#CHAPTER 3

4.5K 66 3
                                    

BTBH BOOK 2 (HIS HEART OR MINE?) #CHAPTER 3



Celestine's POV


Alam kong nasaktan sya. Because I don't remember any of his efforts. Our time. Everything. Ni hindi ko nga sya matandaan. Yung mga moments pa kaya.


...
Napabuntong hininga ako habang kumakain at napatingin kay Ethan na sa ngayon nama'y nagbabalat ng malalaking hipon. Oo, barbeque, masarap. Sya ang nag marinate. Pagkabalat nya ng mga hipon eh patapos na akong kumain.



"Di ka pa ba kakain ha? Tapos na 'ko oh," sabay turo ko sa plato ko.


Napangiti lang sya at lumapit pa sakin ng konti at inilapit ang isang hipon sa bibig ko. Isubo ko daw. Ayoko nga. Ang dami kayang tao, tyaka kaya ko naman ang sarili ko.



Napangisi sya and he had those puppy eyes on, "Please? Just one?"



"Eh. Pinagtitinginan tayo oh, ano ka ba marami akong nakalimutan pero kaya ko pa naman ang kumain.."



Biglang nagiba ang aura ng mukha nya at ibinaba ang hipon sa plato at nagsimulang kumain. His silence urged me to do what he wanted me to do. Hays, isusubo na nga. Tumingin tingin ako sa paligid bago pa ngumanga.



"Wag na." parang naiinis nyang sinabi. Para lang akong tanga na nakanganga, baka kasi mainis. Magkulang ng pieces ang puzzle na gusto kong mabuo.



"Wag na nga. Napipilitan ka lang eh. Kumuha ka nalang dito sa plato," walang expression nyang sinabi at simimangot naman ako. Ibang klase rin palang mainis 'tong si Ethan. Tahimik. Kaya naman sobrang pagka-guilty ang mararamdaman mo. Pagkakain namin eh agad kaming dumeretso sa carpark para umuwi na. Hindi parin nya ako masyadong pinapansin.



"Di mo ba talaga ako kakausapin ha?" kunot noo kong tanong nung
bubuksan nya na sana 'yung pinto para sakin. Napatingin lang sya sakin at ngumiti, "What do you mean?"


"You.Aren't.You.Going.To.Talk.To.Me?" nakakainis na kasi, parang napakaliit na bagay lang, ang haba ng pagtatampo.


"I am.. talking to you now, right?" Napabuntong hininga ako,



"Pilosopo." at pumasok na sa loob ng kotse.



***


Tahimik ang byahe. Ang BABAW nya, parang hindi lang isinubo ung
isinusubo nya eh. Nakakainis. Bakit ko kaya minahal ang lalaking 'to?


Tss. Tinignan ko sya from the mirror. Hmm, besides from being a good-looking and well built, ano pa kaya? His eyes surely.. And.. His sweetness. Malambing sya in his most special way..



Bababaan ko ba?
Oo, I think I should.
Sya naman ang 'mahal ko' diba?



Napabuntong hininga ako at humarap sa kanya, "Sorry.."



"For?" maigsi nyang sagot.


"Sa kanina.. Nainis ka tuloy sakin.. Don't worry, next time.. I--"


"It's not your fault that you forgot about me.." Para akong kinuryente. So all this while hindi pala 'yun 'yung kinaiinis nya? Tss. Bakit ba ang tanga ko. Hays. I just smiled at him. Sobrang nakaka-guilty. To think na sobrang negative ko. Hays.



Tinitigan ko ang mukha nya sa salamin and looking into his eyes, nawawala ako. Sobrang dami kasing sinasabi nito. I get this weird feeling each time na tumitingin ako sa mga mata nya.. Weird diba?



"What are you looking at 'hon?" nakangiting tanong nito at tinignan ako saglit matapos ay ibinalik ang tingin sa daan.


Nagulat naman ako sa tanong nya, "Ha?"


"Kanina mo pa ako tinititigan.. Bakit?"


"Wala." parang bigla akong nailang.


"Okay lang naman," nakangiti nyang panimula, "I'm yours.."



Parang namula ako, "Celestine.. Listen.." napalingon ako pero naiilang parin, "I love you 'hon.. Sobra sobra pa sa inaakala mo.. P-please open your heart to me.. Again.."



***



Nakarating kami sa bahay and he insisted on accompanying me in. Para daw alam nyang safe akong nakarating sa bahay. I offered him a drink pero wag na daw. Minutes later, lumakad si manang papunta sakin na may bulaklak na hawak.



"Ma'am, may nagpapabigay ho," sabay abot sakin ng bulaklak, napatitig naman si Ethan dito. There was a small white glittery card sa bulaklak. And yes, on its cover were the letters J-A-C-O-B.


Ethan's POV



Bakit ba ang bilis kong magselos? Tsk. I forced a smile, a smile to hide my jealous side, "Seems like someone dropped by.."



Ngumiti lang sya, as she admired the flowers, pagkatapos eh tumingin sya sakin at ngumiti, "Don't you feel jealous?"


Hindi na ako nagpasikot sikot pa, huminga ako ng malalim, "I do,"


Napatahimik sya, kaya naman nagpatuloy akong magsalita, mas pinangunahan na ako ng sakit na nararamdaman ko, "Because the last time you were you.. You chose him.. Over me.. At alam mo ba kung gaano kasakit 'yun? Ha? Hindi. Kasi.. Wala ka sa posisyon ko.. Kasi hindi ikaw 'yung nagmamahal ng totoo.. You said you LOVED me but you CHOSE him.. Ngayon, sabihin mo nga sakin Tine.. Dapat pa bang itanong kung nagseselos ako ha..? D-dapat pa ba...?"



***
COMMENT&VOTE! =)
 
 

(BOOK 2) Breaking The Bastard's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon