#CHAPTER 2

6.1K 65 1
                                    

BTBH BOOK 2 (His Heart Or Mine?) #CHAPTER 2

Celestine's POV


Nandito ako ngayon sa kwarto.
... 8AM palang. Wala akong balak gawin ngayong araw na 'to. Balak ko pa ngang magising ng tanghali eh. Hays. Kaso, eto nga, nagising ng sobrang aga. Napabuntong hininga nalang ako matapos eh nagsuklay at bumaba na para kumain, mejo nagugutom narin kasi ako.


***


Habang pababa ng hagdan, may narinig akong pamilyar na boses na kasalukuyan namang kinakausap ni Dad.

Binilisan ko naman agad ang lakad ko at sumilip sa living room. Ethan? I folded my arms at lumakad papalapit sa kanila, Ethan noticed me first then napatitig sya kaya naman napatingin rin si dad,


"Good Morning Celestine." Nginitian ko si dad, "Good morning," and then I turned my head to Ethan, "Good morning, Ano ginagawa mo dito?"


And then all of a sudden may pumasok sa isip ko. Paano ko kaya pinakilala si Ethan kay dad? Since may 'ginawa' na kami, surely gusto sya ni dad diba?

"To take you for lunch sana kaso napaaga ata," Tumango tango ako at naupo sa tabi nito matapos ay umiling iling. Tumingin ako kay dad, "Dad, how did I introduce him to you?"


Napahinga ng malalim si dad, "Let Ethan do the talking, let him tell you everything. Ethan?"


Biglang napaupo ng maayos si Ethan,


"Ha? Ah, Yes sir," I looked at him at napataas ang kilay ko, bakit sya kinakabahan?


"Well you see.." napatingin si Ethan kay dad pagkatapos eh ibinalik ang tingin sakin, "You introduced me to him and he accepted me.. Pero.. Your dad didn't like me for you.. But, he had a reason. At 'yun eh, palagi kitang sinasaktan and you tell him about it.. Pero, I promise, kaya kong magbago, just.." he held my hand tight, "Give me the chance to prove myself.."

I feel him sincere with his words. I looked at dad. Pagkatapos eh ngumiti, a sign to signal agreement. Tumango si dad at ibinalik ko ang tingin ko kay Ethan.


I stared at him. At his sincere eyes. He smiled at me at nagpasalamat kay dad. I agreed because something tells me that I love him. And.. Ewan. Gusto ko lang makilala.. Ang taong.. 'Mahal ko'.

***


"Saan tayo pupunta?" taas kilay kong tanong habang ikinakabit ang seatbelt.

"Saan mo ba gusto?"

"Kahit saan,"

"Walang kahit saan dito," napasimangot ako at napaisip. Ah okay.

"Kung saan tayo nag da-date dati, dun' nalang," nakangiti kong sinabi at ngumiti naman sya.


"Fishing it should be."


Fishing? We go fishing pag nag-da-date kami? Tss. Weird. Pero I find it cute, kahit na ewan. I have to do this to solve the puzzle. Yung puzzle na bumubuo sa nakaraan ko. Ang puzzle na dapat mabuo ko para maharap at maintindihan ang kasalukuyan.

Jacob's POV


Damn. Naunahan ako ni Ethan. Sayang naman, nagluto pa ako. Tss. Picnic sana. I've already explained to Tito everything. Yes, he was angry at first pero, kumalma rin sya nung sinabi ko na ano..


Teka, may tumatawag.


"Hello?--No--Cancelled--Wala, naunahan ako eh--Next time nalang--Oo, tuloy ang plano pero not today--No, don't disturb them, there's a time for such a plan--Oo naman ikaw kukuhanin ko--Yes--Okay--Bye"

Anong plano ang binabalak ko? Ewan. Let's just say na, malalaman nyo 'rin sa nararapat na panahon.

***

Ethan's POV


"Hey! You got another one!" tuwang tuwa kong sinabi habang
pinapanood si Tine, "You're starting to get it.. Again."

"Ako pa," naka-smirk nyang sinabi at pumalakpak para sa sarili.

"Ofcourse I know you can do it.." malambing kong sinabi at ngumisi, "Pero mas magaling ako sa'yo.."

Napamewang sya at sumimangot, "Wala ka pa nga'ng nahuhuli eh," sabay turo sa rod ko na hawak.

Napatawa ako, "Syempre, hinahayaan ko silang mahuli mo." Hinampas nito ang braso ko at natatawa naman akong umaray-aray.

"Aray ka jan," nakangisi nyang sinabi at ngumiti naman ako, "Di naman masakit eh,"

"Masakit kaya," diin ko at simimangot.

"Di naman eh, gusto mo yung masakit talaga? Ha? Isa pa?"


"Okay lang, kahit ilan pa gusto mo, pero gusto ko may kapalit," napataas ang kilay nya, "Pa kiss, kahit isa lang." Isang hampas pa ang natamo ko sa kanya pagkatapos eh tumalikod ito, "Manligaw ka muna."

Biglang nagiba ang expression sa mukha ko, na para bang naging malungkot agad. Ibinaba ko yung fishing rod ko at lumakad papunta sa kanya at niyakap sya sa likod, I sniffed in her sweet scented smell at bumulong sa kanya, in my most sweetest voice, "Maraming beses na kitang napasagot.. Alam mo ba 'yun 'hon?"


Umiling iling sya.


"Sorry.." parang naluluha na ako, "Hindi ko.. Alam.. Hindi ko.. M-matandaan.."


***
COMMENT&VOTE! =)

(BOOK 2) Breaking The Bastard's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon