Chapter 5- Home

17 1 0
                                    

"Is this your fiancé? Ang pogi nga naman oh! Bagay kayo nak"

----

Its 7:00 am and Yes! Andito na rin kami sa Terminal. Lahat ng pasahero nagbabaan. Pababa narin ako ng may narinig akong sigaw ng pangalan ko.

"Belle!!! Isabelle!!!"

Lumingon ako at hinanap ko kung sino yun at ayun si Lance. Sya pala. Akala ko naman na kung sino. Napahinto ako sa lugar ko.

"Wait for me" sigaw nya

At inantay ko naman sya.

"Pwede ba akong sumabay sayo? Tutal uuwi ka rin naman sa beach nyo." Sabi nya

"Oo naman sige. Pero antayin natin yung service ko na pinadala ni Mommy dito, papunta palang kasi. 1 hr ang byahe pa nun. Kung gusto mo punta muna tayo dyan sa bayan, may bibilhin lang ako pasalubong kila Mom" sagot ko

"Ay sige sige, gusto ko yan. Pero mag almusal muna tayo nagugutom na kasi ako di na ako kumain dyan sa barko" ani nya

Tumango na lamang ako at sumabay na kaming bumaba. Nagtungo kami sa kalapit na food chain. Pumasok kami sa Mcdo. Dahil dun ang napagpasyahaan namin.

"Ikaw anong gusto mo belle?"

"Mc caffe na lang at pancake pra sakin" at sabay abot ng pambayad ko.

"Hindi na, ako na magbabayad. Maghanap ka na lang ng mauupuan natin dun at antayin mo na lang ako" ang sabi nya

At sinunod ko naman sya, naghanap hanap ako ng mauupuan namin at ilang saglit pa lang yun may nahanap ako sa bandang dulo, para sa dalawang tao lang talaga kinuha kong table.

After 15minutes, nandito na rin si Lance kasama ang inorder namin.

"Oh eto sige na kain ka na" sabi nya

"Maupo ka na rin sabay na tayo" sabi ko

Umupo na sya sa harap ko ng tumunog ang phone ko.

Mommy's calling.

"Hello belle, where are you na?"

"Mom, andito ako sa bayan. I'm having my breakfast. Diba isang oras pa naman bago dumating yung service ko? Antayin na lang namin dito."

"Sige nak, we'll wait you here then. Excited na si daddy mo namimiss ka na din daw nya"

"Sige mom, see you soon. Love you"

Call ended.

"Ang sweet nyo naman magina" - Lance

"Ganun talaga kami" sabay tawa

30mins natapos din kaming kumain at nagtungo kami ni Lance sa bayan ng makabili ng psalubong.

Bumili ako ng cake na favorite ni Mom. Yung brazo de mercedes. Ang sarap kasi naman talaga neto.

After 30minutes nandito na rin ang service namin.

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon