Chapter Fifteen

1.6K 22 0
                                    

Micah

Alanganing napatingin ako kay miss Rosalie.

"Uhh, Miss Rosalie. I'm sorry for thinking the worst of you. Hindi ko alam na magkapatid kayo ni sir Noel." Sabi ko at hindi makatingin sa kanya ng diretso.

"Ayos lang Micah, ako nga pala si Rose, evil stepsister niya ako pero magkasundo na kami ngayon."

Marami akong nalaman kay Rose. Marami siyang nakakatawang kwento. At ngayon nga ay magkasundong magkasundo kami. Pareho kami ng mga ayaw at gusto.

Nalaman ko na rin kung sino ang lalaking nagwawala kanina at kung bakit sila nagkakagulo.

Nilalaro ko si baby Levi nung bumalik si Noel.

"Rose,ayos na. Hindi na kayo guguluhin ni Jefferson. Itinawag ko sa division niya at may mabigat palang kasalanan ang asawa mo. Makukulong siya Rose, may napatay siyang tao. Alam mo na siguro kung sino. Kaya mabuti nalang at nakapagtago ka kaagad. Malaya ka nang umuwi sa Lumar. Miss ka na ni m-mama." Hindi niya ako napansin dahil nasa loob kami ng kwarto. Tulog si baby Levi habang naglilinis sa labas si Rose.

Kaya nagulat ako nung pumasok ng kwarto si Noel at naghubad. Naka-topless ito sa harapan ko. Sarado ang ilaw pero naliliwanagan siya ng ilaw mula sa labas.

"Wag kang ganyan Noel,baka ma-rape kita. Katabi ko pa naman ang pamangkin mo."

Nakita kong nagitla ito at dali-daling lumabas habang isinusuot ng baliktad ang damit nito.
Narinig ko pa ang tawa ni Rose mula sa labas.



Kelan ko kaya mahahalay ang poging si sir Noel? Ahaha..kinikilig ako. Single pala at virgin ang mapapangasawa ko.

Thankful ako sa lahat ng info ni Rose. Magagamit ko iyon sa plano kong akitin si Sir!!








Noel

Nakauwi na sila Rose sa Lumar..
Iniisip ko kung dapat ay umuwi na rin ako,tutal ay mukhamg wala na akong aasahan kay Micah.

Ilang gabi ko na itong sinusundan at kung sino sinong lalaki ang nakakasama nito.

Hindi ko rin matanggal sa isip ko na may karelasyon itong married man.

Ang lalong ikinaiinis ko ay ang tila ba pang-aakit nito sa akin. Totoo namang nakakaakit ang dalaga pero hindi ko kayang tanggapin na magiging panakip butas niya lang ako kapag wala ang nobyo niyang matanda.

Tulad ngayon, naglalaba ito sa labas ng bahay. Nasa gilid ang laundry area pero heto at sa tapat ng bahay ko naglalaba. Basang basa na ang damit nito at hakab na hakab na ang dibdib sa nipis ng suot na sando.

Nag-iinit ang ulo ko pero mas nag-iinit ang libido ko. Bakit nagbago si Micah ng ganito? Nagagalit ako sa lahat ng kaibigan niya. Sa lahat ng nag-impluwensya sa kanya. Nagkaroon ako ng nobya noong bata bata pa ako pero ni minsan ay wala akong pinatulan sa kanila. At lalong hindi ako nagkanobya simula ng makilala ko ang bata pa noong si Micah. Paanong naging ganito kadumi ang dalaga gayong buong buhay niya ay inilaan ko na ang aking pagkatao dito? Naiinis ako,hindi pala, nagagalit ako.

Padabig akong pumasok sa apartment. Isinara ko ang pinto at mga bintana. Malakas kong binuksan ang tv sa sala at nagkulong sa aking kwarto. Kailangan kong magbawi ng tulog. Kaya ako nag leave ay para makapagpahinga. Pero napupuyat ako sa kakabantay sa pakawalang dalaga. Tss.








Kakabalik ko lang sa University ng mapansin ko ng bulong-bulungan ng mga estudyante. Lahat sila ay napapatingin sa akin. Medyo naiilang ako pero hindi ko ipinahalata. Pagpasok ko sa aking office ay kinantiyawan ako ng matatandang professor at maging ng ilang staff.

"Ano ba ang meron?" Tanong ko kay sir Lucas. Ang head ng department namin na sobra ang ngiti sa akin.

"Ikaw ha!? Hindi ka pa ba nakakadaan sa ground? Haha.
May nagpropose sa iyo doon. Bakit wala kang alam? Naku! Nagsisimula ng umulan oh!?"

Napatingin ako sa bintana at naambon na nga.

Nagmamadaling lumabas ako at tinakbo ang daan patungo sa school grounds.

At doon, bumulaga sa akin ang basamg basa na si Micah at mga kaibigan nitong nakasuot ng mga shirts na may "Will You Marry Me Sir Noel?"

Nablangko ang utak ko habang si Micah ay ngiting ngiting tumakbo palapit sa akin at yinakap ako.


What a shame?

I'm Not A Girl, Anymore.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon