Chapter 9- Falling

0 0 0
                                    

"Kisspirin lang gamot neto"

----
Isabelle's POV

Nandito na kami sa resort. Matapos ang nangyari kanina parang kinamumuhian ko na si Cyrus na ayaw ko sanang makarating sa puntong yun.

"Kunin ko lang yung medicine kit, dito na muna kayo" sabi ko kila Lance at Mona

Kinuha ko ang ice bag sa medicine kit at nagtungo sa kusina upang lagyan ito ng ice.

Dali dali akong bumalik pagkatapos kong kunuha ng yelo.

Umupo ako sa harapan ni Lance upang idampi sa labi nya itong icebag.

"Masakit parin ba?" Tanong ko

"Sabi ko nga sayo, wala to. Okay lang sakin" sagot nya

"Wag ka nga alam kong masakit yan. Ang laki ng pasa oh" sumbat ko

"Kisspirin lang gamot neto" bulong ni Lance pero narinig parin namin.

"ANO!!???" Sabay kaming nagsalita ni mona at nanlaki ang mga mata namin sa kanya.

"Huh? Wala! May sinabi na ako?" Sabi naman nya.

"Diba may sinabi sya?" Tingin ko kay Mona

"Oo! Kisspirin yata yun?" Sabi naman ni Mona

"Oy! Oy! Wala akong sinasabing ganyan!" Sabay tawa ni Lance

"Tingnan mo natatawa ka pa!" Si mona

"Nevermind! Go to your room na muna Lance, at magpahinga ka. Magluluto lang ako for lunch" sabi ko

"So anong gusto nyo?" Dugtong ko

"Totoo ba yan?" si Lance

"Oo naman Lance! Nagluluto rin yan. Sabihin mo adobo, yan specialty nya" rinig kong sinabi ni Mona

"Okay! Adobo listed. Anymore?" Sabi ko naman

"Wala wala, yun na lang. Mahirap na kapag maraming putahe. Baka diko alam mamaya ang pipiliin ko" sabi naman ni Lance

"Okay, see you later. Pahinga ka na muna. Papatawag na lang kita kay Mona later." At umalis na ako kinauupuan namin.
---

Lance's POV

Nandito parin kami ni Mona sa kinauupuan namin.

"Nagluluto rin pala sya?" Tanong ko kay Mona

"Ay oo. Specialty nya yung adobo, check mo ang Menus nitong restaurant may nakalagay "Adobo ala Belle" na secret recipe nya. Hindi nya yan shineshare kasi gusto nya walang tutulad sa adobo nya. Ay! Kapag yun natikman mo baka makalimutan mo pangalan mo" sabay tawa ni Mona

"2years ago,nagwork kasi si Mona. Dinarayo rin ang adobo nya nito. Sobrang sarap kasi. Bago sya nagwork sa Manila. Sila ni Tito David ang cook dito. Kaya sobrang dami ring turista dito. Lahat sila di mawawala ang order na Adobo. Lahat kami favorite ang Adobo ni Belle. Basta! Sobrang Sarap!"dugtong nya

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon