Chapter 8- Get together

2 0 0
                                    



Isabelle's POV

"Its farm day!!!"

"Wake up! Wake up!"

At sabay akong niyuyugyog nitong si Mona. Napakaingay talaga nitong bestfriend ko na to pero kahit ganyan lab na lab ko sya.

"Oo na oo na! Eto na nga oh gising na ako. Ke aga aga ang ingay mo" sabi ko sa kanya

"Anong oras na kaya? Mag-7 na! Ikaw mismo nagsabi na maaga tayo ngayon noh" habang nagsasalita sya pinapakealam na nya ang damit ko. Para bang naghahanap kung ano ang isususot ko

"Oh eto!" Sabay ipinakita nya sakin ang isang croptop na puti at highwaist na maong.

At kinuha nyaang Jordan shoes ko na matte black.

"Yan! Yan ang isusuot mo!"

"Huh? Bakit yan napakasexy naman nyan" ang sabi ko

"Parang di ka naman nagsusuot neto! Yan nga ang pormahan mo eh"

"Sige na sige. Maliligo lang ako"

"Bilisan mo Isabelle Cameron! At naghihintay na sila Ken dyan sa labas!"

Napahinto ako sa sinabi ko. At tumingin ulit kay Isabelle.

"Eh si..???"

Pinutol nya agad pagsasalita ko

"Wala pa sya. Susunod na lang daw at magpapaalam muna sa Board officers nila. Magleave din daw sya ng 3days dito din daw magstay sa resort nyo"

"Wtf? Grrr! Yan na nga ba yung sinasabi ko"

"But wait! Kasama nya yung nililigawan nya ata?"

"Ahh. Good for him" ang sabi ko

"Oh bakit parang nalungkot ka?" Si mona

"Ako? Duh. Bakit ako malulungkot! Buti nga nakahanap na sya eh"

"Sus! Halata sa mukha mo oh! Mahal mo pa si Cy noh?"

"Pinagsasabi mo! Tumigil ka nga"

"Okay lang yan. Nandyan naman si Lance. Partner mo mamaya yieee"

Sabay nyang kiniliti ang bewang ko

"Che! Tumigil ka nga Mona. Maliligo na ako"

Sabay tinulak nya ako sa banyo.

"Go! Bilisan mo!"
---
Mona's POV

Parang mahal parin ni Belle si Cy kita sa mga mata nya.

Pero mas bagay na bagay sila ni Lance at mas boto pa ako sa kanya.

Ay wait! Pupuntahan ko pa pala yung lalakeng yun. Ako rin pipili ng gagamitin nya para couple sila ni Belle! Yieeee!

"Belle! Wait lang ha. May pupuntahan lang ako. Antayin ka namin sa labas" sigaw ko sa pinto ng cr ni Belle

"Oh sige. Kita kits na lang mamaya" rinig ko sa kanya

Dali dali akong nagtungo sa kwarto ni Lance.

Tok tok tok!

"Lance!!! Ready ka na ba? Si mona to!!"

"Uhmm oo wait lang ayusin ko lang gamit ko"

Paglabas nya nakahalf shorts sya ng maong ma bagay na bagay tingnan sa kanya kasi maputi sya and nakapolo sya ng puti na parang kay Belle sa pangitaas. Ang sapatos nya tulad na tulad rin kay Belle na jordan Black! Hindi ba sila magsyota neto? pareho na pareho ang taste nila sa pananamit ha!

"Perfect!!! Buti na lang! Tara na! Dun antayin natin si Belle"

"Anong perfect?" Si lance

"Ah wala! Ganda ng damit mo kako!"

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon