"Oo payag akong ligawan mo ang anak ko"
Isabelle's POV
"Good morning. Rise and shine! Let's have breakfast :)" 7:30am
Yan ang nabasa ko ng pagopen ko ng phone ko. Pagscroll ko ng phone paibaba nakita ko si Lance pala ang nagtext.
Ngumiti na lamang ako at ibinalik ang phone sa mesa tabi ng lampshade ko na gawa sa ratan.
Pagtayo ko dumiretso ako ng banyo upang maghilamos at magtoothbrush.
Pagkatapos ko, bumalik ako sa higaan ko at umupo. Kinuha ko muli ang cellphone ko at nireplyan si Lance ng smiling face.
To Lance:
:)
Ipinatong ko uli ang Cellphone ko sa lamesa.
Habang nagaantay ng reply nya, sinusuklayan ko ang buhok ko.
Biglang may kumatok. Sino naman kaya yun?
"Sandali lang" ang sigaw ko
At inipitan ko ng bun ang buhok ko.
Tumayo at nagtungo sa pintuan.Pagopen ko, si Mommy lang pala.
"Oh mom, good morning" sabay beso sa kanya
"Parang ang ganda ng umaga mo nak ah?" Si mom
"Bakit mo naman nasabi My?" Sagot ko
"Ang blooming mo kasi. Yiiieee! Sino ba rason nyan?" Sabay kiliti sa bewang ko
Tumawa na lang ako
"Itong si Mommy, kung ano ano pinagsasabi."
Narinig kong tumunog ang phone ko, isang message yun dahil saglit lang ang tunog at narinig din ito ni Mommy.
"Sus kunwari ka pa! Ayun na nagtext na sya oh" si mommy habang tumatawa
"Mommmmm" gigil kong sabi
"Oh sya! Tara na sa kubo, magalmusal na tayo. He cooked for us, niluto nya yung specialty nyang Tapa."
Tapaaa, my favoriteeee! Bigla tuloy akong nagutom
Tumalikod na sakin si mommy, magsisimula na sana syang lumakad ng nagsalita ako.
"Lance?" Ang sabi ko
"Oh bakit? Para kang nagulat sa sinabi ko?" Si mom
"Bakit naman gagawin ni Lance yun?" Tanong ko kay mommy
"Aba ewan ko, nagulat na lang rin ako nung naghahain na sila ng daddy mo sa kubo. Tinuruan yata ng Dad mo magluto ng mga seafoods dish si Lance. Bakit anak?" Sagot ni mommy
"Ah wala mom, sige sunod na ako"
"Dalian mo. Kanina pa sila nagaantay dun. Ang tagal mo kasing magising" si mom
BINABASA MO ANG
My Destiny
RomanceHi, since this is my first story i'll do my best(est) to give you a memorable and interesting story. Naisipan kong gumawa dahil sobra po akong fan ng aking magiging cast nito. Makikilala nyo rin sila! Hope you will enjoy!!! Ang storya nito ay may Is...