10. A New Girl

4.4K 124 35
                                    

“Tama ka, Andrea, divorce papers nga 'yan,” kumpirma ni Salvador sa mga papeles na iniabot sa kanya.

“Aba, bakit didiborsiyuhin mo ang apo ko?” pag-alma ni Lolo Pedrito.

“Ayaw ko sanang gawin ito. In fact, I’ve been mulling over it for quite sometime. Hanggang maaari sana  ayaw kong umabot tayo sa ganito, Andrea. I mean, you’ve been a good wife to me. Gusto ko na sanang isipin na magtatagal tayo. Pero habang tumatagal naman tayo, nakikita kong nahihirapan ang kalooban mo.

“Ayokong manatili tayong nagsasama kung ganito na hindi mo pa rin maialis sa sistema mo ang lalaking 'yon. Hindi sapat na wala kang ginagawang kataksilan sa akin. Importante sa akin 'yong kahit hindi mo ako mahal, matiwasay naman ang isip at puso mo sa pagsasama natin.

“Kaya ngayong tiyak ko na talagang nahihirapan ang kalooban mo sa pagsasama natin, mas mabuti na nga na maghiwalay na lang tayo.”

“P-paano ka?” Kahit paano may halaga rin ito sa kanya. Ayaw rin niya na lalaya nga siya sa relasyon nila pero mahihirapan naman ito.

“I’ll survive. Nakayanan ko nga 'yong paghihiwalay namin ng unang asawa ko. Ito pa kaya ang hindi ko makakayanan?”

Niyakap niya ito nang mahigpit. “I’m sorry, Salvador. Alam ng Diyos, gusto kitang mahalin. Naging mabuti kang asawa. Naging mabuti ka sa amin ni Lolo—”

“Sshh... huwag mo nang sabihin ang mga 'yan. Alam nating pareho kung ano ang napakalaking kakulangan ko. Pero huwag kang mag-alala, Andrea, kahit maghiwalay tayo, hindi na kayo maghihirap na maglolo. You’ll leave a rich divorcee.”

“Hindi ko yata matatanggap, Salvador. May trabaho naman na ako. Kaya ko nang buhayin ang mga sarili namin ni Lolo.”

“Kapag sinunod kita, sasama naman ang tingin ko sa sarili ko. Pabayaan mo nang ibigay ko ang talagang para sa 'yo. Kahit papaano naman, naging maligaya ako sa pagsasama natin. At gusto kong mapabuti ka, kayo ni Lolo Pedrito.”

Sa lahat ng napag-usapan nila ni Salvador ay hindi na nagawa pang tumutol ng lolo niya. Nararamdaman niyang nagsisisi ito at pinilit pa siyang ipakasal kay Salvador. Ngunit nagsawalang-kibo na lang ito.

Hiwalay na sila ni Salvador nang maisip ni Andrea na puntahan si Quin sa store nito.

Gusto sana niyang tawagan muna ang binata. Ngunit hindi niya alam ang cellphone number nito. Sinadya niyang hindi malaman iyon noon. Para na rin hindi siya matukso na patuloy na makipagmabutihan dito. At dahil pinoprotektahan din niya ang pangalan ng kanyang asawa.

Ngunit ngayong legal na ang paghihiwalay nila ni Salvador wala nang makapipigil sa kanya para makipagkitang muli kay Quin. Alam niya na matutuwa ito nang labis sa ibabalita niya.

Ang assistant lang ni Quin ang naabutan niya sa store. Kaya lang, kung ano naman ang saya at pananabik niya sa pagpunta roon at ang taas ng kanyang morale na bumalik sa lugar na iyon, ay siya namang panlulumo niya nang malaman ditong kaaalis lang ni Quin. Bumalik na raw ito sa Australia.

E-MAIL na lang sana ang pag-asa ni Andrea na muling makontak si Quin. Ngunit ilang beses na siyang nagpapadala ng sulat dito ay palaging failure notice lang ang bumabalik sa kanya. Hindi na naka-subscribe ang dating e-mail address ni Quin.

Noon niya na-realize na desidido na nga itong kalimutan siya.

Labis-labis ang panghihinayang niya. Bakit naman ngayon pa, Quin? Malaya na ako. Wala nang magiging hadlang pa sa pagmamahalan natin. Handa na akong mahalin ka nang buung-buo.

“Bakit ba malungkot ka na naman, apo?” tanong sa kanya ng lolo niya. Nakabalik na sila noon sa dati nilang bahay. Pansamantalang kasuno nila ang dating umuupa roon. Pumayag ang mga ito nang bumalik silang maglolo roon. Mananatili ang mga ito roon hangga’t hindi pa nakakakita ng malilipatan.

Braveheart 17 Quinlan Ungpauco (Lost-cause Hero) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon