#CHAPTER 4

4K 60 1
                                    

BTBH BOOK 2 (His Heart Or Mine?) #CHAPTER 4

Celestine's POV

Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Ethan kanina. Nasaktan kasi ako. Hindi dahil sa awa kundi dahil sa dahilan na hindi ko masagot ang mga katanungan nya. Siguro kung nasa dating pagiisip pa ako, masasagot ko pa ang mga 'yun.. At pati narin ang mga akin.


... Hays.


***


Nasaan ako? Bakit ang dilim? Teka. Parang natatandaan ko ito. Biglang nagkailaw. Nasa gitna ako? Ganito ba ang pangyayare 'nun? Nasa kabilang kalsada si Ethan at lumingon naman ako sa kabila at nakita si Jacob. Pero teka.. Sino 'tong.. Nakayakap sakin..?

***


Katatapos ko lang maligo at nagtutuyo ng buhok ng may kumatok sa pinto, "Pasok," bumukas ang pinto at nakita ko naman si manang, "Hija, may naghihintay sa'iyo sa baba," Tss. Bakit ang aga naman nagsusulputan ng mga bisita? Humanap ako ng suklay at nagsuklay bago bumaba.

***


"Pasensya ka na napaaga ako," nakangiti nyang sinabi habang pababa ako sa hagdan, "Kaso sabi ni manang gising ka na daw kaya ipinatawag nalang kita." nginitian ko lang sya and we walked towards the garden. Maya maya lang eh dumating si manang na may dalang juice at sweetened buttered sandwich.

Tinignan ko si Jacob sa mata, "Since nandito ka na naman, tell me how we met." Ngumiti lang ito at uminom ng juice bago sabihing, "Okay,"

***

"Well, you see, nasa bar ka 'nun, umiinom. Kung bakit? Hindi ko alam. Hindi ko na rin kasi itinanong. You winked at me then, at hindi kita pinansin basically because na turn-off ako sa sunod sunod mong tagay, para ka kasing hindi babae," uminom ulit sya ng juice at nagpatuloy sa pagkwe-kwento,

"So.. 'yun, after some time, pumunta ka sa dancefloor and you started dancing with a guy na unti unti ka namang hinihipuan. Sa sobrang kalasingan mo eh hindi ka na makalaban. At 'yun naman ako, lumapit at ipinagtanggol ka, syempre, hindi naman makakaya ng konsensya ko kung iiwan kita na ginaganon diba? May kapatid rin naman akong babae. And from what I think, siguro nagselos ka sa kanya, and yes we went to a resort together, and you got drunk again at siguro si ate ang rason kung bak--"

"No. Hindi iyon ang rason," madiin kong sinabi. At kung 'yun man. Ayokong isipin na na nagseselos o nagselos ako 'nun.

Tumango-tango lang sya, "Ah.. So yeah, nung lasing ka inuwi muna kita sa bahay and you thought na.. Minaniac kita. Well obviously not because as I always say, hindi kita type. You left without thanking me. So yeah, naiwan mo ang wallet mo resulting in my mom, finding it. Nakita nya ang picture mo at dun na nagsimula ang pagpapanggap natin," ah. So ganun pala 'yun. Okay, nakwento narin naman sakin ni Aeris ito.

"Hindi mo pala ako type. Bakit nandito ka? Bakit may pa-flowers effect ka pa kahapon ha?" taas kilay kong tanong. He just smiled sweetly, "Bakit? Bawal bang magalala para sa isang kaibigan?"

KAIBIGAN. Yes, kaibigan. Bakit parang nasaktan ang isang parte ng puso ko sa sinabi nya?


"Ah okay, makakaalis ka na," sabi ko sabay tayo.

"No. Magkwentuhan muna tayo," pahabol nyang sinabi. Agad naman akong napalingon sa kanya, di naman ako mawawalan if I stay and talk to him diba? I'll gain more information sa ugali nya.


"Ah. Okay. Sige."


***


"How was your day with Ethan..? Kahapon?" Paano nya nalaman?


"Okay lang. I'm trying to know more about him and he's helping me.. Nararamdaman ko naman na mahal nya ako. Na sincere sya sa mga sinasabi nya. Alam mo.. Hindi ko sya maalala pero sinasabi ng puso ko na mahal ko ang lalaking iyon," tumango tango lang sya habang kumakain ng sandwich, "I see his effort. His devotion. Alam kong corny pero napaka-lambing nyang tao.. Siguro 'yun rin ang dahilan kung bakit ko sya minahal.."


Nakangiti lang sakin si Jacob, "I'm happy for you two." He's happy for us two? 'Yun lang 'yun? May biglang pumasok na tanong sa isipan ko, "Hindi ka ba nagseselos?"


Natawa sya ng bahagya, uminom ng juice at napataas naman ang kilay ko ng inilapit nya ang mukha nya sakin, "Hindi."


Ah okay. KAIBIGAN. HINDI. Hindi naman daw pala eh. Tss. Eh bakit ko ba kasi pinili ang lalaking 'to?

***
 COMMENT&VOTE =)

(BOOK 2) Breaking The Bastard's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon