#CHAPTER 14

2.9K 38 0
                                    

BTBH BOOK 2 (His Heart Or Mine?) #CHAPTER 14

Jacob's POV

"Psst," nakatulog sya, "Celestine," tinapik ko ang braso nito, "Gising."

Ang hirap naman gisingin nito. Tulo pa ang laway. Pero maganda parin. Bigla itong dumilat at pinunasan ang laway. Hindi naman marami. Konti lang.

"Sensya nakatulog ako," paliwanag nya habang pinupunasan ang mata, "Nandito na pala ta'yo," matapos ay tumingin sa paligid, "Tara na?"

"Ikaw lang naman ang hinihintay ko," I winked at her at bumaba na sa kotse para kuhanin ang mga bags. Sobrang bigat ng kanya.


***


"Good Morning Sir," pormal na bati ng isang empleyado namin na nasa lobby.


"Goodmorning rin,"

"Room for two ba sir?" tumingin ito kay Celestine at ngumiti, "Honeymoon suite?" kumunot ang noo ko.

"No. Just normal ones. Yung magkaharap ang pintuan. 'Yun lang." Nakatingin lang samin si Celestine. Parang namula. Pero hindi ko nalang pinansin.


Maya maya lang eh bumalik yung babae na may dalang susi, inabot nya ito sakin, "Salamat," maigsi kong sinabi at ngumiti naman ito, "Enjoy sir."

***

Binuksan ko ang mga pintuan ng kwarto namin at tinignan muna ang kay Celestine, "Okay lang ba 'to?" tumango tango ito, "Sige. Magayos ka na. Then we'll have dinner," I smiled at her at nagsimula ng isara ang pinto, "If you need anything just knock on my door," nakangiti kong sinabi as I pointed at the door opposite hers.

***


Celestine's POV


Hays. Salamat at nakahiga rin. Grabe. Nakakapagod bumyahe. Pero mas nakakapagod mag isip kung ano ang ibig sabihin ni Jacob. Teka. Magbihis daw. Kakain pa ng dinner. Makaligo na nga. Hindi. Mamaya nalang. Pagod pa ako. Makapikit muna. Tumingin ako sa orasan. 6 47pm palang naman...


***


Jacob's POV

8 01PM. Bakit kaya hindi pa lumalabas ng kwarto 'tong babaeng to? Ayaw rin buksan ang pinto. May kopya naman ako ng susi. Bahala na.


Kumatok ako, "Celestine?" walang sagot, kumatok ulit ako, "Papasok ako ha?" And I did. Nakita ko ang isang tulog na tulog na Celestine. I heaved a sigh and smiled. Ibibili ko nalang 'to ng pagkain..


***

Ethan's POV


Bakit kaya hindi pa nagte-text si Celestine. Tss. It's not like I don't trust Jacob. Just that.. I know.. The truth.

***


"Cheeseburger meal please, no pickles, upsized." nakangiti kong sinabi sa babae na nasa cashier.

"Okay sir, that would be ----pesos" Inabutan ko sya ng 500 at sinuklian nya ako. I waited for my order to come. And my eyes wondered around. Hmm, wala ng masyadong tao. I can't believe I spent my whole afternoon here. Sa timezone. To be exact.


"Sir, order nyo po, come again," I smiled at her at lumabas na. Nagulat lang ako sa nakita ko. Si Mae. Bakit ganito? Bumilis ang tibok ng puso ko? Bakit bigla akong sumaya? I smiled and was about to go to her ng may lalaking humalik sa pisngi nito na may dalang icecream. Ngumiti naman ito at kinuha ang isa. They look so happy.

Ano 'to? Bakit ako.. Nasasaktan? Bakit parang sobrang sakit? Bakit parang ang laki parin ng apekto sakin nito? Nagmamahal naman ako diba? At.. Si.. Si Celestine iyon.. Hindi ba? Tumalikod ako at nagsimula ng lumakad palayo ng may tumawag sakin. Sa likod. Pamilyar ang boses. I didn't want to turn my head pero tinawag ulit ako ng boses na iyon. Limingon ako. Si Aeris.


I stopped walking and she ran towards me, "Bakit ka andito?"


"Wala. Tambay." Umiling iling ito at napansin ang pagkain na dala ko.


"Ano yan?" taas kilay na tanong nito at natawa ako. Kung tutuusin matakaw 'to eh. Mas matakaw pa sa pinakatakaw na halimaw dito sa mundo.


"Mcdo. Gusto mo? Geh sayo nalang," at inabot ko sa kanya. Kumislap naman ang mga mata nito at nagsimulang isubo ang fries. Sunod sunod ito kaya naman natawa ako.

"Ay ang sweet nyo naman," napalingon ako, si Andrew. Kumakain parin ito ng icecream.

"Kayo ba?" masayang tukso ni Mae at nagkatinginan kami ni Aeris. Punong puno ang bibig nito kaya hindi nakasagot, huminga ako ng malalim. At ngumiti.

"Oo."

***

(BOOK 2) Breaking The Bastard's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon