#CHAPTER 8

3.4K 54 1
                                    

BTBH BOOK 2 (His Heart Or Mine?) #CHAPTER 8

Celestine's POV

"Ano ulit 'yung kinukwento mo nung isang araw?" Kunot noong tanong ni Aeris habang ngumunguya.


...
Napakunot naman din ang noo ko, "Ha? Alin?" Napabuntong hininga 'to, "Tss. Eh alin paba? Jacob?"

Ah. Si Jacob. Napailing ako. I don't think I want to talk about him again. Ilang araw na 'yun di nagpaparamdam sakin. Bahala sya. Nagsawa narin siguro sa isang taong nakalimutan ang lahat. Okay lang. Hindi naman sya kawalan.. Diba?


"Hoy. Ano na?" I looked at Aeris at ngumiti lang. Bahala sya. Basta hindi ko na ulit pa ikwe-kwento. Sayang lang ang laway ko.

"Okay fine. Kung ayaw mong sagutin ang tungkol kay Jacob, why not yung kay Ethan nalang?"


"Ano ang gusto mong malaman?"

"Kamusta kayo. Syempre. Ano pa ba?"

"Uhm. Okay lang.. But he's been so weird lately.. Hindi ko alam kung normal 'yun dati.. Pero.. Ewan.. Siguro may problema lang sa trabaho.." mahina kong sinabi at tumango tango lang ito, "Hindi ko kasi maitanong.. Nahihiya ako.."

Parang nagulat ito, "Nahihiya..?"

"Oo.."


"Bakit naman? Mahal ka nung tao. At mahal mo sya diba?" Parang bigla akong nanlamig, "So, normal lang kung magtanong ka.. Kasi nga nagaalala ka."

Yes. She does have a point. Pero.. May iba pang gumagambala sa isip ko, "Bru.." mahina kong sinabi, "Hmm? Bakit?"

"Sa palagay mo.. May iba ng natitipuhan si Ethan? Sa palagay mo.. Napapagod na syang ibalik ang dati..?"


"Ayokong magsalita ng kahit ano Tine.. I can see naman na nag e-effort si Ethan.. And.. Basta, kung lokohin ka man nya ulit.. Well, ewan. Bakit ba masyado mong pinaghihinalaan si Ethan?"


Napababa ang tingin ko, "Kasi parang nararamdaman ko.. Iba na.. Ewan baka.. Nagigiging o.a lang ako."

"Eh si Jacob? Diba dapat 'yun ang paghinalaan mo? Ilang araw na di nagpaparamdam Bru naman."

"Sa kwento nya at ni Ethan.. I don't think may karapatan akong manghinala kay Jacob. Kasi, hindi naman naging kami kahit minsan. Hindi nya ako mahal at hindi.." parang napiyok ako, "Hindi.. ko rin sya.. Mahal. Sadyang.. Pinili ko lang sya. Dahil sa rason na.. Ewan." Kung naaalala ko lang talaga ang rason.. Tss.

***


Lakas naman ng ulan. Nakakainis. Nauna ng umuwi si Aeris.

Sinundo ng pinsan nya. Napabuntong hininga ako habang nag da-drive. Traffic. Ah. Alam ko na. Dun nalang ako dadaan sa laging dinadaanan ni Jacob. Walang masyadong traffic dun. At baka makasalubong ko pa ang loko.

***

Pag minalas ka nga naman talaga oh. Ang lakas na nga ng ulan nasiraan pa ang makina ng kotse. Hindi ko naman pwedeng tawagan si dad.. Baka maabala ko pa. Ah, si Ethan. Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number nya.

"Hello? 'Hon bakit?"

"Ethan.. Uhm.. Pwede mo ba akong sunduin?"


"Ha? Nasan ka ba?"


"Kung okay lang naman.. Hmm, Nandito sa may Patrick's Street.. Nasiraan kasi 'yung kotse ko." Napabuntong hininga ako. Di ko kaya sya naaabala?

"I'm coming right over. Stay inside ha? I love you."


***

Tagal naman ni Ethan.. Na-traffic siguro. Mejo, humina narin ang ulan kaya bumaba muna ako sa kotse. Binuksan ko ang harap, parang alam kung ano ang gagawin eh 'no?

Maya maya lang eh may sasakyang bumusina. I looked behind at nakita ang isang pulang kotse. Bumukas ang pinto nito at bumaba ang isang napaka-gwapong lalaki na naka-purple vneck shirt at black shorts.

Agad naman akong lumakad papunta dito, "Pasensya na. Nakaharang ata ako sa daan. Teka. Uhm. Nasiraan kasi ako.. Uhm."


"I know that. Silly." natatawang sinabi nito, "Don't you think I know that? If you don't mind.. Let me see the problem.."


Napangiti naman ako, Pero.. "Wag na.. Thank you nalang. Madumihan ka pa.. Tyaka darating nama--"

Hindi na ako pinatapos nitong magsalita at tinignan na ang problema. Kumuha ng ilang gamit sa sasakyan nya at maya maya lang eh umandar na ulit ang sasakyan ko.

"Oh. Yan," nakangiti nitong sinabi, "Gumagana na. Umuwi ka na at gumagabi na," bago pa ako magpasalamat ay lumakad na itong papalayo, "Ingat ka sa daan---Celestine."

Ha? Teka. How did he know my name? Hindi na ako nakapag-tanong pa. He left me there. Clueless and confused. Sino nanaman 'yun? Tss.


***

Comment&VOTE :)
 

(BOOK 2) Breaking The Bastard's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon