Noel
Namayat si Micah, kulang ang sigla sa kanyang mga mata. Pero naiinis ako na pinipilit niya ang sarili na ngitian si Albert. Bakit nasa bahay nila si Albert?
Hindi ko naman marinig ang pinagkakatuwaan nila. Para silang buong pamilya. Hindi ko mapigilang mainggit. Bakit ba kase kasama nila si Albert? Eh hindi naman dating ka-close ni Micah ang binatang iyon!
Mula ng dumating ako sa harap ng bahay nila ay pinanood ko na ang pagkakasayahan nila over dinner. Nagpupuyos ang damdamin ko dahil mukhang malapit ang loob ng pamilya ni Micah kay Albert Montero. Nagseselos ako pero wala akong magawa.
Naramdaman ko ang pagba-vibrate ng phone ko mula sa aking bulsa kaya inilabas ko iyon. Tumatawag si Rosalie...
"Hoy! Anong ginagawa mo jan sa kabilang kanto! Bakit hindi ka dumeretso dito sa bahay!? Kanina ka pa namin hinihintay nila Dad at Mama!!" bakit ba ang lakas ng boses ng babaeng ito?tss.
"Teka lang. Wag kang lalapit. Papunta na ako jan. Sag-" natigil ako sa pagsasalita ng may kumatok sa bintana ng kotse ko.
"Mamaya na lang Rose." pinatayan ko mg tawag si Rose at ibinaba ang salamin. Si Albert pala, at gusto kong suntukin ang mukha niyang nakangisi..
"Sir, ikaw pala iyan. Akala ko may stalker na naman si Jean. Kailan pa ho kayo dito? Hindi naman siguro kayo nakatira sa tapat na bahay ano? Bahay iyon ng tiyahin ko eh.." tila nang-iinis na saad nito.
"Actually,-"hindi ko natapos ang sasabihin ko.
"Albert, thank you ha?! Umuwi ka na! Bukas nalang ulit tayo mamasyal!! Uwi na agad ha!?" narinig kong sigaw ni Micah mula sa loob ng kanilang bahay.
Tumawa si Albert. "Miss mo agad ako? Kita na lang tayo bukas! Good night!" sigaw ni Albert bago ako hinarap.
"Sir, mawalang galang na lang ho. Ipaubaya niyo na sa akin si Jean, pasaway lang ako pero wagas magmahal. Huwag na ho kayong manggulo sa amin. Good night sir!" sabi nito at pasipol sipol pang naglakad palayo.
Hindi ko kayang ipamigay si Micah. Ako ang mahal niya at mahal ko siya. Inaamin kong mali ako. Pero hindi sapat iyon para sukuan ko si Micah. Hindi ngayon kung kailan napatunayan kong hindi naman niya gusto si Albert in a romantic way. Never will I let her fall for him, she's mine...
Micah
Nakatanggap ako ng sulat mula kay Albert. Parang siraulo iyon, sinusulatan ako tapos ang nakalagay lang sa sulat niya ay emoji. Tsk.
Sabi niya kahapon ay luluwas siya ng Maynila, wala akong pakialam don sa lalakarin niyang business. Ang akin lang ay matatahimik ako ng ilang araw. Wala kasing alaskador na tatambay sa bahay namin. Pasukan na kaya ako lang ang naiiwan mag-isa sa bahay. Sabay nauwi si mama at si Claud, si dad naman ay gabing gabi na makauwi dahil busy sa ospital.
Kasalukuyan akong nakatambay sa garden, nagpapa-araw dahil kailangan ko rin ng vitamin D. Lagi nalang akong nakakulong sa kwarto ko.
Maganda talaga itong bagong bahay namin, mababait ang mga kapitbahay at ang ganda ng lugar, kapag madaling araw ay sabay kami ni dad na magjogging bago pa ito pumasok sa trabaho.
Kung tutuusin, masarap palang maging tambay. At mukhang mas gusto rin naman ng mga magulang ko na maging tambay na lang ako kesa lumayo na naman. Takot parin kasi silang mag pakamatay na naman ako.
Alam ko na naman ang pagkakamali ko. Nagpadala ako sa damdamin ko. Masakit kasi, buong buhay ko, siya lang ang lalaking pinangarap ko. Tapos ganun ganon nalang kung i-reject niya ako. Nakakasama pa rin ng loob, pero hindi konkayang lokohin ang sarili ko na hindi ko na siya mahal.
Sa katunayan, mahal na mahal pa rin siya. Hindi ko siya makalimutan. Natatakot na ako sa sarili ko. Hindi ko inuungkat kanila mama pero tila nagha-hallucinate na ako. Minsan kasi ay nakikita ko si Noel na nagmamaneho ng sasakyan sa harap ng bahay. Kapag naman nagja-jogging, feeling ko ay nakasunod siya sa akin. Sa lahat mg gawin ko, kahit kasama ko sila mama ay nakikita ko siya..
Natatakot ako na baka nababaliw na nga ako.At tulad ngayon, sa araw-araw na kakaisip ko sa kanya, nakikita ko siyang pumasok sa gate ng bahay namin. Tila ba naghuhuramentado ang puso ko habang nakikita ko ang imahe niyang papalapit sa kinauupuan ko.
Hanggang sa nakalapit na siya at yumuko para halikan ako. Teka?!hinahalikan ako ng imagination ko!?
Nanlambot ang mga tuhod ko.
'Totoo ba ito? Or nababaliw na nga ako?'
BINABASA MO ANG
I'm Not A Girl, Anymore.
Ficción General[COMPLETED] Hindi na ako bata. Mahal kita, at mamahalin mo ako sa ayaw at sa gusto mo Noel. Hindi kita 'kuya' at lalong hindi kita teacher lang. Ikaw ang mapapangasawa ko. Walang lokohan. 100% serious. Sir, I Love you!! Ako si Micah Jean Salazar. A...