang kasi...sorry. I shouldn’t have assumed anything. My fault.

They spent the next few minutes in deafening silence. Tingin ng tingin si Alyssa kay Kiefer. Nag-aalala siya kasi hindi naman normal kay Kiefer ang maging tahimik.

Maya-maya, tumingin si Kiefer sa relos niya.

Kiefer: Ly, it’s getting late. Hatid na kita sa Eliazo para makapag pahinga ka na.

Alyssa: Sige. Tulungan na kita magligpit?

Kiefer: Okay.

Tahimik na nagligpit si Kiefer at si Alyssa. Afterwards, Kiefer walked Alyssa to her dorm. Pagdating nila sa lobby ng Eliazo, humakbang na si Kiefer palayo pero pinigilan siya ni Alyssa.

Alyssa: We’re okay, right?

Kiefer: Yes. We’re friends. Just friends.

Second Time Around (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon