5. The Secret Unfolds

4.4K 106 16
                                    




Walang nagawa si Andrea kundi ang tahimik na umiyak habang nagpapasasa sa mga labi niya si Salvador. May pinupukaw na init sa katawan niya ang paraan ng paghalik nito. May binubuhay na kilabot sa balat niya ang mga haplos nito.

Noong una ay nanlalaban pa siya. Ngunit katagalan ay nadadarang na siya sa mga halik at haplos nito.

Tama lang ito, aniya sa isip. Asawa ko na siya at wala na akong pagpipilian kundi ang isuko ang sarili ko sa kanya... Good-bye, Quin.

Ngunit bago pa man may mangyari sa kanilang dalawa ay binitiwan na siya ni Salvador. Bumangon ito at humihingal na naupo sa kama. Nakasabunot sa buhok nito ang mga kamay ng asawa niya. "Aaah!" impit na hiyaw nito.

Napabangon na rin siya. Kinakabahan siya sa ikinikilos nito. "Salvador, ano'ng nangyayari sa 'yo?"

Ilang pagsagap at pagbuga ng hangin ang ginawa nito bago nagawang sumagot. "I'm sorry, Andrea... Hindi ko agad naipagtapat sa 'yo na... na impotent ako."



PAGKAGALING nina Salvador at Andrea sa Shanghai ay bumalik na sila sa Maynila. Nagkaroon ng stopover ang eroplano nila sa Hong Kong ngunit hindi na sila nagpaiwan pa roon upang ituloy ang kanilang honeymoon.

Sa isang banda ay natutuwa siya na matuklasang impotent si Salvador. Ibig sabihin niyon ay hindi siya maaangkin nito. At kapag dumating ang araw na magkasundo silang maghiwalay, alam niya na hindi siya mahihirapang makuha ang kanyang kalayaan.

Marahil alam din ni Lolo Pedrito ang kapansanan ng kanyang asawa. Kaya siguro sinabi nito noon na hindi nito gagawin na ipakasal siya kay Salvador kung hindi iyon makabubuti sa kanya. Na maiintindihan din niya ito pagdating ng araw kung bakit pinakialaman nito ang love life niya.

Posibleng hindi lang ang matulungan ang pinansiyal nilang kalagayang maglolo ang objective ng lolo niya. Marahil gusto rin nitong tulungan si Salvador kaya ito nagpasya ng ganoon. At nabanggit nito na matagal nang malungkot si Salvador sa pag-iisa. Kaya ayon sa abuelo niya ay gusto rin daw nitong pakasalan siya.

Hitting two birds with one stone. Sana nga hindi kayo nagkamali, Lolo. But I doubt it.

Iniuwi siya ni Salvador sa napakalaking bahay nito. Nang maghiwalay sila ng lolo niya sa Hong Kong ay ipinasabay ito ni Salvador sa personal assistant nito sa pag-uwi sa Maynila. Sila naman ay tumulak nga sa Shanghai. Dalawang araw lang sila roon at umuwi na rin sila.

Nadatnan na niya sa malaking bahay si Lolo Pedrito. Napag-usapan pala nito at ng asawa niya bago sila ikasal na pipisan ito sa kanila. Ang bahay naman nila sa Pio del Pilar ay pauupahan na lang daw ayon sa lolo niya.

Kapansin-pansin ang pananahimik ni Salvador mula nang gabing matuklasan niya na impotent ito. Marahil napahiya ito nang husto sa kanya. Iniisip din niya na baka dahil doon akalain nito na maaga siyang magpa-file ng diborsiyo.

Noon pa lang na matuklasan niyang impotent si Salvador, nakadama na siya ng awa rito. Kahit wala siyang pagmamahal sa kanyang asawa ay hindi siya hihiwalay rito. Paninindigan niya ang kanilang sinumpaan sa harap ng pari.

Kailangan siguro nilang mag-usap nang masinsinan. Hindi nga lang niya alam kung paano sisimulan iyon.

Nakahanap siya ng tiyempo sa unang gabi niya sa malaking bahay. Katatapos lang nilang maghapunan noon. Nagkakape sila habang nasa garden set sa veranda.

Sila lang mag-asawa ang naroon. Ang lolo niya ay nagpaalam na maagang magpapahinga sa silid nito.

"Salvador, ilang taon na mula nang magdiborsiyo kayo ng unang asawa mo?" pagbubukas niya ng paksa.

Braveheart 17 Quinlan Ungpauco (Lost-cause Hero) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon