Micah
"No, I said Micah, as in Mee-kah. Hindi Myka." palulit ulit kong pinapaintindi sa poging kausap ko. Ang pogi pogi nito,kaso may pagka inutil. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang ipinapaintindi dito ang pangalan ko. Naiirita na ako.
Natanaw ko si Jessa sa dance floor. Bigay na bigay ito. Ang gagwapo ng kasayaw nito. Si Gina naman ay nakikipag kulitan sa mga waiters.
Si Jinky? Malamang may nabiktima na yun. Ganun naman iyon eh,nawawala pag may boylet na na-hook ng karisma niya.
Yung mga boys naman ay kalat sa dance floor. Nakita kong nakikipag sexy dance na si Mario kay Jessa. Nakakatawa silang panoodin.
"Mykah,alam mo,ang ganda mo. Ang shexy ng mga paa mo. Pwede pahalik?" Nasinok na si pogi.
Naisip kong sakyan nalang ito. Tumango tango ako at nagpa cute. Sumampa ako sa lap nito. Hinila ko ang kwelyo at kunwaring dahan dahang ilalapit ang mukha ko. Hanggang sa pumikit ito. At yun na.
Bumwelo ako at inuntog ang ulo nito sa ulo ko. Tulog agad.
Tinapik ako ni Bruce.
"Alis na. Ang sagwa ng porma niyo. Ako nga di pa kita napapaupo sa lap ko." Naupo ito sa katapat na side ng couch. Tinapik nito ang lap nito. Natatawang umalis ako sa kandungan ni pogi at tumabi sa tunay na pogi.Syempre ay hindi ako naupo sa lap niya,baka magkasabunutan pa kami ni Carol. Mag ex kase ang dalawa pero magka tropa pa rin hanggang ngayon. Iniakbay nito ang kaliwang braso sa balikat ko.
"Bruce,amoy sigarilyo ka. Ang sakit sa ilong." Tinanggal ko ang braso niya sa pagkaka-akbay, uminom lang ito ng cocktail na dala dala.
"Labas muna ako. Walang papables ngayon. Buti pa si Jessa may nabingwit na." Napatingin ako sa bar counter at may ka-holding hands na ang bruha.
Palabas na ako ng bar ng makasalubong ko ang papasok na si Carol. Todo ang ngiti nito.
"Anyare girl? Magka-clown ka?" Tanong ko sa kanya.
"Gaga,alam mo yung ka-chat kong kano na si Colin? Pupuntahan niya ako dito sa Pinas!!" Kinikilig na hayag nito. Seven months na silang mag-on,ngayon ay pupuntahan na agad siya. Maganda naman kase si Carol. Pinay na pinay ang dating,wag lang magsasalita kase may pagka-slang sa tagalog.
"Oh,masaya ako para sayo. Ibalita mo kay Bruce,matutuwa iyon." Kinindatan ko ito at sabay kaming natawa. Pumasok na ito at ako naman ang lumabas.
Nakakita ako ng mamihan....
Hmm. Makakain nga muna. Naupo ako at umorder. Ang inorder ko ay yung Goto. Ang bango kase,nadadaig yung amoy ng mami.
Habang ipini-prepare ang order ko ay napalingon ako kabilang dulo ng upuan. May lalaking balot na balot ng jacket. Sa harap nito ay mga bowl ng mami na said ang laman. Pang-apat na ang bowl na kinakain nito kung sa kanya nga ang mga iyon.
"Manong,masarap ba ang mami dito?" Nakangiti kong tanong. Kami lang dalawa ang nasa mamihan bukod sa mga nagseserve.
Nahinto ito sa paghigop ng sabaw at matagal bago tumingin sa akin. Bago pa siya tumingin ay inayos ko ang pagkakadekwatro ng legs ko. Para may dating. Ganon ang turo ni Jessa.
Kaya nagulat ako ng makita ko ang mamang may hawak na bowl ng mami. Kilala ko ito. Siya si.......
Noel
Simula nung nagbalik ako sa Pilipinas mula sa.Japan,hindi na ako natigil sa bahay ni Dad. Wala akong galit or inis kay tita Margie. Mabait ito at kasing buting asawa ng namayapa kong ina. Ang problema ko ay ang step sister kong si Rose. Masyado itong demanding. Mas matanda ako ng tatlong taon pero kung makaasta ay daig pa si tita Marge.
May asawa na itong sundalo pero
Nakadestino sa CAR. Kaya naman ako ang pinag-iinitan nito. Tinawagan ko ang bayaw ko at nakiusap na umuwi na sa kapatid ko. Ang sabi nito ay isang buwan pa bago ito maibalik sa bayan namin sa Lumar. Kaya heto ako at inuto ang kapatid ko,ang sabi ko ay susunduin ko na si Jefferson na asawa nito. Buntis kase kaya kasing sama na ng ugali ng mga stepmothers sa mga palabas at fairytale ang ugali nito. Lagi akong inaapi noon pero mas lumala ngayon.Pinag papasensyahan ko nalang alang alang kay Dad at tita Marge.
Nung namatay si mama,napilitan akong magpunta sa Japan para sundin ang hiling nito. Nais nitong maging guro ako sa Tokyo Japan. Kung saan niya nakilala si Dad bilang isang guro. Doon ay kinailangan ko ulit mag-aral bago pa ako naging isang ganap na guro.
Sa totoo lang ay masaya akong umalis dahil ibig sabihin non ay matatakasan ko ang brat kong step sister. Pero nung nandoon na ako,depression naman ang kalaban ko. At ayaw ko ng maulit iyon. Kaya after eight long years ,nakauwi na ako. Pero heto nga at balik din sa dati ang sitwasyon ko kay Rose.
Nagpaplano akong magpatayo ng bahay at ayoko sa Lumar. Lumar means Rose-is-nearby which will be the death of me.
Tatlong linggo na akong naglalagi dito sa Baguio. Bukod sa malamig ay wala naman akong problema dito. Maganda ang lugar. Kasalukuyan akong naka check-in sa isa sa mga hotel sa Camp John Hay.
Hindi ko dala ang kotse ko. Ina-arbor din iyon ni Rose. Kaya commute ako ngayon. Nag taxi lang ako papunta ng Baguio. Sakit talaga ng ulo ang kapatid kong iyon.
Balot na balot ako ng jacket dahil may bagyo. Maraming Universities dito sa Baguio at kung credentials lang naman ang pag-uusapan ay overqualified pa nga akong maging professor.
Naisip kong kumain sa labas ng mainit na sabaw. Pumara ako ng taxi. Dinala ako sa sikat na 24 hours na restaurant. Ang kaso, napaka haba ng pila at mukhang dinadayo nga iyon kahit pa gabing gabi na at medyo tago dahil natatakpan ng Center Mall ang kainan.
Naglakad lakad ako. Wala naman akong dala kung hindi dalawang pitaka na tag- three hundred ang laman. Iniiwan ko rin ang cellphone ko kapag nalabas ako dahil maraming mandurukot sa Baguio. Yung isang pitaka ko ay nasa bulsa ko. At ang isa naman ay nakasingit sa bewang ko.
Habang naglalakad ako ay napunta ako sa lugar ng mga Disco bars and Country Clubs. Naugong hanggang labas ang buhay na buhay na tugtugin ng mga iyon.
May nakasalubong akong babae.
"Okay,see you then... Yes, I love you too Colin. Okay,take care."
Maganda ang diction nito. Maganda ring babae. Mukhang estudyante ito. Bata pa at sa tantsa ko ay nasa 20 or 21 lang.
Pumasok ako sa mamihan. Naamoy ko ang mga maiinit na pagkain pero mahilig talaga ako sa karne ng baka kaya mami ang in-order ko. Masarap iyon. Babawiin ko ang mga araw na ginutom ko ang sarili ko dahil sa inis kay Rose.
Habang kumakain ako ay may isang sexy na costumer ang dumating. Mukha itong fashionista pero mukhang bata rin ito base sa porma nito. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain. Naamoy ko ang pabango nito at nakita sa peripheral vission ko na sa kaparehong mesa at mahabang upuan ko ito naupo,dun sa bandang gitna.
Nakita ko ang legs nito na pamatay sa kinis. Isinawalang bahala ko nalang iyon. May trauma na yata ako sa babaeng magaganda dahil kay Rose. Maganda nga pero may sayad.tss.
"Manong,masarap ba ang mami dito?" Nakangiti nitong tanong.
Nahinto ako sa paghigop ng sabaw. Tila pamilyar sa akin ang boses ng babae. Iniisip ko kung siya nga iyon. Nakita kong umayos ito ng upo sa gilid ng mata ko. At nung tuluyan na akong lumingon ay natulala ako sa mukha ng babaeng kaharap ko.
Ang laki ng ipinagbago niya. Pero hindi ako pwedeng magkamali. Si Micah ito. Ang sweet na si Micah......
![](https://img.wattpad.com/cover/154245922-288-k30701.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Not A Girl, Anymore.
Aktuelle Literatur[COMPLETED] Hindi na ako bata. Mahal kita, at mamahalin mo ako sa ayaw at sa gusto mo Noel. Hindi kita 'kuya' at lalong hindi kita teacher lang. Ikaw ang mapapangasawa ko. Walang lokohan. 100% serious. Sir, I Love you!! Ako si Micah Jean Salazar. A...