Chapter 4- Friends?

5 1 0
                                    

"Can we be friends?"

----

Halos isang oras din akong nagbabad sa bath tub dahil sa pakiramdam na nadun parin yung alak sa katawan ko.

It's 5:00 pm, I need to unwind again myself. Pupunta na naman ako taas ng barko upang maaliw naman ang sarili ko at abangan ulit ang paglubog ng araw.

Sa 3 araw kong pagbyahe dito, yun lamang ang aking ginagawa sa ganitong oras. Inaantay ang paglubog ng araw, nakakamanghangka kasi dahil sa kulay neto.

Mas pinili ko kasing bumyahe sa barko kaysa sa eroplano, mas nararamdam ko ang bakasyon ko sa ganitong paraan.

Ikatlong palapag ng barko ang rooms dito, at sa pinakamataas na palapag ang pinupuntahan ko. Limang palapag lang kasi itong barko.

Sa wakas, buti at naabutan ko ang paglubog ng araw. Napakaganda nga naman talaga!

Habang nakaupo rito sa swimming pool area, umorder ako ng redwine.

Wala pang minuto may nagabot na sakin ngunit hindi ito uniprome ng isang crew. Nakayuko ako at nakita ko ang gamit nyang tsinelas. Oo tsinelas lamang. At dahan dahang tiningnan sya paitaas. Ito naman ay nakahalf shorts lamang ng black at nakahawaian shirt ng kulay asul na hindi naibutones ang dalawang butones nito sa itaas kaya makikita mo ang dibdib nito. Pagtingin ko ng kanya,

"Ikaw na naman! Hanggang ba naman dito!"

Ngumiti lamang sya. At inabot ang red wine na inorder ko muna sa service crew.

"Napakasungit mo talaga. Ang aga mo para sa sinabi kong oras sayo huh. Excited ka sigurong mameet ako?" Ngiting ang yabang

"Huh? Anong pinagsasabi mo? Hindi ako nandito para sayo. At ang kapal naman ng mukha mo para naman sabihin mo yan!"

Napakayabang nga naman talaga. Sarap itapon sa kanya yung hawak nyang red wine.

"Chill Miss. Wag kang masyadong nagsusungit. Nakakapangit kaya yan"

Who cares? Duh.

"Oh eto wine, let's unwind. Samahan kita kung gusto mo lang naman?"

Hindi na lamang ako sumagot at sa kapal nga ng mukha nya umupo sya sa tabi ko.

"Lance nga pala. Lance Dawson"

At inabot ang kanyang kamay. Tumango na lamang ako at hindi ko inabot ang kamay ko.

"Ikaw hindi ka ba magpapakilala?" Ani nya

Tahimik parin ako. Nasa bibig ko lang itong wine glass at hindi ko tinatanggal para wlang rason para makipagdaldalan sa kanya.

"Stress ako sa work, kaya eto gusto ko munang bigyan ng pahinga ang sarili ko. Magbabakasyon ako for 1week sa Costa Bella. Alam mo yun? I think you know kasi kilala yun dito sa pilipinas"

Wow. Sa resort pala namin sya magi-stay. Yes may resort kami. Maliit nga lang pero sa ganda kasi ng view and spot nya. Madaming turista ang dumadayo rito. May farm rin kami na kalapit din ng beach. Nandun ang mga Atvs, Rock climbing, Mini Zoo's, ziplines at madami pang iba. Matagal na rin itong beach namin. Baby palang daw si Mom meron na to, pero hindi pa kilala nun. Inayos at mas lalong pinakaganda nila Mommy. Nung sila na ang namamahala. Alam nyo naman? Both architects at lalo na kilala sila. Kaya yun, mas lalong dunadami ang guests ng resort. Sa sobrang sikat nga nila Mom, yung mga turista dun. Sa kanila nagpapicture. Dahil sa sobrang kilala sila.

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon