Micah
Narito ako ngayon sa bahay ni Gladys, yung bestfriend ko back in grade school days. May anak na siya, si baby Gideon na isang taong gulang na.
Nakakatuwa na sila ang nagkatuluyan ni Lorenzo, panganay na anak ng mga Benitez. Mabuti na lamang at naabutan ko siya sa bahay nila dahil madalas ang pag travel nila, nagkataon din na masyado pang baby ang anak niya kaya hindi muna sila nangingibang bansa lately.
"You mean to say, talagang kayo na ni sir? Ang tibay mo ha, Micah? Haha." tatawa tawa ito habang inihe-hele ang bata.
"Hindi ka ba masaya para sa akin? Nakamit ko na ang matagal ko ng pinapangarap?" pangungulit ko pa.
"Ewan ko Micah. Masaya ako para sayo, na hindi. Hati ang palagay ko sa lovelife mo. Akala mo ba hindi ko alam ang balita? Muntik ka ng mamatay sa kagagahan mo kay sir. Tama ba iyon?" pabulong na sermon nito. Napikit na ang mga mata ng baby niya.
"I know. And I learned from my mistake. Teka? Paano mo nalaman? Si mama ba ang nagsabi sayo?"
"Si Albert. Buti pa iyon, nagbago na at napakasipag. Kasundo ng asawa ko. Oo nga pala, kailangan mo ng trabaho ano? Ipapasok kita sa kakilala ni mommy Maitha. Ha? Naghahanap din kase sila ng officer para sa management ng condotel. Try mo lang bes, ha?" at talagang ibinuko pa ako ng damuhong iyon kay Gladys!
But keeping Albert's gossiping aside, hindi ko alam na makakahanap ako ng trabaho mula kay Gladys. Kaya sige, susubukan ko na ulit magtrabaho. Nakakahiya na kase kanila daddy Luis at mama Sarah na tambay ako sa bahay. Isa pa, sabi ni mama, kung seryoso ako kay Noel, kailangang panindigan ko.
"Sure, Glads. Ibigay mo sa akin ang address. Mag-aaply ako, bukas din." nakangiting sabi ko kay Gladys.
"Oh thank you! Hay, kinukulit na nga ako ng may-ari nang Condotel na iyon. Paano ay mga hemplak ang nagiging officer. Mga pabaya." nagising si baby Gideon at muli nanamang inihele ni Gladys.
I must say, motherhood suits her perfectly. Sana ay mag mature din ako katulad niya.
Halos magmukhang fangirl ng korean star si Gladys ng sunduin ako ni Noel sa bahay niya. Kanina lang sa loob ng bahay niya ay puro kontra siya sa relasyon namin, pero ngayon, grabe ito kung makatili at namimilipit pa sa kilig ng akbayan ako ni Noel. Halos ipagduldulan niya pa sa mukha ni Noel ang mga kagagahan ko noong elementary kami. Kaya naman nangapal ng tuluyan ang mukha ko sa pagkahiya. Hinila ko na nga lang papasok ng kotse si Noel kase more than thirty minutes na akong inilalaglag at ipinapahiya ni Gladys.
Habang nasa kotse pauwi ay halos hindi ako lumilingon kay Noel. Nahihiya ako, sa totoo lang. Pero siya na ang bumasag ng katahimikan ng kunin niya ang kaliwang palad ko at halikan ang likod niyon.
"Is it true? That you—"
"Yes. Please don't tease me. I feel stupid. Okay?" I snapped.
Nakakahiya! Si Gladys talaga!! Akala ko nag mature na, nakaka-imbyerna ang bibig ng talakitak na iyon!
"No, I'm not teasing you. Actually, kinikilig ako." nakangiting nilingon ako nito ng saglit. Patuloy lang ito sa pagmamaneho.
Hindi ko mapigilang taasan ito ng kilay.
"Ikaw? Kinikilig? Huh!?" pa-ingos na saad ko.
"Yeah, kinikilig ako. Kaya naman ngayon, ikaw naman ang gusto kong pakiligin, My lovely lady." okaaay! Dun palang havey na havey na eh.
Pero teka? Hindi naman ito ang daan pauwi sa Lopez Heights subdivision.
"Saan tayo pupunta Noel?" takang pinisil ko ang palad niyang nakahawak sa kamay ko.
"Somewhere romantic." muli niyang hinalikan ang likod ng palad ko.
May pumasok na ideya sa isipan ko.
"Noel, hindi pa ako handa. Mahal kita pero siguro naman makakapag hintay ang pagme-make love. A-ano, ahm.. Baka magalit na naman sila mama at daddy sa atin. Baka twelve hours na nila akong i-ground." nanginginig na ang mga tuhod ko. Hindi dahil sa pag-aalala, kundi dahil sa excitement.
Sinong niloloko ko? Kung hindi lang ako pag-iisipan ng masama ni Noel, baka ako pa ang nag-ayang magtanan na kami.
Nakalabas na kami ng lungsod ng Lumar at patungong Norte ang tinatahak na daan ng sasakyan. Kinakabahan na talaga ako, kasi nga excited. Mabuti na lang at maganda ang suot kong underwear, hindi nakakahiya. Isang simpleng yellow bell dress na hanggang mid-thigh ang suot ko na tinernuhan ko ng doll shoes na kulay beige. Simple ang ayos ko, pero maganda. Nangingiti ako habang iniisip kung paano huhubarin ni Noel ang dress ko mamaya.
Huminto kami sa isang beach resort. Medyo madilim at kakaunting ilaw lang na nagmumula sa ilang cottage na okupado ang nagbibigay liwanag sa daan.
Naglakad lakad kami hanggang sa huminto kami ni Noel sa isang may kalakihang cottage.
'Sabi ko na nga ba, ito na iyon eh! Mawawala na ng tuluyan ang virginity ko! Matutuwa si Jessa once na magawa ko yung mga sex tips na ikinu-kwento niya.'
Ngumiti ako kay Noel. Nakatitig ito sa akin at tila kinakabahan. Kaya naman inunahan ko na itong magsalita.
"Noel, alam mo naman na siguro na mula pa noong grade five ako, napapansin na kita...." tumango lang ito habang nakatitig sa akin at nakangiti. Ipinagpatuloy ko na ang sinasabi ko.
"At nung grade six ako, tuluyan nang nahulog ang loob ko sayo sa kabila ng agwat ng edad natin. Ngayon, kahit thirty ka na at twenty two pa lang ako— malapit na nga pala akong mag twenty three, haha. So, as I was saying, sa kabila nga ng age gap natin, ipinapangako ko sayo na gagawin ko ang best ko, to be matured enough at makasabay sa iyo. Hindi naman na ako bata. Kaya ko na ngang gumawa ng bata, kasama ka. At sa iyo ko lang gustong bumuo ng bata—" naputol ang sinasabi ko ng humagalpak ang tawa ni Noel. Hawak pa nito ang tiyan niya.
Nakakatawa ba ang sinabi ko?
Siguro mga one minute or higit pa bago tumigil sa kakatawa ang lalaking ito. Siya yata ang nababaliw ngayon sa aming dalawa. Huwag naman sana.
Pumormal ang mukha nito nang siguro ay napuna niyang hindi ako nakikitawa sa kanya.
"Micah, I brought you here 'cause I am the one who have something to say. Naunahan mo na kaagad ang drama ko." nawala na naman ang poise nito at natawa. Pinigil naman niya ang tawa niya nung taasan ko siya ng kilay. Aba, inaral ko kaya ang magkilay ng perfect angle noong nakatambay ako sa bahay. Ewan ko nalang kung hindi siya tablan ng kilay ko.
Pero ganoon na lang ang pagkahulog ng panga ko ng lumuhod sa harapan ko si Noel. Naluluha ang mga mata nitong nakangiti sa akin.
"Micah Jean Salazar, akala ko ikaw lang ang may kakayahang magpakilig sa akin. Pero kanina, nung sinundo kita mula sa bahay ng bestfriend mo noong grade schooler ka pa lang, pinakilig ako ng kaibigan mo. But then, oo nga naman, siya lang ang nagsabi ng mga kwento tungkol sa pagkahumaling mo sa akin, ikaw pa rin ang puno't dulo ng pagkabog ng puso ko...."
And then, ayun na... Inilabas niya na yung love box. Red velvet colored na ring box.
'Oh my God.
Ako na talaga!!! Buti na lang talaga maganda ang suot kong panty! Re-rape-in ko na si Noel ngayong gabi!!'
BINABASA MO ANG
I'm Not A Girl, Anymore.
Ficción General[COMPLETED] Hindi na ako bata. Mahal kita, at mamahalin mo ako sa ayaw at sa gusto mo Noel. Hindi kita 'kuya' at lalong hindi kita teacher lang. Ikaw ang mapapangasawa ko. Walang lokohan. 100% serious. Sir, I Love you!! Ako si Micah Jean Salazar. A...