Prologue

4.1K 67 1
                                    

"Okay class! Iniwan lang ng Filipino teacher ang seatwork niyo. Nakiusap rin siya ang i-review ko kayo."

Salita ng salita yung MAPEH teacher namin. Busy akong gumagawa ng assignment sa math. Lintik naman kaseng square root ito. Madali sana kaso pabaliktad. Di ko ma-gets!

"Tama, ganun nga iyon. Very good,class."

Ang galing naman. Nakapag seatwork ako at madali lang yung sa Filipino. Napag-aralan na namin ito noong grade two,eh grade five na kami ngayon. Si ma'am Gomez talaga. Dapat kase magretire na eh. Matanda na siya.

Ipinasa na namin ang seatworks kay Lorenzo. Ang president ng klase.

Patapos na ako sa assignment. Susunod na ang math kaya minadali ko na.

"Nakikita niyo ba itong 100pesos?"

Napatingin ako kay sir. Inayos ko na yung gamit ko habang nakikinig sa kanya. Tumingin siya sa akin pati na sa math book ko. Ang tagal niyang sa akin lang nakatingin.

"Kung sino ang makapagbibigay sa akin ng opinyon,na pinakamalapit sa katotohanan. Ibibigay ko ito pangmeryenda."

Gumana agad ang isip ko..
Nagtaasan kami ng kamay at halos lahat ay sumubok sumagot. Si Lorenzo lang ang hindi nakikigulo. Mayaman kase ito.

"Ikaw,miss Salazar. May naisip ka na bang bago?" Tanong ni sir. Napatingala ako sa kanya at ngumiti para sabihing wala pa, ang kaso ay nakatitig siya sa akin. At yung mga mata niya. Sobrang itim nun. Parang ang kalangitan sa gabi. Pero nakislap at masaya ang hulma. Parang kapag nakakakita ng mga bituin.

"Ah,sir. Maliit ang mundo?"

Pwewh!sana tama.

"Wrong. Malapit na maubos ang time natin. Suko na ba kayo?"tanong si Sir Noel.

" Yes sir!!"sabi naming lahat.



"Ang opinyon na pinakamalapit sa katotohanan...

..Ang sanggol ay inilalabas sa pwet."

Shokla! Bakit nakatingin nanaman sa akin si sir?! Hindi naman na ako nagawa ng assignment sa ibang subject ah! At bakit ganun? Bakit kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tapos, tapos... Parang nangingiti ako. Hindi dahil sa joke na yun. Dahil sa nakangiti rin siyang nakatingin sa akin.

Lagot na. Bakit sa akin lang siya nakatingin?

I'm Not A Girl, Anymore.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon