Chapter 8

7K 131 22
                                    

Kagagaling lang nina Alyssa at Ella from lunch. Nasa pinto palang sila ng opisina naririnig na nila yong mga teammates nila na maingay na nag-uusap sa loob.

Ella: Grabe. Alam niyo bang rinig na rinig kayo mula sa labas?

Betsy: O, eto na pala sila eh. Kesa nagtatalo kayong dalawa diyan, tanungin niyo na lang si Aly.

Alyssa: Anong meron?

Kiko: Aly, bakit nag-quit si Kiefer sa PBA?

Nakaupo na si Alyssa sa table niya at nag-uumpisang magtrabaho pero natigilan siya sa tanong ni Kiko.

Alyssa: Nag-quit si Kiefer? Kelan pa? Saan mo narinig?

Kiko: It’s all over the Internet.

Betsy: You look surprised. Hindi mo ba alam?

Alyssa: Hindi. Ngayon ko lang narinig yan. Bakit daw?

Rommel: Walang sinabi kung bakit. Basta in-announce lang ng Ginebra na hindi na magiging part si Kiefer ng team sa susunod na season.

Ella: Ly, hindi kaya totoo yong narinig nating chismis last month?

Rommel: Anong chismis?

Alyssa: Nung Game 4 kasi narinig namin na baka daw eto na yong last season ni Kiefer with Ginebra. Naisip namin na baka ite-trade siya.

Kiko: Bakit naman siya ite-trade ng Ginebra? Ang tanga naman nila kung papakawalan nila si Kiefer after nitong MVP season niya.

Rommel: Hindi mo ba tinanong si Kiefer tungkol dun sa narinig niyo?

Alyssa: I was going to ask. Pero nawala na sa isip ko after all the celebrations. Tapos we haven’t seen each other since.

Ella: Oo nga noh. Kiefer hasn’t been to Cebu since the season ended. Bakit kaya...

Alyssa: Baka maraming inaasikaso sa Manila.

Betsy: Ly, are you getting married anytime soon?

Alyssa: No. Not in the forseeable future. Bakit?

Betsy: May nabasa kasi ako na kaya daw nag-quit si Kiefer sa PBA kasi magpapakasal na siya at sa ibang bansa magse-settle down.

Alyssa: Hmmm...pwede naman. But what does that have to do with my getting married?

Betsy: Hindi ba if Kiefer’s getting married, sa yo siya magpapakasal?

Alyssa: Kung magpapakasal man si Kiefer, hindi ako ang blushing bride.

Rommel: Sino?

Alyssa: Ewan ko. Wala naman akong alam na girlfriend o nililigawan ni Kiefer eh.

Kiko: Are you sure hindi talaga kayo? I know you’ve always denied being romantically involved with him pero baka hindi lang kayo nagkaintindihan, baka ang alam niya, kayo na.

Alyssa: Kilala ako ni Kiefer. Alam niyang hindi ako maga-assume ng kahit ano. And he knows better than to do the same.

Ella: Going back...hindi rin naman logical na mag-quit si Kiefer sa PBA kung magpapakasal siya. Source of income niya yong basketball and if he’s getting married or starting a family, all the more that he needs to earn.

Kiko: Hindi rin naman logical na mag-quit siya sa PBA when his career is going so well. Getting his fourth MVP award, a Grand Slam, a Finals MVP award for two of the three championships? Why quit?!

Biglang tumayo si Alyssa at humakbang palabas ng opisina.

Betsy: Saan ka pupunta?

Alyssa: Tatawagan ko lang si Kiefer. Walang mararating tong diskusyon natin kasi pare-parehas nating hindi alam kung ano ang totoo.

Rommel: Bakit lalabas ka pa? Dito mo na tawagan.

Alyssa: Wala akong signal dito sa loob.

Lumabas si Alyssa para tawagan si Kiefer. Natahimik naman yong opisina kasi bumalik na silang lahat sa pagta-trabaho. After a few minutes pumasok na ulit si Alyssa.

Ella: Ang bilis niyo naman mag-usap ni Kiefer.

Alyssa: Hindi ko siya na-contact.

Ella: Wala ka pa ring signal kahit sa labas?

Alyssa: Cannot be reached yong number niya.

Umupo na si Alyssa sa table niya para magtrabaho, pero halatang hindi siya mapakali. Maya-maya kinalabit niya si Ella.

Ella: O, bakit?

Alyssa: Besh, bakit nga kaya nag-quit si Kiefer sa PBA?

Ella: Ewan ko. Agree naman ako kay Kiko eh. Hindi talaga logical na mag-quit siya when everything’s going so well.

Alyssa: Sobrang big deal siguro nung reason niya para magawa niyang iwan yong PBA dream niya.

Ella: Hindi ka ba naba-bother na hindi niya sinabi sa yo yong plano niya? Kasi mas dun ako nagtataka kesa dun sa pag-quit niya.

Alyssa: Oo naba-bother ako. Pero ayoko ng mag-dwell dun kasi maba-bad trip lang ako. Honestly, I don’t understand why he’s suddenly keeping so many things from me. Hindi naman siya ganyan dati.


******


Binuksan ni Ella yong pinto ng apartment nila ni Alyssa at dumiretso sila sa kusina to prepare dinner.

Ella: Nagkausap na ba kayo ni Kiefer?

Alyssa: Hindi pa. I’ve been trying to contact him for the past three days pero laging cannot be reached yong number niya. Nagwo-worry na nga ako eh.

Ella: Baka naman nagpapa-miss lang yon sa yo.

Alyssa: Sa kin?! Bakit?

Ella: Alam mo, hindi rin maganda yong masyadong unassuming. Try mo mag-assume minsan, baka mag-enjoy ka.

*knock knock*

Ella: May tao ba?

Alyssa: Parang. Ako na titingin, tuloy mo na lang yang niluluto mo.

Pagbukas ni Alyssa ng pinto, nagulat siya nung nakita niya si Kiefer, smiling at her and holding a bouquet of her favorite roses.

Alyssa: Anong ginagawa mo dito?

Kiefer: Hanggang ngayon ba nabibigla ka pa rin sa mga surprise visits ko?

Bumeso si Kiefer tapos binigay niya kay Alyssa yong flowers na dala niya.

Alyssa: Salamat.

Tinignan ni Alyssa si Kiefer ng masama.

Kiefer: Bakit ganyan ka makatingin?

Alyssa: Nakakainis ka. Ang tagal mong hindi nagparamdam sa kin.

Kiefer: Na-miss mo ko?

Alyssa: Oo.

Lumaki yong ngiti ni Kiefer lalo na nung napansin niyang namula si Alyssa.

Kiefer: Busy ka ba?

Alyssa: Hindi naman. Bakit?

Kiefer: Let’s go for a walk.

Alyssa: Sige, lagay ko lang to sa loob tapos sasabihin ko kay Ella na lalabas tayo sandali.

Kiefer: Okay. Hintayin kita rito.

Pagkatapos magpaalam kay Ella, binalikan ni Alyssa si Kiefer. They spent their first few minutes together walking in silence. Medyo malayo na sila sa apartment when Alyssa decided to say something.

Alyssa: Totoo bang nag-quit ka ng PBA?

Kiefer: Hindi ako nag-quit. Technically nag-expire lang yong contract ko with Ginebra.

Alyssa: I find it hard to believe na hindi ka ni-renew ng Ginebra.

Kiefer: To be honest, in-offer-an nila ako ng bagong contract pero hindi ako pumirma.

Alyssa: Bakit hindi mo tinanggap? Is another ballclub getting you?

Kiefer: May mga ibang offers but I also turned them down.

Sa paglalakad, dumating sina Alyssa at Kiefer sa isang playground. Dahil kalagitnaan ng linggo, solo nilang dalawa yong buong lugar. Umupo sila sa magkatabing swing.

Alyssa: Hindi ko maintindihan. You’re at the top of your game. Kakakuha mo lang nung fourth MVP award mo and you just led Ginebra to a Grand Slam. Baka naman nabibigla ka lang sa desisyon mo?

Kiefer: This wasn’t a decision I made overnight. Two years ago ko pa alam na ito na yong huling contract ko with Ginebra. In fact kaya sobrang ganda ng nilaro ko nitong season na to kasi gusto ko pag-alis ko, maganda yong iiwan ko sa team.

Alyssa: So bakit ka nga umalis ng PBA? Anong meron?

Hindi sinagot ni Kiefer yong tanong ni Alyssa. Tahimik lang siyang nakatingin dito, as if thinking of a way to tell her something. After awhile, he took a deep breath and reached for her right hand. Kita sa mukha ni Alyssa yong pagkagulat sa ginawa ni Kiefer pero hindi siya kumibo.

Kiefer: I asked you something over 10 years ago, sana iba na yong makuha kong sagot ngayon. Ly, this time ba papayag ka ng ligawan kita?

Binawi ni Alyssa yong kamay niya kay Kiefer. Tumingin siya sa malayo and forced a laugh.

Alyssa: Haha...nice one Kief. Loko-loko ka talaga kahit kelan. Lagi mo na lang ako pinagpa-practice-san.

Kiefer: Hindi ko alam kung bakit lagi mong iniisip na binobola kita, pero sana kahit ngayon lang seryosin mo yong sinasabi ko. Aly, wala na ko sa PBA. I’m out of the limelight now. Maging tayo man, kaya na kita bigyan ng tahimik na personal life.

Tumingin si Alyssa kay Kiefer.

Alyssa: Teka, umalis ka ng PBA dahil sa kin? You didn’t have to do that.

Kiefer: Kelangan ko gawin yon if just to prove to you that you’re more important to me than anything else in my life. Mahal kita Aly and I can give up everything for you.

Alyssa: Kief, can you do me a favor?

Kiefer: Anything.

Alyssa: Tawagan mo yong Team Manager niyo at i-renew mo yong kontrata mo sa Ginebra.

Kiefer: Bakit? That’s just going to keep me in the limelight.

Alyssa: I don’t want you to give up your dream for me.

Kiefer: Wala akong gini-give up. I’ve already lived my PBA dream for the past seven years, okay na sa kin yon. I’ve won championships and individual awards, nakapag-ipon ako, nakapag-invest. Masaya na ko dun.

Alyssa: But Kie –

Kiefer: It’s now time for me to run after another dream.

Alyssa: What dream?

Kiefer: Ikaw. I want a future with you Aly, a family. Gusto ko tumanda kasama ka. And sana bigyan mo ko ng chance na makuha yong dream ko na yon.

Alyssa stared at Kiefer for a few seconds. Nakita niya sa mga mata ni Kiefer yong sincerity, yong love. She took a deep breath.

Alyssa: Okay lang naman na manligaw ka. Kaya lang...

Kiefer: Kaya lang?

Hindi napigilan ni Alyssa na mapangiti sa nakita niyang expression sa mukha ni Kiefer.

Alyssa: Kaya lang parang mas gusto ata kita maging boyfriend kesa manliligaw.

Second Time Around (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon