Chapter 7- Lance

1 0 0
                                    

"Hindi naman talaga sya mahirap mahalin. Nung una ko nga syang makita, bumilis ang tibok ng puso ko. At sinasabi ng utak ko. Sana sya na nga"

----

Lance's POV

At andito ako ngayon sa room na pinagstayan ko. Si mona kasi susunod daw kay Belle dahil matagal na tagal na rin silang di nagsama. Kaya ayun hinayaan ko na ang madaldal na yun.

Nakakapagod pero worth it itong vacation na ito. Parang binigyan ko rin ng break ang sarili ko sa lahat tulad ni Belle. Kung ako rin mangyari sakin yung nangyari kay Belle, kailangan ko talaga ng ganito. Yung pahinga malayo sa mga sakit.

Napakaganda at nakaka amazed nga talaga ang Resort na ito. Napakahospitable ng mga staff ganun na rin ang mga ibang guests. Kaya naman stress-away nga talaga.

It's already 6:oo pm. Pero wala parin akong nakikitang anino ni Isabelle, baka nga nakatulog na yun. Dahil pagod rin sa byahe.

Para maaliw ako pumunta ako sa bar ng resort na ito. Balita ko kasi every night may live band dito.

10minutes na paglalakad mula sa kwarto ko ang layo ng bar.

Andito palang ako sa labas naririnig ko na ang...

"Ikaw at ako. Ooohhh ohh ohh

Kahit pinagtagpo

Ikaw at ako. Ooohhh ohh ohh

Di na muling magkakalayo"

Ikaw at Ako ni Tj monterde.

Isa sa mga paborito kong kanta. Pumasok na ako sa bar at napakarami namang tao. Parang wala pa akong mauupuan neto. Kaya naman tinapos ko lang ang Kantang "Ikaw at Ako" lumabas na lang ako.

Napagpasyahan kong pumunta sa tabing dagat. May malaking kahoy dito na pwede mong pagupuan maririnig mo lang ang agos ng alon.

Iniisip ko parin si Belle, kung nasaan na ba sya. Mag 7 na pero diko parin sya nakikita.

"At bakit mo naman sya iniisip Lance? Wala namang namamagitan sa inyo" ang sabi ko na lang sa sarili ko.

Hindi talaga deserve ni Belle na saktan at lokohin sya. Kung ako ang lalakeng yun hindi ko na sya papakawalan. Napakaganda at napakabait nya. Kahit na minsan umaandar ang pagkasungit nya.

"Hindi naman talaga sya mahirap mahalin. Nung una ko nga syang makita, bumilis ang tibok ng puso ko. At sinasabi ng utak ko. Sana sya na nga"

Nagulat ako sa sinabi kong yun.

"At sino ang hindi mahirap mahalin? Aber? Sino sino?"

Rinig ko mula sa likod ko. Nagulat ako at napatayo upang harapin ang taong nagsalita.

"Ikaw lang pala Mona! Akala ko kung sino na. Wala wala yun. Nevermind. So bakit ka andito?" Sabi ko

"Halika na!!! Naghihintay na si Isabelle satin dun. Let's have dinner with Tita Bella and Tito David. Kanina pa ako naghahanap sayo. Bakit ka pa andito? Ang dilim dilim dito at malamok pa"

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon