Chapter 7

7.3K 145 12
                                    

Alyssa: Hi Den! Kanina ka pa? Sorry ngayon lang kami.

Magkasunod na umupo si Alyssa at si Ella sa table na sinave ni Denden. Denden’s been in Cebu for the past three days pero ngayon lang siya naging free to meet up for dinner.

Denden: Ano bang nangyari sa inyo?

Ella: Yong isa kasi diyan may tumawag lang nakalimutan ng may lakad.

Alyssa: Hindi ko nakalimutan na may lakad tayo. Hinihintay lang kita matapos dun sa ginagawa mo bago ako magba-bye kay Kiefer.

Ella: Defensive?! Wala naman akong sinabing pangalan ah.

Alyssa: Tatlo lang tayo dito. Alangan namang si Denden yong tinutukoy mo?

Denden: Hindi ko talaga ma-imagine kung paano kayo nakakatrabaho ng magkasama. Hanggang opisina ba aso’t pusa kayo?

Alyssa: Medyo, pero after two years sanay na rin sila sa min ni ella. Alam naman nilang lambingan lang yong bangayan namin.

Ella: Pwede bang mag-order muna tayo bago magchickahan?

Alyssa and Denden: PG!!! Hahaha...

Nag-order sila ng food and while waiting, tumayo si Ella para pumunta ng ladies room.

Denden: Besh, is Kiefer courting you?

Alyssa: Hindi. Bakit?

Denden: Kasi bago ako umalis ng Manila, may mga chismis na umiikot sa sports community.

Alyssa: Anong chismis?

Denden: About Kiefer and someone he keeps visiting here in Cebu. Naisip ko lang na baka ikaw yon.

Bumalik si Ella sa table nila and after a few minutes, dumating na rin yong order nila.

Alyssa: Medyo madalas nga si Kiefer nagpupunta dito pero usually dinner lang kami nagkikita. Hindi ko alam kung meron siyang mini-meet during the day.

Denden: May nililigawan ba si Kiefer?

Ella: Oo, si Aly!

Denden: Sabi mo hindi siya nanliligaw?

Alyssa: Hindi nga. Wag kang maniwala diyan kay Ella, imbento lang yan.

Ella: Kay Aly ka wag maniwala, in denial yan.

Alyssa: For the nth time Ella, hindi nanliligaw si Kiefer sa kin.

Ella: For the nth time Aly, ikaw lang ang naniniwala sa sinasabi mo.

Denden: Ano ba talaga?! Yes or no?

Ella: Yes!

Alyssa: No!

Denden: Hep! Ceasefire nga muna, pag-usapan natin to ng maayos. Aly, paano mo nasabi na hindi ka nililigawan ni Kiefer?

Alyssa: Kasi hindi. Wala siyang sinasabi sa kin na manliligaw siya so therefore, walang ligawang nangyayari. I don’t know kung may nililigawan si Kiefer pero kung meron man, sure ako na hindi ako yon.

Denden: Pero kahit na hindi ka nililigawan ni Kiefer, pwede pa ring ikaw yong nachi-chismis sa kanya.

Alyssa: I guess.

Denden: O, ikaw naman Ella. What makes you think Kiefer is courting Aly?

Ella: Ide-describe ko yong mga na-witness ko sa relationship ni Kiefer and ni Aly ha?

Natawa si Denden nung nakita niyang tinignan ni Alyssa ng masama si Ella.

Denden: Sige lang, go! Wag mong pansinin si Aly.

Ella: Hindi talaga!

Denden: Baliw!

Alyssa: Hoy Ella! Wag kang mag-iimbento.

Ella: Don’t worry. Verifiable information lang ang sasabihin ko kay Denden.

Denden: Quiet ka nga lang diyan Aly. Hindi naman nag-interrupt si Ella sa yo kanina.

Alyssa signaled that she’s zipping her mouth tapos nag-cross siya ng arms niya at tumingin kay Ella.

Ella: Well, lagi silang magka-usap. During the day, either on the phone or magkatext. Tapos after work or before matulog magka-Skype naman sila. Hindi lang sila nagsa-Skype when they’re both in Cebu or both in Manila.

Alyssa: Pag madalas ba mag-usap nagliligawan na agad?! Matagal kaming walang communication ni Kiefer so we had a lot of catching up to do.

Denden: Besh, hasn’t it been three years since nag-umpisa ulit kayo mag-usap ni Kiefer? Don’t tell me hindi pa rin kayo caught up hanggang ngayon?

Alyssa: Bakit ba big issue sa inyo? Kayo ba hindi kayo nakikipag-usap sa mga kaibigan niyo?

Ella: Den, how often do we talk?

Denden: Once a month? Minsan nga parang hindi pa.

Ella: Kayo ni Aly?

Denden: Mas madalang pa sa ting dalawa.

Tumingin si Ella kay Alyssa.

Ella: Nasagot na ba yong tanong mo?

Alyssa: Ay naku Ella. You always keep reading too much into things.

Ella: Besh, if I’m reading too much into things, ikaw naman laging walang nakikita where Kiefer is concerned. I doubt he’s seeing anyone here but you. At hindi naman siguro siya pupunta dito ng ganun kadalas kung kaibigan lang ang tingin niya sa yo.

Denden: Gaano ba kadalas pumunta si Kiefer dito?

Ella: Mga twice or thrice a month. And obviously he’s not here for vacation because most of the time he’d only stay overnight. Halos hindi pa nga overnight kasi dadating siya ng mid-afternoon tapos babalik na siya ng Manila on the first flight the next day.

Denden: Ano pang nagagawa niya kung ganun lang katagal yong stay niya dito? Parang nagpagod lang siya tsaka nagsayang ng pera.

Ella: Hindi naman ata nakikita ni Kiefer yon as nagsasayang ng pera. I think for him, it’s money well-spent kasi nakakasama niya si Aly ng kahit ilang oras.

Alyssa: Bahala na nga kayong dalawa kung anong gusto niyong isipin. Basta ako, I know what’s really going on.


******


Umuwi ng Manila sina Alyssa at Ella para manood ng Championship game nina Kiefer. Game day ngayon and there’s just a short awarding ceremony for Conference and Season awards bago mag-umpisa yong mismong game. Ginebra won the first three games in this series against Purefoods at kung maipanalo pa nila to, Grand Slam champion na sila.

Hindi mapakali si Alyssa habang nakaupo siya sa may bandang likod ng Ginebra bench kasama nina Ella at Denden. Palapit na yong announcement ng Season MVP at kinakabahan na siya, alam kasi niyang gustong-gusto ni Kiefer na makuha tong MVP award na to.

Mico Halili: Mapunta naman tayo ngayon sa pinakahihintay natin, yong Season MVP. Our new MVP has had a stellar seven-year career, with multiple championships and awards under his belt. Personally, akala ko wala na siyang igagaling pa, but he proved me wrong. I think he just had his best season so far.

Nag-umpisa ng maghiyawan yong mga fans sa loob ng Coliseum. They were already chanting Kiefer’s name at si Alyssa naman nakayuko, nagdadasal na sana nga makuha ni Kiefer.

Mico Halili: With this MVP award, he will be tying the PBA record for most MVP awards won. Without further ado, let me present this Season’s MVP award to the Phenom, Kiefer Isaac Ravena!

Nakaupo si Kiefer sa bench nila at saktong lumingon siya when Alyssa looked up. Nagkatinginan silang dalawa, Alyssa smiled at Kiefer and mouthed “Congrats” to him. Kiefer mouthed back “Thank you” before he stood up to walk to center court to accept his fourth MVP award.

Mico Halili: So Kiefer, how do you feel after getting your fourth MVP award? Is it sinking in?

Kiefer: Hindi pa masyado, pero sa ngayon it feels really good. Pinagdasal ko to, pero mababalewala tong MVP award kung hindi namin makukuha yong championship. So sana maipanalo na namin yong game mamaya para at the end of the night, masaya yong buong team tsaka masaya yong buong Barangay.

Mico Halili: Are you dedicating this MVP award to anyone in particular?

Kiefer: As always, para to sa pamilya ko, sa magulang ko tsaka sa mga kapatid ko. But I’d also like to dedicate this to the person who never lost confidence in me and in what I can do. Kahit hindi kami laging magkasama, she’s always there for me.

Tumingin si Kiefer sa likod ng Ginebra bench kung saan nakaupo sina Alyssa.

Kiefer: You know who you are, this is for you.

Mico Halili: Baka naman pwede mong i-share sa min yong pangalan niya? She’s obviously very special to you.

Kiefer: She is. Pero wag na, baka magalit yon. She’s always been a reluctant celebrity.

Nagkatinginan si Ella at si Denden sa sinabi na yon ni Kiefer. They vaguely remember Kiefer calling Alyssa a reluctant celebrity when they were in college.

Denden: Did Kiefer just dedicate his MVP award to you?

Alyssa: Hindi ko alam...

Ella: Reluctant celebrity ang tawag niya sa yo nung college diba?

Alyssa: Oo, pero...

Ella: At sinabi niya sa harap ng buong Coliseum na special ka sa kanya. Sabi sa yo eh…

Hindi masyadong pinansin ni Alyssa sina Ella at Denden. Pinapanood lang niya si Kiefer na hanggang ngayon kinakausap pa rin ni Mico Halili sa gitna ng court.

Mico Halili: One last question Kiefer bago kita pakawalan. Marami lang nagpapatanong nito sa yo. Kelan mo ba talaga balak mag-settle down? Kelan ba kami makakakita ng mga little Kiefer Ravenas?

Kiefer: Yong little Kiefer Ravenas matatagalan pa siguro. Pero yong settling down, tignan natin, baka malapit na.

Ella and Denden: Oh my God!!!

Ella: May balak na si Kiefer magpakasal?!

Denden: Kanino?!

Habang nagfi-freak out yong dalawa niyang katabi, si Alyssa tahimik lang, nagtataka siya sa mga sinabi ni Kiefer. Wala naman kasing nababanggit si Kiefer sa kanya na girlfriend o nililigawan.

Kiefer said his last Thank Yous tapos naglakad na siya pabalik sa bench nila. Natawa lang siya nung nakita niyang nakatingin si Alyssa sa kanya. He can practically see the questions coming and he’s sure that he’s going to hear it from her when they get to talk.

Unti-unti ng naubos yong tao sa gitna ng court at nag-umpisa na rin yong pre-game analysis para sa Game 4. Nag-jumpball ang Ginebra at Purefoods and the first possession went to Ginebra. After scoring the first two points of the game, Kiefer never looked back. He was playing like a man on a mission.

After 24 minutes of play, with Ginebra up by 10 points, both teams went to their respective dugouts for the half-time break. Nagkaayaan naman si Ella at si Alyssa na bumili ng popcorn at softdrinks sa snackbar. Habang nakapila, may narinig silang dalawang lalaking pinag-uusapan si Kiefer.

Guy 1: Grabe is Ravena. Parang walang bukas kung maglaro.

Guy 2: Okay nga eh, para matapos na tong series. Delikado pa sila kung makabawi ang Purefoods.

Guy 1: Pre, narinig mo na ba yong usap-usapan sa mga forums?

Guy 2: Anong usap-usapan?

Guy 1: Na baka daw ito na yong huling season ni Ravena sa Ginebra.

Tumingin si Ella kay Alyssa na nakataas yong isang kilay pero bahagyang umiling si Alyssa sa kanya. Tahimik nilang pinakinggan yong usapan nung dalawa.

Guy 2: Ah oo, narinig ko na yan. Kaya lang parang ang hirap maniwala na papakawalan ng Ginebra si Ravena. Sino naman ang pwede nilang gustuhin na makuha kapalit niya?

Guy 1: Siguro nga skill-wise wala siyang katapat. Pero ang theory ng mga fans, baka daw yong edad. 30 na si Ravena diba?

Guy 2: Hindi naman sobrang tanda ng 30. At kung totoo man na pinag-iisipan siyang i-let go ng Ginebra, palagay ko mag-iisip-isip sila pagkatapos ng nilalaro ni Ravena sa series na to.

Guy 1: Sana nga hindi siya i-trade ng Ginebra. Bagay pa naman si Ravena sa system nila.

Guy 2: Tara, balik na tayo sa loob. Baka mag-umpisa na yong second half.

Pagkakuha nina Alyssa nung popcorn at drinks nila bumalik na rin sila sa loob. Agad namang kinwento ni Ella kay Denden yong narinig nilang chismis sa labas.

Denden: Ly, may nasabi ba sa yo si Kiefer na ite-trade siya ng Ginebra?

Alyssa: Wala. Ang alam ko, mage-expire yong contract niya with Ginebra at the end of this season.

Ella: Baka hindi niya alam.

Alyssa: Or hindi lang talaga niya sinasabi sa kin.

Denden: Ano namang magiging dahilan niya para hindi sabihin sa yo?

Alyssa: Ewan. Pangalawa na yan na nalaman ko tonight na hindi niya nabanggit sa kin before.

Ella: Naku. Patay kang Ravena ka, nagtatampo si Baldo!

Alyssa: Hindi ako nagtatampo noh.

Ella: Oookay...sabi mo eh.

Tumigil na rin sa pag-uusap yong tatlo nung bumalik yong mga teams sa bench nila. Maya-maya nag-start na yong third quarter and Kiefer just picked up from where he left off before the break.

Denden: Alam mo, kanina pa tingin ng tingin si Kiefer dito sa direction natin pag nakaka-shoot siya. May usapan ba kayo or something?

Alyssa: Ano, parang pustahan?

Denden: Oo.

Alyssa: Wala. Nahawa ka na sa pagi-imagine nitong si Ella.

Ella and Denden: Di rin!

Beshies: Hahaha...

Nung nag-umpisa yong last two minutes, 15 points na ang lamang ng Ginebra sa Purefoods and Kiefer has already tallied 25 points, 12 rebounds, and 9 assists. Sa nilalaro ng Ginebra mukhang final score na lang ang hinihintay para ma-declare silang champions for this conference.

When the final buzzer sounded, Kiefer got his triple double and Ginebra got their third straight championship, making them only the sixth team in PBA history to achieve a Grand Slam.

Sa gitna ng on court celebration, nagulat yong buong Coliseum when Kiefer went to courtside. Pinuntahan niya si Alyssa, he hugged her and gave her a kiss on the forehead. After Kiefer was announced as the Finals MVP, finocus ng camera si Alyssa. At nung ngumiti si Kiefer habang tinitignan si Alyssa sa big screen, para na rin niyang sinagot yong tanong ng lahat kung sino yong babaeng espesyal sa kanya.

Second Time Around (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon