Chapter Seven

1.9K 32 0
                                    

Noel

"Babe,bakit naman di mo sinabing manlilibre ka,sana sabay sabay tayong lumabas." May lalaking tumabi dito. Bigla itong hinalikan sa pisngi.

Pinahid ni Micah ang pisnging hinalikan ng lalaki at tinulak ang mukha nun ng may kalakasan.

Nagsidatingan pa ang ibang costumers. Maiingay sila. Mga kaibigan pala sila ni Micah. Nananatili lang akong nakatingin sa kanila.

"Besh,bakit naman ganyan ka! Di-vuhh,libre mo nga? Order na tayo bakla!" Sabi nung babaeng halos kita na ang kaluluwa. May mga dumating pa, hindi ko na nabilang kung ilan sila. Nagkakantiyawan at naglolokohan.

Yung lalaking humalik kay Micah ay may kayakap ng babae,yung nakasalubong ko kanina bago ako kumain dito.

"Hi sir, I mean Noel. Is it okay to call you that? " nakangiti si Micah sa akin.

Para ngang nag iba ito. Hindi na ito mahinhin at nagbago na ang pananamit nito. Hindi ko itatanggi na maganda talaga ito kahit noon pa. Pero ngayon... Dalagang dalaga na ito.

"Okay lang, kamusta ka na?"  Tanong ko.

"Ah, sir. Graduating na ako ng HRM. Ikaw? Bakit bigla kang nawala noon?"

May nakita akong hinanakit at lungkot sa mga mata nito. Pero imposible,wala siyang alam noon, baka guni guni ko lang.

"Nag-aral ako sa Japan para maging Professor doon. Mabuti at patapos ka na ng pag-aaral. Lumipat ba kayo dito sa Baguio?"

"No,ako lang. Nagpapaka-independent ako. At wala na nga pala yung papa ko. Namatay na siya nung pagkagraduate ko ng high school. Yung stepdad ko ang nagpapa-aral sa akin."

Bilib din ako na kinakaya niyang mag-isa.

"Mag-isa mong naninirahan o may kasama kang kaibigan?"

Napabaling ako sa mga kaibigan niyang magugulo.

"Mag-isa ko lang. Nangungupahan ako sa isang apartment sa Dreamland." Ngumiti ulit ito.

"Sir,gusto mo bang sumama sa amin? Namiss lang kase kita. Sama ka na. Hindi na kami babalik sa bar. Kakain lang then uwian na."

Ang kaso kakakain ko lang...

"Sige. Samahan kita." Hinila na nito ang kamay ko.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kahit na sa haba ng panahong lumipas, siya pa rin si Micah. May nagbago, alam ko. Pero hindi yata mawawala ang paghanga ko sa batang ito kahit ibang iba na ito sa batang kinagigiliwan ko noon.


Micah

Para-paraan. Iyon ang pahiwatig sa akin ng mga tingin ni Jessa. Napabungisngis ako. Nasa unang taxi kami nakasakay ni sir Noel. Kasama namin si Jessa, Mario at Carlo. Nasa kabilang taxi yung iba. Umandar nanaman ang kabastusan ng bunganga ni Carlo. Nakakahiya kay sir.

"Ah,so teacher kayo ni Jean noong elementary? Beh,uyy Jean!? Diba kapag elementary hindi pa nagbe-baby bra? Diba? Edi sir, nakikita niyo yung ano ng mga girls? Naknang! Ano ba mas maganda Jessa? Mag switch na kaya ako ng course? Huh?"

"Gago,manyak ka. Kapag ako nagkasakit,iiwasan kong mapunta sa ospital na papasukan mo. At kung maging teacher ka,hinding hindi ko papapasukin kahit sino sa kamag anak kong babae,manyakol!" Pabulyaw na sagot ni Jessa mula sa driver's side. Magkatabi sila ni Mario na busy sa cellphone nito.

Sa likod kaming tatlo nila sir at Carlo. Si sir ang nasa gitna.

"Ano  ka ba Carlo? Kung magtatrabaho ka, yung ikauunlad mo, hindi yung ikakukulong mo, sira." Natatawang saad ko. Pinigilan kong magmura,nakakahiya kay sir.

Ngumiti lang ito sa akin. Nang makarating kami sa fastfood resto na pinagtatrabahuan ko last month ay nagsibabaan na kami.

Last duty ko na yung last month. Tapos na yung kontrata ko and isa pa ay gagraduate na ako sa July, June 4 palang ngayon.

Nung pumasok kami ay ang nakangiting si manager agad ang nakita ko. Yinakap ako nito.

"Namimiss ka na agad namin. Buti naman at nakapunta kayo ng barkada mo. Kayo lang ang gumigising sa amin eh.."
Napatingin ito kay Sir Noel. Tapos ay mapanukso akong tiningnan. Alam ng lahat na inlove ako kay sir. Pero walang kaalam alam ang lalaki. Pinadrawing ko kase ang picture niya kay Gina at pinakita ko sa lahat ang mukha ng firstlove ko. Malakas lang talaga ang trip ni Bruce pero hindi kami talo.

"Ang dami mo namang kaibigan." Sabi ni sir. Nakain kami ng fries. Yung iba naman coffee or burgers. Ganito ang trip namin. Nag-iingay sila. Nakabukod kami ng table ni sir.

"Ah,oo. Masaya kapag maraming kaibigan. Nakakarefresh ng dugo yung mga barkada ko." Napatingin ako kay sir na tinitignan ang barkada ko.

"Kahit mga baliw ang mga iyan,mababait na tao naman.
Hindi sila gumagawa ng masama at alam nila ang tama sa mali." Depensa ko para sa mga kaibigan ko.

"Oh,okay." Ngumiti si Sir sa akin.

Nagkayayaan ng umuwi. Kanya kanyang uwian na kami. Hihirit pa ng yakap si Bruce pero inambaan ko iyon ng suntok. Si Neo naman ay nag side hug at hinalikan ang ulo ko.

Bumulong si Jessa sa akin. "Gamit ng condom hija,kailangang grumaduate bago majontis."

Tatawa tawa ito at si bakla. Si Gina na tumba na naman ay iniuwi na kanina pa ni Mario. Si Carol,malay ko dun. Parang kabute ang sungit na iyon eh.

"Sir,okay lang po,nakakahiya naman. Sanay naman akong umuwi." Pagtanggi ko nung sinabi niyang ihahatid niya ako pauwi.

"I insist. Tara na. Naambon na naman,baka abutan tayo ng ulan." Pilit nito.

Kaya sumakay kaagad ako sa taxi na sinasakyan nito.

"Manong, sa Dreamland tayo."sabi ko kay manong driver. Parang nahihilo na ako. Ngayon lang umepekto yung alak,nung nagsimula akong maglakad lakad.

Nakarating na kami sa harap ng apartment ko. Nakakahiya man pero siguro dala ng alak na nainom ko ay kumapal na naman ang mukha ko.

"Sir,pasok ka." Hinila ko ang kamay nito papasok.

Pinaupo ko ito sa aking mini sala. Kurtina lang ang harang ng pinto ko sa kwarto. Medyo dim ang ilaw sa sala dahil hindi ko nabuksan ang ilaw. Nagmamadali kase akong pumasok ng kwarto ko para magtooth brush at magbihis. Kaya ginawa ko nga. Hindi naman siguro siya basta basta papasok,ano? Kase kung gagawin niya iyon,baka ma-rape ko siya. Lol.

Noel

Pumasok si Micah sa loob ng pinto na may kurtina. Narinig kong nagtu-toothbrush ito. Napangiti ako. Nakaharap ang inuupuan ko sa pinto ng kwarto ng dalaga.

May maliit lang na lampshade sa gilid ko at iyon lang ang ilaw ko. Nakikita kong malinis ang apartment nito kahit maliit.

Narinig kong nagsara ang pinto. At may bumukas na parang drawer.

Nakita ko ang anino ng dalaga na  nasa gilid ng kama. At ganun nalang ang pag-iinit ko ng makita ang anino nitong dahan dahang naghuhubad. Nung tumagilid ito ay nakita ko ang kabuo-han ng katawan nito. Malaking dibdib na tayung tayo at ang flat na flat na sikmura nito. Ang matambok na puwitan nito ay mataas at malaki. Sa madaling salita, sexy ang dalagang walang kaalam alam na napapanood ko ang anino nito at naiimagine ko ang tunay na katawan nito.

'Shit Noel! Nagawa mo noon, subukan mo ulit pigilan ngayon!' Sigaw ng isip ko sa sarili na tila hibang na hibang sa napapanood.

I'm Not A Girl, Anymore.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon