Chapter Twenty Six

1.7K 25 1
                                    

Married Life

ONE WEEK.


One week na akong si Mrs. Micah Jean Salazar-Martinez. One week na kami sa bahay na binili ni Noel na nasa kabilang dulo lang ng bahay ng mga magulang ko dito sa Lopez Heights subdivision. At sa one week na iyon, laging busy ang ASAWA ko.

Ang kasal namin na pinaghirapan naming i-prepare sa loob ng tatlong buwan, sa tulong ang bakla kong friend na si Jinky, ay naging maayos naman.

Maraming cash na natanggap, pero may mga kuripot din na nagbigay ng gifts. Anyway, wala namang kaso sa akin iyon dahil nalaman kong madatung pala ang ASAWA ko.

Ang ikinakainis ko, sa isang linggo na kasal kami, wala pang mangyayari sa amin. Bakit 'ka niyo? Heto at iki-kwento ko sa inyo.

Napagpasyahan naming hindi muna magtravel para sa honeymoon after the wedding. Kaya heto at pagka-alis namin sa reception ay kasama namin ang mga kamag-anakan namin, mula sa pamilya ni Noel na pamilya ko na rin, at sa pamilya ko. Namangha sila na si Noel pala ang nakabili ng isa sa mga pinakamalaking bahay sa Lopez Heights. Kaya ayun! sa bahay namin nakitulog ang lahat. Kasama na sa lahat ng iyon ang mga kaibigan ko mula pa sa Baguio. Talagang sinulit ang pagdayo sa Lumar City.

Gusto ko mang makipaglampungan sa asawa ko ay hindi ko magawa. Sa laki kasi ng bahay ay hindi naman pala soundproof ang mga kwarto. Kaya imbyernang imbyerna ako dahil maya't maya ang katok ng mga bisita namin para makipagkwentuhan. Kainis.

Kinabukasan naman ay inasikaso pa namin ang mga bisita, maging ang mga pamilya namin bago palayasin sa bahay. Pagkaalis nila ay saka lang sinabi sa akin ni Noel ang tungkol sa boutique na ipinatayo niya para sa akin. Ayaw kasi ng ASAWA ko na makihalubilo ako sa mga labas pasok na mga tao sa mga hotel at Condo. Baka raw mabastos lang ako. Pagbigyan na ang mahal ko, para nga naman sa akin iyon at isa pa, bongga ang boutique na itinayo niya, mini-mall lang ang peg. At doon naubos ang tatlong araw ko, sa pag- aasikaso ng mga paninda, business permit, at sa pagha-hire ng mga tauhan.

Matapos iyon ay akala ko, pwede na. Pero hindi parin! Paano ay nagkasakit ang anak ni Rosalie, yung pamangkin ni Noel. Na-confine sa ospital kaya hinalinhinan ko sa pagbabantay sa anak niya. Okay lang naman sa akin dahil naaawa akk sa bata. Mataas ang lagnat at namumula ang balat. Allergy pala ang sakit nito, allergic sa pulbo. Sensitive ang balat ni baby..

Ikalimang araw na pero virgin pa rin ako. Pagkauwi ni Noel ay computer agad ang kaharap nito at gumagawa ng tests para sa mga estudyante. Sa isang University na kasi ito nagtatrabaho, lumipat ito kase mas sanay nang maghandle ng mga graduating students. Kaya ako, nakatulog habang pinaglalawayan ang ASAWA konh hot na professor. And oh, kinabukasan ay ganoon nanaman ang siste ng lalaking ito.

Kahapon, umungot ako na gusto kong manood kami ng sine, showing kasi ulit yung movie ni Zoey Duetch na 'Why Him' , pero wala eh, pinaghintay niya ako sa bahay. Gayak na gayak ako pero natengga ang movie tickets na hawak ko. May teacher's conference sa Lumar University at inabot iyon ng hanggang alas otso y media. Nauna na akong natulog. Nakakasama ng loob. Hindi si Noel ang sinisisi ko, or kung sino pa man. Nakakainis yung timing.

Kakaligo ko lang ngayon at magpupunta na sana ako sa botique ng mapatingin ako sa side table ng bed. Naroon yung dalawang movie ticket.

Iti-next ko yung isa sa mga tauhan ko na wag nang magbukas ng botique ngayon. At pinapunta ko sa bahay namin ng ASAWA ko si Noreen. Yung pinaka- kavibes kong saleslady sa shop ko.

I'm Not A Girl, Anymore.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon