Chapter Three

2.4K 39 0
                                    

Alam kong mali, pero hindi ko mapigilan. Yung mga sitwasyon sa loob ng classroom  na rin ang nagtutulak sa loob ko na humanga kay sir Noel.

Maganda 'daw' kase akong magsulat. Kaya ako ang piniling secretary sa aming klase. Sa loob ng klase, halo ang mga estudyante. May mayayaman, meron ding may kaya. Ako naman ay napapabilang sa mga iskolar ng mag-asawamg Benitez.

Hindi ko na naging kaklase ang gwapong anak nila dahil sa Maynila na iyon nag-aaral ngayon. Kaya naman wala ng ibang mapag-tuunan ng pansin ang damdamin ko kung hindi ang sariling guro.

Tulad nga ng sabi ko ay mali,pero hindi na maitama. Isa pa ay hindi naman siguro masama. Paghanga lang di ba?

Napalingon ako sa teacher kong tumutugtog ng gitara. Siya ang homeroom teacher namin at Music and Filipino teacher din namin siya.

Lumalaki ang paghanga ko sa guro. Pumapasok sa isip ko na magkakaroon ako ng nobyo na guro at haharanahin niya ako tulad ng tila panghaharana ni Sir sa akin.

'Ano ka ba Micah?!teacher yan,hindi isang character sa wattpad!!' Sigaw ng isip ko.



Pinagpatuloy ko na ang pagsusulat sa pisara ng aralin namin sa Filipino.










"Uyy,ang aga natin ah!?" Si Gladys yan. Friend ko. May kaya ang magulang niya,nagbi-business.

"Ah,oo,nagtxt si sir eh,may ipinasulat." Sa totoo lang,hindi ko nga maipaliwanag kung ano yung nararamaman ko kapag nagtetext si sir. Pano kaya kapag 'I love you ' ang itinext niya? Baka himatayin ako.

"Ows,baka naman sisilay ka lang sa crush mo. Sino nga kase?!"

Medyo makulit din ito. May pagkamadaldal ito kaya hindi ko sinasabi.

"Eto,hulaan mo nalang. Maganda ang boses niya." Sa dami ng magaganda ang boses dito, tignan natin kung mahulaan niya.

"Sige,sige. Bago tayo grumaduate, mahuhulaan ko na yang crush mo na yan."

Ewan konlang Gladys, ewan ko lang.









Araw araw ay maaga akong napasok. Ako din ang laging huling umuwi. Bakit? Kase gusto kong masilayan lagi si sir.

Tulad ngayon,pagpasok ko ay naroon na siya sa desk niya at nagbabasa ng lesson plan. Kapag ganitong busy siya ay natititigan ko siya ng matagal. Ni hindi niya napapansin ang pagtitig ko sa kanya.

Kapag uwian naman ay nagboboluntaryo ako laging maglinis. Hinihintay niya akong matapos kasama yung ibang estudyante bago niya i-lock ang classroom. Kaya feeling ko,ako lang ang hinihintay niyang matapos.

Oo,alam kong over na ako s pag-aambisyon. At least sa teacher ko wala akong karibal.





Parang kailan lang nung nagsimula ang pasukan. December na agad.
Dumating ang Christmas party. Inuto ko si Gladys na magbigay kami ng gift kay sir. Nakisakay naman siya kaya pareho kaming nagregalo. Ang ineregalo raw nito ay handkerchief ng daddy nito na bagong bili pa sa ibang bansa.

Ako naman ay nagpaturong mag bake ng cookies sa kapitbahay namin na si Manang Rosalie,kaya ayun ang regalo ko.
Sabi nga ng kapatid ni ate Rosalie, "The way through a man's heart is through his stomach.".

Kaya naman pinag-igihan ko. Sobrang bawi naman nung nginitian ako ni sir Noel.



Then nung Christmas Eve, right before my mama and papa started cutting the cake, tinext kk din si sir Noel. Ang sabi ko lang ay, " Merry Christmas Sir Noel!!", at ganun din ang reply niya,may kasama pang smiley.

Sa ganoong simpleng mga bagay lang ay nakokompleto na ang pang-araw araw kong buhay.
Hanggang sa bagong taon na at itinext ko nanaman siya. Kay saya ko nung nagreply ulit si sir nang Happy New Year sa akin.






Kaya naman nung pasukan ay ganoon na lang ang lungkot ko ng malaman na nag resign si sir.
Ang bali-balita ay mag-aabroad ito. Hindi ko nga lang alam kung saang bansa.

Pilit kong tinitext ang number ni sir. Nangungumusta,pero wala. As in walang wala.

Ang pumalit sa kanya ay mga baguhang guro rin naman. Mababait din at magagaling magturo.

Mas pinag butihan ko ang pag-aaral. Kaya naman naging Valedictorian ako nung graduation. Inimbitahan ko si Gladys sa bahay namin dahil siya ang pinakabest friend ko.

Bago siya sunduin ng kanyang driver ay nag-usap kami sa labas ng bahay namin.

"Micah,kilala ko na kung sino ang crush mo..." Nakangiti ito sa akin at mapanuksong kiniliti ang tagiliran ko.

"Sige nga,sino?"

"Si sir Noel."

Napangiti ako ng malungkot.

"Lakas ng radar mo bes. Medyo mabagal lang magloading. Haha"
Mapaklang tawa ko.

Niyakap ako nito.

"Marami pang iba,gusto mo ipakilala kita?"

Nagkatawanan kami at nag-imagine kung paano kaya kung pwedeng bilhin sa mall ang mga lalaki at kung pwedeng ibalik kapag may damage.

Nung sinundo na siya ay napabuntong hininga na lang ako.

"Sana magkita pa kami. Siya kase ang first love ko,unrequited nga lang."



I'm Not A Girl, Anymore.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon