Chapter 5

7K 120 5
                                    

*toot toot*

From Kiefer Ravena:
Skype later? :-)

Nagtaka si Alyssa nung mabasa niya yong text ni Kiefer. Monday kasi ngayon and Monday means boys night out with his single teammates.

*calling Kiefer Ravena*

Kiefer: Hi Aly!

Alyssa: Hi! Anong meron?

Kiefer: Anong meron saan?

Alyssa: Sa yo. Bakit ka nag-aayang mag-Skype mamaya? Wala ba kayong boys night out nina Jeron?

Kiefer: Meron, pero hindi ako sasama sa kanila.

Alyssa: Bakit?

Kiefer: Mas gusto kita maka-Skype eh.

Alyssa: Is there anything you want to talk about?

Kiefer: Wala naman. Nami-miss lang kita. Ilang days na din kasi tayong hindi nakakapag-usap.

Alyssa: Bola-bola lang noh?

Kiefer: Grabe ka talaga. Hanggang ngayon feeling mo pa rin lahat ng sinasabi ko bola.

Alyssa: Hahaha...bolero ka naman talaga eh.

Kiefer: Kelan ka kaya maniniwala sa mga sinasabi ko?

Alyssa: Pag hindi na bola yang lumalabas sa bibig mo.

Kiefer: Sa maniwala ka't hindi, kahit kelan hindi kita binola. Pag sinabi kong nami-miss kita, nami-miss talaga kita.

Alyssa: Moving on...Kief, sumama ka na lang kina Jeron mamaya. Late na kasi ako makakauwi. May despedida kami para kay Tess, nagresign na kasi siya.

Kiefer: Natuloy rin siya? Mga three months in the making din yang resignation niya diba?

Alyssa: Oo, nag-file siya Thursday last week. We were hoping nga na mapakiusapan siya, pero hindi na talaga nagpapigil.

Kiefer: Kelan last day ni Tess?

Alyssa: In three weeks. Sana nga makahanap na kami ng replacement bago yong last day niya para makapag-turnover siya ng maayos.

Kiefer: May candidates na ba kayo?

Alyssa: Meron na kaming mga tinawagan pero this week pa nakaschedule yong interviews nila.

Kiefer: Diba uuwi ka ng Batangas at the end of the month? Tutuloy ka pa ba?

Alyssa: Hindi pwedeng hindi ako tumuloy, anniversary nina Mama at Papa. Magtatampo sila sa kin pag hindi ako umuwi.

Kiefer: Feeling ko maiintindihan nila kung hindi ka man makauwi. Wala naman sa control mo yong pagre-resign ni Tess.

Alyssa: I'm still hoping things will fall into place. Uy Kief, siguraduhin mo na maaayos mo yong schedule mo. Inaasahan ka rin nila Mama at Papa sa anniversary nila.

Kiefer: Opo. Na-block off ko na yong buong weekend na yon. Buti na lang talaga natapat sa off season yong anniversary celebration nila Tita.

Alyssa: Kelangan pala kitang warning-an.

Kiefer: Saan?

Alyssa: Ngayon mo lang makikita yong rest ng angkan namin. For sure maha-hot seat ka kaya prepare yourself for "boyfriend ka ba ni Alyssa" questions.

Kiefer: Anong gusto mong isagot ko sa kanila?

Alyssa: Duh. Eh di yong totoo.

Kiefer: Hmmm...manliligaw?

Alyssa: Anong manliligaw?! Niloloko mo ba ko?

Kiefer: Ano ngang sasabihin ko?

Alyssa: Magkaibigan! Naku Kiefer, subukan mo lang talaga mag-umpisa ng intriga sa mga kamag-anak ko. Baka makalimutan kong nag-uusap na ulit tayo.

Second Time Around (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon