Chapter 9

7.7K 127 16
                                    

Kiefer: Ang bango naman ng niluluto ng Baby ko.

Lumapit si Kiefer kay Alyssa na nagluluto ng tanghalian nila sa kusina. He hugged her from behind tapos hinalikan ‘yong likod ng ulo ni Alyssa. Ngumiti si Alyssa na parang kinikilig tapos binaba niya ‘yong sandok na hawak niya at umikot paharap kay Kiefer.

Alyssa: Gutom ka na ba? Malapit na maluto ‘tong sinigang.

Kiefer: Okay pa ‘ko. Dami kaya nating nakain kaninang breakfast.

Alyssa: Excuse me, ikaw lang ang madaming nakain.

Kiefer: Paano binigay mo sa ‘kin ‘yong kalahati ng order mo. Eh mahal kita, kaya inubos ko.

Alyssa: Ang alam ko sa in love, walang gana. Bakit ikaw matakaw pa rin?

Kiefer: Ewan ko sa ibang in love. Basta ‘ko, magana ako kumain pag kasabay ko ‘yong  mahal ko.

Kinurot ni Alyssa ‘yong ilong ni Kiefer.

Alyssa: Pwede ba, girlfriend mo na ‘ko kaya awat na sa pambobola.

Kiefer: Ayaw mo lang marinig ‘yong sinasabi ko kasi kinikilig ka.

Alyssa: Hmph! Bumalik ka na nga sa sala. Istorbo ka sa pagluluto ko eh.

Kiefer: Ayoko nga, dito lang ako. Makakapagluto ka naman kahit nandito 'ko ah.

Alyssa: Mainit dito sa kusina. Pagpapawisan ka lang.

Kiefer: Ano ngayon? Mabango pa rin kaya ‘ko kahit pawisan.

Alyssa: Ay naku, tigas ng ulo mo. Bahala ka na nga.

Tinapos ni Alyssa ‘yong pagluluto niya na nakatayo si Kiefer sa tabi niya. Medyo magulo pero hindi na niya sinaway si Kiefer, alam naman kasi niyang hindi ‘to magpapapigil sa kanya. Pagkaluto, kumain silang dalawa at magkatulong nilang niligpit ‘yong pinagkainan nila. Nung malinis na ‘yong kusina, nagtimpla sila ng kape tapos lumipat sila sa sala.

Umupo sina Kiefer at Alyssa na magkatabi sa sofa. Nakaakbay si Kiefer kay Alyssa while her head was leaning on his shoulder.

Kiefer: ‘By, masaya ka ba sa ‘kin?

Nakakunot ‘yong noo ni Alyssa nung tumingin siya kay Kiefer.

Alyssa: Ha? Bakit mo naman natanong ‘yan?

Kiefer: Naisip ko lang na baka pinagsisisihan mong sinagot mo ‘ko kasi nawala ‘yong anonymity na nakuha mo pagka-graduate natin.

Sumandal ulit si Alyssa kay Kiefer at niyakap ‘to ng mahigpit na mahigpit.

Alyssa: Masayang-masaya ako ‘By, happier than I ever thought possible. Siguro nga mas naging complicated ‘yong buhay ko since naging tayo, but I’d gladly take the complications basta nandiyan ka sa tabi ko.

Kiefer: Thanks!

Alyssa: Eh ikaw, masaya ka ba na girlfriend mo ‘ko?

Kiefer: Siyempre naman. Dream come true kaya para sa ‘kin nung sinagot mo ‘ko. Akala ko nga hindi na ‘yon mangyayari kahit kelan.

Alyssa: I know it’s only been four months, pero hindi ka pa ba napapagod sa long distance relationship natin?

Kiefer: Ly, ang tagal kong hinintay ‘tong chance na ‘to na maging boyfriend mo. Hindi naman ‘yong 572km lang ang makakapagpasuko sa ‘kin. Ano ba naman ‘yong isang oras na flight para makasama ka?

Bumitaw si Alyssa at tinignan ng masama si Kiefer.

Alyssa: Tagal daw hinintay ‘yong chance. If I know, ang dami mong babae sa Manila. Panood-nood ng game, papa-picture kunwari. Ikaw naman gustong-gusto mo! Ewan!

Second Time Around (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon