Chapter 18

2.3K 19 1
                                    

Chapter 18

 Umagang umaga ginising ako ng vibrate ng phone ko. Sino naman kaya tong pasaway na to?!

 From : Lance

~ Faye Ling!!! Good Morning. Nabanggit sakin ni Yesha na mag hahanap na kayo ng susuotin para sa pageant. Sasama ko. Para makapag terno natin. See you later! Yesha and her friend will fetch me daw dito sa bahay eh. ~

HALAAAAAAAAAA!? Talagang kinareer ng dalawang yun ang pageant ha. Nakakaloka! pero at the same time, nakaka touch. Minsan lang ang tao magkaron ng ganto ka supportive na bestfriend!

To : Lance 

~ Okay. I will take a bath first! See you! ~

Bumaba na ko pag tapos maligo.... at nakita ko naman si Kevin na naka hilata sa sofa.

"Good morning iha!"

"Good morning po manang. Bakit po andyan si Kevin?"

"Hindi daw siya makatulog sa lamig sa kwarto niya eh."

"May sakit po ba siya?"

"Hindi ko nga rin alam iha."

 Lumapit naman ako kay Kevin para hipuin yung noo nya kung may sakit nga siya. And...... Dangggg! Tinamaan nga ng lagnat ang loko! Maligo ba naman daw ng pawis na pawis eh. Punmonya ba hanap ng katawan nya?! Bakit ba di nag iingat tong lalaking to.

"babyy???? I love you..... baby.... dito ka lang sa tabi ko...." 

"Kevin.. Andito na ko. Dun ka na sa kwarto ko. Hindi masyado malamig dun. Para makapag pahinga ka ng mas maayos..."

 Bumangon naman si Kevin at inalalayan ko siya paakyat ng hagdan.

Inihiga ko siya sa kama ko and nilagyan ng comforter. Tinititigan ko siya habang natutulog ng bigla kong maalala yung lakad naman nila Yesha.

Calling : Yesha

"Hello?! Hello sis? Ready ka na ba? Mga after lunch susunduin ka namin."

"Sis, ano kasi...... pasensya na talaga. Alam kong para sakin tong ginagawa nyo pero ako pa tong ang daming problema. May sakit kasi si Kevin. Hindi naman pwedeng iwan ko siya ngayon."

"Ano ka ba! Okay lang yun. Bukas nalang Sunday naman kung pwede ka. Tatawagan ko nalang din si Papa Lance ha para sabihin. Sabihin mo kay Kevin, tinatamaan pala ng sakit yung masamang damo! hahahaha"

"hahahaha! gagi! sira ka talaga! thank you sis. Byeee!"

"Bye! Sis, sulitin mo ang bawat sandali ha. Tsansing kung tsansing!" binaba nya na yung phone at natawa naman talaga ko sa huli nyang sinabi.

Bumalik naman ako sa kama ko kung san naka higa si Kevin, hinawakan ko yung noo nya pero mainit parin talaga. Kumuha ko ng planggana na may tubig at hinaluan ko ng alcohol. kumuha naman ako ng thermometer para i-check kung sa lagay ba ngayon ni Kevin eh pwede siyang uminom ng gamot. 

Lumapit ako sakanya and pinunasan ko siya. Tinanggal ko yung shirt niya para punasan pero may bumubulong sakin na hawakan ko yung abs nya. Ewww kadiri! Kadiri ko. Manyakis! Manyakis ako? Sheeet. Noooooooooooooo! =_____=

"Baby...Thank you.." niyakap nya ko habang hawak ko parin yung pinapang punas ko sakanya.

"Bakit ka naman nag th-thank you eh, sinusuklian ko lang naman yung mga nagawa mo nung ako yung may sakit diba. Lagi akong may sakit dati kaya hindi ako mabigyan ng chance na alagaan ka nun, pero ngayon... Ako naman." 

Nakapikit naman si Kevin, habang yakap parin ako. Kaya kumalas na ko dahil naiilang na talaga ko  na mapadikit sa katawan nya ng...... shirt less!

She's my childhood sweetheart. ☜♡☞ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon