Chapter 2- Room 107

7 1 0
                                    

"Miss, wait! Welcome ka dito! Naimpress mo ako!"

------

Nasisilaw ako sa sinag ng araw sa bintana ko.

Napahawak na lamang ako sa ulo ko sa sobrang sakit! HANGOVER! Shucks! Ano bang nangyari kagabi at nalasing ako ng ganito?

Bumalikwas ako sa higaan ko at nagulat ko ng may katabi ako! Wait bakit nga may katabi ako? Hindi ba si paolo to? Teka teka! Wala kami ng gagong yun! At sino nga ba to!?

Dahan dahan kong ibinababa ang kumot na nasa mukha netong katabi ko at ng nakita ko. Napaatras na lamang ako at nahulog na lamang sa kama.

"Araaayy" habang hawak sa balakang.

Masakit na nga ang ulo, at eto mahuhulog pa ako.

At mas lalong sumakit ang ulo ko ng makita kong wala akong saplot!!!

"Wait wait hindi pwede to!" Sabay hila sa kumot ko upang ipagtakip sa katawan ko

Iisa lang pala ang kumot namin, kaya naman nahila ko rin gamit na kumot nitong tao sa kama.

"Ahhhhh!!!"

Nagulat ang lalake at nagising na lamang sa sigaw ko.

"Bakit!? Anong nangyayare?" Ang sigaw rin nya.

Habang ang kamay ko naman at nakatakip sa mata ko. Dahil di ko Kayaang nakikita ko. Wala rin palang saplot tong lalakeng to!

Kinuha ko ang unan at pinaghahampas ko sa kanya! At sya naman ay kinuha ang boxer nya na nakalagay sa lapag at dali daling isunuot to.

"Anong ginawa mo sakin ha!? Pinagsamantalahan mo ako!!! Rapist ka rapist!!! Tulong tulong!!!" Ang sigaw ko

"Miss! Tumahimik ka!! At baka marinig ka ng kabilang room!" Ang sagot nya sakin

"At bakit hnde!!! Namamantala ka! Bakit ka ba nandito sa room ko!!! This is not yours!! Tatawag ako ng guard!!!" Saad ko.

"Miss kumalma ka nga, at pwede bang hinay hinay. Una, room mo ba talaga to? Pangalawa huwag ka kasing magpapakalasing ng hindi uminit yang katawan mo at hindi maghanap ng pagiinitan. Pangatlo, ikaw ang namantala sakin! At hindi ako!" Ang sabi nya

Anong pinagsasabi nitong lalakeng to!

"Anong pinagsasabi mo!! Kahit icheck mo pa ang room! Sakin to!!!"

Kinuha ng lalake ang isang card na nasa lamesa at pinakita sakin to.

"Oh ayan. Nakikita mo ba? ROOM 107! Right miss?"

Nagulat ako ng makita to. Omg!!! Bakit anong nangyayari sa sarili ko!

"Hinde!!! Hinde pwede to!!! Ughhhh!!!!"

Dali dali kong kinuha ang damit ko at nagtungo sa banyo upang magpalit.

"Kahit na!! Kahit na nagkamali ako ng pinasukan! Dapat hindi to nangyari! Dapat walang nangyari satin!" Ang sabi ko habang nagpapalit dahil sa lakas ng boses ko at nageecho ito sa banyo, maririnig mo ito sa labas.

"Miss sabi ko nga, ikaw ang namantala sakin. Ikaw kaya unang humalik sinabayan lang kita" rinig kong sagot ng lalake sa labas.

Ughhh!!! Naiinis ako sa sarili ko ngayon!!!

"At parang nagenjoy ka naman kagabi ah, hindi ko nga inaasahan na ganun ka gumalaw. Mukha kang inosenteng babae!" sabay halaklak nya.

Tapos na akong magpalit at dali dali akong lumabas ng banyo at ng makalabas na rin sa impyernong room na to!

Impyerno ba? Parang langit kasi ang nagyari kagabi. Ay nako nako tumigil ka nga Isabelle!

Binilisan ko ang pagpihit ng door knob at itinapon ko ang hawak kong sabon na nakuha nakuha ko sa banyo.

"Oh eto!!! Magsabon at maligo ka ng mahismasmahan ka! Mandiri ka nga sa sarili mo!!"

Sabay labas na rin sa kwarto dahil magkalapit lang ang labasan ng kwarto sa pintuan ng banyo.

Para akong kabayo sa bilis ng takbo ko hinahanap ko kung saan ang kwarto ko. Bat ba ba kasi ako napunta sa lugar na yun!

"Miss, wait! Welcome ka dito ha! Naimpress mo ako!"

Ang pagkarinig ko sa lalakeng yon habang papalayo sa kwarto nya.

At ng mahanap ko ang kwarto ko pinasukan ko agad yun gamit ang card na nasa aking bulsa.

Diretso ako sa kama ko. At humiga.
Napabuntong hininga na lang ako.

"Hays, ang ganda naman ng bungad ng umaga sakin!"

Nagisip-isip ako kung ano bang nangyari sakin kagabi at yun naalala ko! Talaga ikaw Isabelle! Kung di ka ba naman tanga pasok ng pasok ng room ng iba di mangyayari sayo to!

At naalala ko rin na yung lalake na pumigil sakin kahapon sa pagtapon ng singsing, si kuyang pakelamero ay sya rin yung nasa kwartong pinanggalingan ko kanina.

Pumiglas piglas ako sa kama ko sa inis haysss!!!

Ano na nga bang pangalan nun?

"Ah!!! Naalala ko na! Lance Dawson ang pangalan!"

Kinuha ko ang cellphone ko at dali daling chineck ang account nya sa Facebook. Pagkasearch ko ang clinick ko agad ang Isang page dahil wala namang account ang kumabas at etong page ang bumungad sakin. Wow page talaga ha, at madaming likes almost 10k. Sikat pala to! Infairness! Ang pogi ah!!! Model pala ang naka-one-night-stand mo Isabelle. Sikat sya dahil isa syang model ng isang magazine. At mukhang chickboy dahil sa nakikita kong news nya na makuntento sa girlfriend.

Pero di parin maaari!!! Nakuha lang kasi ng hindi ko kilala ang virginity ko. Yes, I'm still a virgin bago may nangyari samin nung Lance na yun. Kaya nga pinagpalit ako ng fiancé ko dahil diko maibigay ang gusto nya. Ang gusto ko kasi ay after wedding. Pero di nakapag antay ang isang ulo. Nanigas at ayun. Naghanap ng papasukan.

Tama na nga to, inistress ko lang sarili ko.

Gusto ko pang matulog.

Chineck ko ang oras. Its 9:57 am. Inoff ko na ang phone ko at inilapag sa mesa na nasa tabi ng aking kama at ipinikit na rin ang aking mata.
---
Whats up guys? Hihi

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon