Chapter 6

6.3K 114 14
                                    

Alyssa: Teka nga, bakit ba ‘kong kausap mo ngayon? Nasan ‘yong mga ka-dinner mo?

Kiefer: Ano pa, eh di late.

Habang hinihintay ni Kiefer dumating si Von at si Nico for their dinner naisip niyang tawagan muna si Alyssa para kulitin.

Alyssa: Pati si Nico?

Kiefer: Oo.

Alyssa: Late sila o maaga ka lang?

Kiefer: Late sila noh. Wal –

Nico: Oy Ravena! Kamusta?

Umupo ng nakangisi sina Von at Nico sa harap ni Kiefer. Bukod kasi sa alam nilang late sila, they also know who Kiefer’s talking to.

Kiefer: Sa wakas, nandito na ‘yong dalawang late.

Alyssa: ‘Yon naman pala eh. Baba na natin ‘to. Diyan ka na sa dalawang ‘yan makipagkulitan.

Kiefer: Bakit ba nagmamadali kang babaan ako ng telepono?

Alyssa: Istorbo ka kasi. Nagma-marathon ako dito ng One Tree Hill tapos tinawag-tawagan mo 'ko.

Kiefer: Sige na nga, ba-bye na. Diyan ka na sa One Tree Hill mo.

Alyssa: Okay! Regards kina Nico at Von. Bye Kief!

Kiefer: Bye Aly!

Pagkababa ni Kiefer ng phone, nag-order na silang tatlo at habang hinihintay nila ‘yong pagkain nila, nagkwentuhan sila to catch up with each other. Kahit naman kasi nasa Manila lang silang lahat, bihira pa rin sila magkita-kita.

Von: So kamusta na kayo ni Aly?

Kiefer: Okay naman. Bakit mo natanong?

Von: Wala lang. We were just wondering, kasi since nag-reconnect kayo ni Aly a year ago parang ang saya-saya mo na lagi.

Nico: Ano, friends pa rin lang ba kayo o may status change na?

Kiefer: Ano bang status change ang tinatanong niyo? Magkaibigan kami ni Aly and we’re still making up for the lost years.

Nico: So ganun pa rin? Same as college?

Kiefer: Oo.

Von: Mahal mo pa ba siya?

Napabuntong hininga si Kiefer sa tanong ni Von. This is the same question he has been asking himself since he and Alyssa reconnected. A part of him knows the answer pero alam din kasi niya that at this point what he feels is irrelevant.

Nico: Ba’t di ka na nakasagot diyan?

Kiefer: Iniisip ko kasi kung paano ko sasagutin ‘yong tanong niyo.

Von: Hindi naman kami naghihintay ng explanation. Yes or no lang pwede na.

Kiefer: Sana nga ganun lang kasimple, pero hindi eh. Honestly, whatever I feel for her right now is irrelevant.

Nico: Irrelevant?

Kiefer: Oo. Alam ko na kasi kung bakit hindi niya ‘ko pinayagan manligaw sa kanya nung college.

Nico: Bakit daw?

Kiefer: She wanted a quiet personal life and she thought na hindi ko kayang ibigay sa kanya ‘yong privacy na gusto niya.

Von: Sabi na nga ba eh.

Akala ni Von mahina lang ‘yong pagkakasabi niya pero nung sabay tumingin sa kanya sina Kiefer at Nico, alam na niyang napalakas ‘yong boses niya. Ayaw na sana niyang magsalita kasi hindi naman makakatulong, kaya lang baka magkabatukan pag nambitin siya.

Second Time Around (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon