#CHAPTER 11

3K 50 2
                                    

BTBH BOOK 2 (His Heart Or Mine?) #Chapter 11

Celestine's POV

Bigla akong napatayo at napakunot ang noo. Si Andrew naman eh tumayo rin. Dad rushed down the stairs. "Sino 'yun?" nagtatakang tanong nito at umiling iling naman ako. Di ko nga kasi alam.
...


Maya maya eh pumasok si Manong, "Ma'am. Jacob daw po. Ayaw magpaawat. Naglagay po ng mga gamit pang kain sa labas ng bahay." napataas ang kilay ko at nag smirk naman si Andrew. "Well well.." mahina nyang sinabi.

Dad frowned at lumakad palabas. Sumunod ako sa kanya maya maya at narinig ko ang paguusap nila ni Jacob. Oo si Jacob nga. Napansin ko rin 'yung pulang lamesa at 'yung dalawang puting upuan. With a vase of roses pa. Tss. "Pasensya na po kayo Mr De La Fuente. Di na po mauulit. Pasensya na talaga.." hiyang sinabi nito at napatingin sakin. Bigla akong natauhan. I stood straight at lumabas. "Ano ginagawa mo dito?" taas kilay kong tanong.

"Ayaw mo kasing makipag dinner sa'kin sa labas kaya dinala ko nalang dito 'yung pagkain pati 'yung mga materials.." nakangiti nitong sinabi at tumitig naman sakin si dad at umiling iling.


"Settle this Celestine." at pumasok na ito sa loob. Hindi naman sya galit.. Siguro naguguluhan lang.


"Well? Kain na ta'yo?" nakangiti nitong sinabi, "I ordered the best ones.. Upo kana. Unless gusto mong subuan kita."

"Di nga ako gutom. Sabi ko naman diba? Magpapahinga ako."

Tumaas ang kilay nito, "Halata naman sa mukha mo. Kagigising mo lang. Ayan oh. Halatang sobrang busog yang mata mo sa tulog kaya. Umupo ka na. Kung ayaw mong.." tinaasan ko sya ng kilay, "Kung ayaw mong halikan kita."

Bigla ata akong namula. Napatingin ako sa baba at narinig ang isang napakalakas na halakhak. Napalingon kami ni Jacob at nakita ang pumapalakpak na si Andrew, "Corny nyo. Haha. TinTin.. Kumain ka na kasi. Mahalikan ka pa eh.. Sumaya ka pa.." Pabirong sinabi ni Andrew at inirapan ko sya. Tss. "Geh aalis na ko," natatawa paring sinabi nito, "Long time no see, Jacob."

***

"Oh ano? Do you want me to ask you to sit in a civil manner or do I have to use force?" Nakangiting tanong nito with his arms crossed. Inirapan ko sya at umupo na, "Good girl. Kain na tayo. Gutom na 'ko."

***


Mukhang gutom nga tong si Jacob, parang ilang taon hindi pinakain, sunod sunod kasi ang subo, "Kilala mo si Andrew?" nagtataka kong tanong habang pinagmamasdan syang kumain.

Tumingin sya sakin at nilunok ang nasa bibig bago magsalita, "Yes. I know him. An old friend of mine."

Ah. Old friend. Napatango tango nalang ako. "Ah.. Okay.." Nakangiti kong sagot.

"Alam mo.." napatingin ako kay Jacob and he was smiling, "Mas gumanda ka."

I blushed. Bakit naman kasi.. Hehe. Itinago ko ang mukha ko and he laughed, "Look at me.. You're.. Beautiful.. Bakit ka nahihiya?"

"I'm not shy." nakasimangot kong sinabi at tumawa naman ito.


"Tumaba ka nga lang ng konti." and he starting chuckling. Inirapan ko sya.

Tumaba ba talaga ako? Lalo naman akong na-conscious.. "Seryoso?" Nakasimangot kong tanong and he just smiled, "Yes. Pero it doesn't matter, maganda ka parin.."

Oh ha.. Bumabanat ang lolo nyo.. Hehe. Namula ako at napangiti. May lagnat ata si Jacob..

***


Comment&Vote..

(BOOK 2) Breaking The Bastard's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon