11. Perfect Honeymoon

6.5K 145 39
                                    


LUMIPAS pa ang mga buwan, nagpatuloy lang ang buhay para kay Andrea. Isang buhay na nawalan na ng kulay. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na magkikita pa sila ni Quin. Ngunit sa pagdaan ng mga araw natutuhan niyang isantabi na lang. Dahil habang patuloy siyang umaasa, parang lalong nagiging suntok sa buwan na magpakita pa si Quin.

Hanggang isang araw tinawagan siya ni Dondi. Mayroon daw itong sorpresa sa kanya.

“Anong sorpresa?” kulang sa interes na tanong niya sa kaibigan.

“A surprise courtesy of the internet,” enigmatic na sagot lang nito.

Nagduda kaagad si Andrea sa sinabi nito. “Naku, Dondi, baka inilagay mo na naman ang pangalan ko sa mga agency ng mail-order brides, ha? Tigilan mo na ako, please lang. Wala akong panahong makipaglokohan sa mga ganyan.”

“Ang sungit naman nito. I’m sure, matutuwa ka sa surprise ko. Basta mag-wait ka lang, okay?”

Ipinagwalang-bahala lang niya ang sinabi ni Dondi.    

Ilang linggo pagkatapos niyon, isang araw na pumasok siya sa opisina, nagtataka siya kung bakit pinagtitinginan siya ng kanyang mga kaopisina. Na inignora lang niya. Wala namang nabago sa ayos niya. Naka-office uniform pa rin siya. At iyon pa ring paborito niyang barette ang ipinang-ipit niya sa buhok.

Ilang saglit pa at lulong na siya sa pagiging abala sa trabaho. Lampas-alas-dose nang tawagan siya sa intercom ng department head nila. Iwan na raw niya ang kanyang trabaho at mag-lunch break na siya. And that she could take the rest of the day off. “That’s an order,” tila pabiro pang sabi nito. Bago siya makapagtanong ay hinatak na siya ng isa niyang kaopisina. Kumain na raw sila.

Ipinagtaka niya iyon. Sa buong panahon ng paglilingkod niya sa kompanya, noon pa lang siya inutusan ng boss na kumain siya ng tanghalian at umuwi na pagkatapos.

Tatanungin sana niya ang kaopisinang nanghatak sa kanya ngunit hindi pa man sila nakakarating sa elevator ay iniwan na siya nito. Mauna na raw siya sa canteen at susunod na lang ito. May kakausapin pa raw ito sa kabilang department.

Napailing na lang siya. Ang daming kakaiba nang araw na iyon. Na nadagdagan pa nang pumasok siya sa elevator at may iniabot na card ang operator sa kanya. Nagtatakang binuksan niya ang card. Computer-printed iyon. Nakasulat doon na dumiretso raw siya sa basement parking. Pirmado ang card ng boss niya. 

Kung hindi lang babae ang boss niya at may mga anak pa ay mag-iisip na siya nang hindi maganda.  

Pagtuntong pa lang sa basement sa labas ng elevator ay nakakita na siya ng mga nakasabog na petals ng rosas sa pavement na nakalinya. Para iyong isang mahabang pila. Curious na sinundan niya ang linya ng mga rose petals. Nagtapos ang linya sa tapat ng isang kotse. Kotse 'to ni Dondi, ah.

Noon bumukas ang passenger side ng kotse at sumungaw ang ulo ng kaibigan niya. “Ano pa’ng hinihintay mo riyan, Cinderella? Sumakay ka na sa karwahe mo.”

“Dondi, ano na naman bang kalokohan ito?”

“Hindi ito kalokohan. Nagbabayad lang ako ng utang.”

Kunot-noong tiningnan niya ito. “Utang?”

“Saka ko na nga lang ie-explain. Kailangan na nating makaalis dito.” Pinaandar na nga nito ang kotse.

“Kinuntsaba mo pa ang boss ko. Ano bang nakain mo para gawin ito?”

“Mamaya ka na nga magtanong. Baka makalampas tayo.”

“Bakit, saan ba tayo pupunta?”
Hindi siya sinagot nito. Nag-concentrate lang ito sa pagmamaneho. Panay ang sulyap nito sa dakong kanan nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Braveheart 17 Quinlan Ungpauco (Lost-cause Hero) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon