Chapter 12- Date

3 0 1
                                    

"Kapag okay na ang puso ko, yung wala ng bahid na sugat. Susubukan ko, susubukan ko muling magmahal... pero sa tamang tao na"
----

"Ate! Wake up! Si kuya Lance nagaantay na sa labas kanina pa, may date daw kayo! Yieeee!" Sabay kiliti sakin ni Nid.

"Ate! Ano ba!? Hindi ka ba magaayos!? Sabihin ko na kay kuya Lance na di ka makakapunta!?" Si Nid

Nagising ang dugo ko sa sinabi ni Nid. Umupo ako sa higaan at bahagyang kinakamot ang mata ko.

"Oo na! Eto na nga! Maliligo na ako, 15mins sabihin mo kay Lance" inis kong sabi

"Faster then! Lalabas na ako!" Si Nid

Dumiretso na ako sa Cr upang naligo. 5minutes lang ang itinigal ko sa CR. At dali daling pumunta sa walk-in closet ko. Umabot pa sa 10mins ang paghahanap ko ng damit dahil wala akong magustuhan. Sa pinakadulo ng robe ko nakita ko ang Halter dress na favorite ko. Kulay itim ito. Pagkakita ko neto hinugot ko agad. Above the knee ang dress na ito at fitted sakin. Open ang likod neto kaya kitang kita ang likod ko. Ang harap naman nya ay napakasexy na ang tatakpan lang ay ang aking hinaharap. Malaman din ang hinaharap ko kaya magandang tingnan sakin itong dress na ito at lalong nakakaputi.

Pagkasuot ko ay umupo na ako sa make up mirror ko at saka blinower ko ang buhok ko. Ng matuyo ito kinulot ko ang bahagyang baba lamang ng buhok ko. Mahaba ang buhok ko ,abot hanggang sa pwet ko na ito. Ayaw ko kasing pagupitan dahil sa mahirap pahabain.

Pagkatapos ko naman sa buhok ko, nagmake up lang ako ng light, lip and cheek tint lang ang gamit ko dahil parang natural lang tingnan pra sakin ito at dahil ayaw ko ng full make up dahil parang clown ang tingin ko sa sarili ko.

Papalabas na ako ng kwarto ng makalimutan kong magpabango.

Kinuha ko sa closet ko ang hindi ko pa naoopen na pabango. UVersace ang brand ng pabango ko yun lang ang natatanging pabangong gusto ko.

Pinapabanguhan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa, kulang na lang mauubos na ang pabango ko dahil sa walang hintong pagspray. Naalala ko palang kanina pa nagaantay si Lance sa labas.

Pagpihit ko ng door knob, nasisilayan ko na sila Mom at Dad na nanonood ng Tv sa sala. Nasa ibaba kasi ang kwarto ko. Dahil napapagod ako kapag sa itaas ako natutulog.

Paglabas ko, nagulat silang lahat sakin. Para bang nakakita ng multo.

"Bakit? Anong problema sakin? Mukha ba akong clown?" Sabi ko sa kanila

"Anak ba natin yan Dad?" Si Mommy

"Mom naman! Wag kang magbiro ng ganyan, ano? Pangit ba? Hahys. Magpapalit na nga lang ako" papasok na ako ng pinto ng bigla akong pinigilan ni daddy

"No anak, you're so beautiful! Nagulat lang kami dahil ngayon ka lang nagdala ng ganyan. Ang ganda ganda ng panganay namin! Subukan ka lang talagang saktan ng Lance na yan. Makikita nya" si dad

"Totoo dad? Di ako mukang ewan neto?" Tanong ko

"No! You're beautiful ate!" Sigaw ni Nid sa itaas

At ako naman ay tumingala sa itaas. At ningitian ang kapatid ko

"Ang bango bango mo pa! Abot hanggang kwarto ko!" Si nid sabay tawa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon