Chapter Fourteen

1.6K 29 0
                                    

Micah

"That's crazy!" Bulalas ni Jessa. Naikwento ko kase sa kanya ang nangyari noong isang gabi.

Narito ako sa apartment na tinitirhan nila ni Mario. Buntis ito, kaya ako na ang dumalaw, si Mario ay puyat sa kamalditahan nito at ngayon nga ay nahilik mula sa kanilang kwarto.

"So, you're saying, sa ganda mong iyan, na labas pa ang kaluluwa mo katulad ng turo ko sayo, ay nilayasan ka sa hotel room niyo? What the fuck bebs! Hindi kaya bakla yang teacher mo!?"

Inirapan ko ito. "Hindi siya bakla noh! Tinitigasan iyon. Isa pa,paano siya magkakaanak kung bakla siya aber!?"

Ngumuya na ito ng pears. Naglalaway ako pero hindi ako nahingi. Sabi niya,mapaglilihian niya ako kaya ayoko.

"Hintayin mo bes. Malay mo, nagpapawala lang ng libog iyon. Haha!!" Tumatawang sinabi nito na ikina-init ng mukha ko.

"Gaga, sana nga." At nagtilian kami. Narinig namin ang pagkahulog ni Mario sa sahig.

Kawawa naman si Mario.pfft..lol








Umuwi ako sa bahay. Naka-one week leave kasi ako. Pinagbigyan ako ni Henry,tropa na kami. At isa pa, special ako dahil ako ang naglakad sa kanya sa katrabaho kong syota na niya ngayon.

Nagja-jogging ako ngayon. Alas dos na ng hapon. Nakasalubong ko yung si Ms. Mathematician na ipinapasyal ang baby niyang nasa loob ng stroller na kulay dark blue. Ngumiti siya sa akin. Nahiya naman ako. Ang saya ng ngiti niya. Yung parang buntis na naglilihi sayo kaya bonggang makangiti,yung ganun ba. Nung naisip ko yun ay parang may kabayong sumagasa sa puso ko. Buntis na naman ba ito? Kaya ba hindi ako magawang magustuhan ni Noel,dahil sa may babaeng nagpapainit ng kama nito!?

Ayoko man gawin ay napaismid ako. Nawala ang ngiti sa labi nito at tila nagtataka sa akin. Nauna na ako hanggang sa makabalik ako ng bahay.

Wala pang limang minuto ay nakasunod na ito. Nagmamadali nitong binuksan ang gate nila. Pinapanood ko ito at tila ba natataramta ito. Nang makapasok ay agad nitong ikinandado ang gate. Lumingon ito sa akin.

"Please,pakiusap naman. Pakitawagan si Noel. Sabihin mo, nahanap kami ni Jefferson..please Micah. At pumasok ka na sa bahay mo. Dun ka sa loob tumawag. Sige na. Pakisuyo lang." At pumasok n ito kasama ang batang nasa stroller.

Natataranta man ako ay sinunod ko ang utos niya. Pumasok ako sa apartment ko at sumilip lang sa aking bintana. Hinugot ko ang cellphone kong naka-charge at binuksam iyon.

Bago pa iyon mabuksan ay may matangkad na lalaki na huminto sa harap ng apartment ni Noel. Napakalaki ng katawan nito at mukha itong galit. Kinalampag nito ang gate.

Hinahanap ko na sa contacts ko ang numero ni Noel ng marinig kong sumigaw ang lalaki.

"Tang-ina mo Rosalie! Ginagago niyo ba ako?! Ha!? Walang hiya kayo ng Darwin na iyon! Ano't niloko niyo na ako ay inireport niyo pa ako!? Mga hayop kayo!? Lumabas ka jan!! Papatayin kita at yang bastardo mo! Gaga ka!?"
Nanginig ang kamay ko. Walang tigil na hinahampas nito ang mataas na gate.

Nagri-ring ang dialling tone ko. Mga apat o limang ring ay nasagot na iyon ni Noel.

"Micah, kakatapos lang ngnklase ko. Bakit napatawag ka?" Nakakarinig pa ako ng ingay sa kinaroroonan nito pero nasa mama sa labas ang atensyon ko.

"Dalian mo Sir! Sabi ng asawa mo, tawagan kita, may higanteng mama na nagwawala sa gate niyo. Ano nga ba ang sabi niya? Uhh, ah tama. Parang Geoffrey ba o Jeffry.. Ah, parang Jeffson o Jefferson." Nagkakanda bulol n ako. Habang nakatingin ako sa labas ay natatakot ako dahil parang masisira na ang gate sa pagkalampag niya.

"Okay, kumalma ka Micah. Tulungan natin si Rose. Tawagan mo ang numero ng barangay at humingi ka ng tulong. Papunta na ako jan. Salamat."

Pinatayan niya ako ng tawag. Tumawag naman akons barangay at nagreklamo. Ilang sandali lang ay dumating na ang mga tanod at pilit na pinasakay sa sasakyan nila ang malaking mama.

Lumabas ako at dumungaw sa kabilang bahay. Nakita kong naiyak si Rosalie mula sa bintana na nakahawi ang mga kurtina. Yakap nito ang anak na mahigit isang taong gulang na.

Dumating si Noel at hindi na nag-abalang ipasok ang knyang kotse sa garahe. Binuksan nito ang gate at nagtuliloy tuloy sa loob ng apartment.

"Rose,okay ka lang ba?"

Nakita ko sa bukas na pinto ang pagyakap nito sa babae. Tumalikod ako. Humakbang na ako papunta sa loob ng bahay ko ng marinig ko ang sagot ng babae.

"Kuya! Baliw na siya! Papatayin niya ang anak namin! Kuya,anong gagawin ko!?" At umiyak ito ng umiyak.

Teka, 'kuya'  daw?

Feeling ko, hihimatayin ako.




















Noel

Nakamasid ako sa mga estudyante ko. May written exams ngayon and malapit ng matapos ang klase ko. Huling klase na ito at kailangan ko na ring umalis. Baka mawala na naman si Micah at hindi ko masundan.

Nang mag-ring ang bell ay nagpasahan na ang mga natapos. May ilan png hindi tapos kaya hinihintay ko ang mga iyon. Nagring ang phone ko at sinagot ko iyon dahil dalawa nalang ang hindi pa tapos sa exam.

Tumawag sa akin ang nabubulol pang si Micah. Hinintay kong matapos ang dalawang estudyante bago ako nagmamadaling umalis sa University.

Pagdating ko doon ay naghihisterya ang kapatid ko at mahigpit ang yakap sa batang si Levi. Kinuha ko ang bata para ilagay sa crib at pinainom ng tubig si Rose. Ilang sandali lang ay kumatok si Micah mula sa pintuan.

"Noel,kailangan niyong pumunta sa barangay station. Tumaeag sila sa akin." Napatitig ako rito at napabuntong hininga.

"Pwedemg pakisamahan si Rose dito sa bahay? Saglit lang naman siguro ako doon." Sabi ko.

"Sige,ako na ang bahala dito. Ingat ka." Nakangiting saad ni Micah. Iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya. Kitang kita ng mga mata ko ang napakagandang kurba ng kanyang katawan sa suot na fitted jogging pants na light blue and neon pink na see-throuhg n top. Nakita ko ng cleavage nito sa suot na sports bra na kulay puti. Tumikhim ako at nagpaalam. Bago ko isara ang pinto ay nakita ko pang tinaasan ako ng kilay ni Rosalie na tapos na palamg umiyak.

Pagkasakay ko sa aking kotse ay napabuga ako ng hangin.

'Lintik na cleavage yan!" napatingin ako kay junjun na nagtayo kaagad ng tent sa pantalon ko. Tsk.

I'm Not A Girl, Anymore.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon