Epilogue

8.2K 121 23
                                    

Coach Ronnie: So...matutuwa ba ‘ko sa pag-uusapan natin?

Kiefer: Ah...eh...

Hindi alam ni Kiefer kung anong isasagot niya sa tanong ni Coach Ronnie. He asked for this meeting because he wanted to discuss his spot on the Gilas National team, pero hindi niya alam kung paano uumpisahan.

Coach Ronnie: I’m just kidding. Alam ko na naman kung bakit ka humingi ng meeting sa ‘kin. This is about retiring from Gilas, right?

Kiefer: Yes Coach.

Coach Ronnie: Kief, baka pwedeng mag-request ng isa o dalawa pang tournaments?

Kiefer: Eh Coach, diba po may usa –

Coach Ronnie: Oo usapan natin pag naka-medal na tayo sa World Cup, iiwan mo na kami, pero sana mag-stay ka pa kahit hanggang end of the year.

Kiefer: Coach, hindi na po ako bumabata, I’m already 36. Baka maging mas liability lang ako kesa asset.

Coach Ronnie: Kung palagay ko hindi ka makaka-contribute positively, hindi na kita pipilitin mag-stay. But you’re the captain, and the team needs your leadership.

Kiefer: Hindi na po talaga. I really think my tour of duty with Gilas is over. Tsaka Coach, gusto ko na rin pong makasama ‘yong pamilya ko ng mas madalas. Lumalaki na po ‘yong mga bata eh.

Coach Ronnie: Ano pa bang magagawa ko, nilabas mo na ‘yong family card? Alangan namang pagkaitan ko ng full time Daddy ‘yong mga anak mo diba?

Kiefer: Salamat po Coach.

Coach Ronnie: Salamat din, lalo na kay Alyssa. Ang laki ng sinakripisyo niyo parehas para lang makalaro ka sa Gilas.

Kiefer: Maswerte po talaga ako sa asawa ko, kaya nga ang laki din ng kelangan kong ibawi sa kanya.

Coach Ronnie: Bakit hindi kayo mag-second honeymoon? Para masundan niyo na rin ‘yong kambal.

Kiefer: Malabo pa ‘yong second honeymoon sa ngayon Coach. Nagse-separation anxiety si Aly pag nalalayo ng matagal sa kambal eh.

Coach Ronnie: Hanggang ngayon? Ilang taon na ba ‘yong kambal? Diba three years old na sila?

Kiefer: Opo.

Coach Ronnie: O, pwede ng iwan ‘yon sa Lolo’t Lola, kahit ilang araw lang.

Kiefer: Madami nga pong nagvo-volunteer na magbantay sa kambal, pero hindi talaga mapakali si Aly pag nawawala sila sa paningin niya.

Coach Ronnie: Nagpakita na ba sila ng interest sa sports?

Kiefer: Medyo. Pag nanonood nga po kami ng basketball o kaya ng volleyball sa TV nakikinood din sila.

Coach Ronnie: Bakit sa TV niyo lang pinapapanood? Mas maganda kung maramdaman nila ‘yong atmosphere ng totoong game.

Kiefer: When they get a little older we’ll bring them to watch games live, pero wag po muna ngayon. Baka masyado silang maingayan.

Coach Ronnie: Sabagay. Naglalaro na ba sila o hanggang nood palang?

Kiefer: Naglalaro na po ng konti. Si Kris may maliit na bola ng basketball tsaka ring. Si Andi naman po may beach ball na nilalaro niya na parang bola ng volleyball.

Coach Ronnie: Baka naman pinipilit niyo lang ni Alyssa ‘yong basketball at volleyball sa mga anak niyo?

Kiefer: Hindi po. Maingat kami ni Aly not to force anything on them. We want them to get into sports, pero hindi naman kelangan basketball o volleyball. Siguro dun lang sila nag-gravitate kasi ‘yon ‘yong lagi naming pinapanood sa bahay.

Coach Ronnie: Miniature versions niyo talaga ni Alyssa ‘yong mga anak niyo. Imagine, pati ‘yong sport niyo nakuha nila. Dapat i-hone niyo ‘yong interest na pinapakita nila.

Kiefer: Oo nga po eh. Usapan namin ni Aly pag pwede na at gusto nila, ie-enroll namin sila sa Milo Best. But until then, kami na lang po muna ‘yong magtuturo sa kanila.

Coach Ronnie: Pwede na ngang hindi mag-Milo Best. Kung basketball at volleyball rin lang, I don’t think they can get a better teacher than the two of you.

Kiefer: Depende naman po ‘yon kung anong sport talaga ‘yong magustuhan ng kambal. But either way, maganda pa rin kung makapag-summer clinic sila para matutunan nilang makihalubilo sa maraming tao.

Coach Ronnie: Basta aabangan ko si Kris ah. Pag nagbasketball siya, tutulong ako sa training niya.

*phone alarm*

Coach Ronnie: Naku Kief, kelangan ko na palang umalis in awhile. Pasensya na, sa Makati pa kasi ‘yong isa ‘kong meeting.

Kiefer: Okay lang po Coach.

Coach Ronnie: So paano, kelan mo gustong i-announce sa team ‘yong pag-step down mo?

Kiefer: Pwede na po kaya sa Monday? Tapos last training ko na rin ‘yon with the team.

Coach Ronnie: Sobra mo namang excited na umalis ng Gilas.

Kiefer: Hindi naman po sa ganun Coach. Naisip ko lang na mas makakabuti sa team kung malaman nila agad para maka-adjust sila na wala na ‘ko.

Coach Ronnie: Okay lang ba kung ilagay muna natin na tentative ‘yong Monday? I want to meet with the rest of the Coaching staff first para magpag-usapan namin ‘yong magiging successor mo.

Kiefer: Wala pong problema.

Coach Ronnie: We might also need your input since you know the team very well.

Kiefer: Sige po. Actually Coach, kung kelangan niyo ‘yong tulong ko in another capacity, willing po ako, just let me know.

Coach Ronnie: Salamat Kief. Let’s see, baka nga kelanganin namin ‘yong tulong mo.

After wrapping up their meeting, nagpaalam na si Coach Ronnie kay Kiefer para pumunta sa susunod niyang meeting. Si Kiefer naman bumili muna ng pasalubong sa Krispy Kreme bago umuwi.

Pagdating ni Kiefer sa bahay nila, naabutan niya si Alyssa at ‘yong kambal na nasa family room, nagdo-drawing. They didn’t notice him at first, so he spent a couple of minutes just watching them making a mess and having fun.

Andi: Mommy, bakit po ang tagal ni Daddy?

Kris: Oo nga po. Sabi niya sandali lang siya.

Alyssa: Be patient lang mga Anak, I’m sure pauwi na si Daddy.

Kiefer: Na-miss niyo naman ako agad.

Sabay-sabay lumingon sina Alyssa at ‘yong kambal sa may doorway kung saan nakatayo si Kiefer.

Kiefer: Wala bang kiss si Daddy?

Kris and Andi: Daddy!!!

Pagkatapos humalik at yumakap nina Kris at Andi kay Kiefer, si Alyssa naman ‘yong lumapit para bumati sa asawa. Pabalik na si Alyssa sa kambal when Kiefer pulled her for a kiss. It took her a couple of tries before she was able to break the kiss and pull away. Hinampas ni Alyssa ng mahina si Kiefer sa braso.

Alyssa: Ikaw talaga, ‘yong mga bata nakatingin.

Kiefer: Ayaw mo bang makita nila kung gaano kita kamahal? (tumingin sa kambal) Kids, okay lang naman sa inyo na i-kiss ko si Mommy, diba?

Kris and Andi: Hihihi...

Kiefer: See? Okay lang sa kanila, kinikilig pa nga sila eh.

Kiefer gave Alyssa a quick kiss on the lips bago siya umupo at sumali sa ginagawa ng kambal. Napailing na lang si Alyssa sa logic ng asawa tapos tumabi na siya ulit kay Kris habang si Andi naman lumipat at kumandong sa Daddy niya.

Alyssa: Kamusta ‘yong meeting niyo ni Coach Ronnie?

Kiefer: Okay naman, tinanggap na niya ‘yong desisyon kong mag-retire sa Gilas.

Alyssa: So hindi ka na magte-training kasama ‘yong team?

Kiefer: Magte-training pa rin. Nag-request kasi si Coach na hanggang hindi pa nase-settle ‘yong papalit sa ‘kin, status quo daw muna kami. Okay lang ba ‘yon sa ‘yo?

Alyssa: Yeah, that’s fine. Mahirap din naman kung maiiwan sila na walang Team Captain.

May sasabihin pa sana si Kiefer sa asawa pero naagaw ‘yong atensyon niya nung dino-drawing ni Kris.

Kiefer: Ano ‘yang dino-drawing mo Kuya?

Kris: Kami pong tatlo nina Mommy at Andi habang nanonood ng TV.

Kiefer: Bakit wala si Daddy sa drawing mo?

Kris: Kasi po ikaw ‘yong pinapanood namin sa TV.

Kiefer: Ahhh...

Alyssa: Ikaw Baby, pwede bang patingin si Mommy niyang drawing mo?

Inabot ni Andi kay Alyssa ‘yong drawing niya. Pagkakita sa drawing ng anak, pa-simpleng tumingin si Alyssa kay Kiefer ng nakangisi.

Alyssa: Ang ganda naman. Kami ba ni Daddy ‘to?

Andi: Opo.

Nung sinilip ni Kiefer ‘yong drawing ni Andi, naintindihan na niya kung bakit nakangisi si Alyssa sa kanya.

Kiefer: Ang galing ng pagkaka-drawing mo kay Mommy ah. Pero Baby, bakit ang laki ng ilong ni Daddy diyan? Liitan mo naman ng konti para mas realistic.

Alyssa: Sakto lang kaya.

Tinignan ni Kiefer ng masama si Alyssa pero maya-maya sabay din silang tumawa ng malakas. Binigay ni Alyssa kay Andi ‘yong drawing niya at bumalik ang kambal sa ginagawa nila habang pinapanood sila nina Kiefer at Alyssa.

Kiefer: Nga pala, sabi ni Coach kanina, aabangan niya si Kris. Pag nahilig daw magbasketball, tutulong siya sa training.

Alyssa: ’Yan din sabi ni Ate Charo tungkol kay Andi nung nag-lunch kami the other day.

Kiefer: Dami na palang nag-aabang sa dalawang ‘to eh. Turuan na kaya natin ng basics?

Alyssa: May usapan tayo diba na hindi natin sila ipe-pressure na sundan ‘yong mga nagawa natin? Bahala sila pumili kung anong sport ang gusto nila, basta tayo naka-suporta lang sa kanila.

Kiefer: Tell me honestly ‘By, bakit ba sobrang hesitant mo na magbasketball at magvolleyball din ‘tong mga bata? Hindi naman tayo napasama nun ah.

Alyssa: Hindi nga. Ayoko lang kasi na ma-compare sila sa ‘tin. I want them to excel because they love what they’re doing and not because everyone else is pressuring them to achieve what we’ve done.

Kiefer: Kahit ano namang sport ang laruin nila hindi maiiwasan ‘yong comparison. We’ll just have to teach them how to handle it, that instead of feeling pressured, gamitin nilang motivation.

Kris: Daddy, Mommy, pwede po ba tayo maglaro ng basketball?

Kiefer: Oo nam –

Andi: Volleyball na lang.

Kris: Nag-volleyball na kaya tayo last time. Basketball naman.

Andi: Ayoko ng basketball eh. Gusto ko volleyball.

Makikipagtalo pa dapat si Kris sa kapatid pero hindi niya rin natiis nung nakita niyang malungkot si Andi.

Kris: Sige na nga, volleyball na lang ulit.

Andi: Yehey! Thanks Kuya!

Nakangiting niyakap ni Andi si Kris tapos hinila niya ‘to patayo para pumunta sa kwarto nila at magpalit ng rubber shoes.

Kris: Basta sa susunod basketball naman tayo ah?

Andi: Okay Kuya!

Pagkaalis na pagkaalis ng kambal, lumabas ‘yong tawa na kanina pa pinipigil ni Kiefer.

Kiefer: Hahaha...manang-mana talaga sa ‘yo ‘yang si Andi.

Alyssa: Alam lang niya kung anong weakness ng kapatid niya.

Kiefer: Yes, and she uses that to get what she wants. Parang ikaw, alam mo kung anong weakness ko and you always take full advantage of it.

Alyssa: Hmph! Kung maka-reklamo ka naman diyan parang hindi ka nage-enjoy pag tine-take advantage kita.

Lumapit si Kiefer sa asawa. Isinandal niya si Alyssa sa kanya while she was sitting between his legs. He hugged her from behind tapos pinatong niya ‘yong mukha niya sa kanang balikat ni Alyssa.

Kiefer: Wala akong sinabi na hindi ako nage-enjoy ah. In fact kung gusto mo nga ‘kong i-take advantage ngayon, okay lang sa ‘kin.

Alyssa: Hahaha...loko-loko. Hindi pwede noh. Magva-volleyball tayo kasama ‘yong kambal, remember?

Kiefer: Oo nga pala. What if dalhin na lang natin sila kina Mommy? Pwede naman makipaglaro si Dani sa kanila eh.

Alyssa: Gusto mo bang magtampo sa ‘tin ‘yong dalawa? Tayo ‘yong niyaya nilang maglaro tapos ipapasa natin sila sa iba.

Kiefer: Paano na ‘yong taking advantage?

Alyssa: Ganito na lang ‘By, pagurin natin ‘yong mga bata sa paglalaro para makatulog sila ng maaga mamaya.

Kiefer: Hmmm...gusto ko ‘yang idea mo. Sige, ipag-five sets natin sila tapos race to 25 lahat ng sets.

Umupo ng diretso si Alyssa at tumingin kay Kiefer.

Alyssa: Hindi kaya pati tayo makatulog niyan?

Kiefer: Hindi ‘yan!

Kris and Andi: Daddy! Mommy!

Andi: Ready na po kami!

Kris: Tara na po?

Hinigpitan pa lalo ni Kiefer ‘yong pagkakayakap niya kay Alyssa tapos pumikit siya na kunwari inaantok. Si Alyssa naman natatawa lang sa pang-aasar ni Kiefer sa mga bata. Maya-maya lumapit sina Kris at Andi sa mga magulang tapos sinubukan nilang hilahin ang mga ‘to patayo.

Andi: Daddy naman eh. Mamaya mo na po lambingin si Mommy, laro muna tayo.

Second Time Around (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon