Chapter 28 *Meet Timothy*

2.2K 23 15
                                    

I dedicate this chapter to 'Beanatix' account on twitter. Thank you for always plugging my story. I will always love Bea. To those who have twitter, GO FOLLOW THEM! :)

--------------------------------------------------------------

Chapter 28

 Ilang weeks na rin yung nakalipas after ng pageant and after ng foundation week. Busy na lahat ngayon sa pag aaral dahil malapit na ang exams. Sobrang rare ko naman makita si Kevin sa school. Magkalapit lang naman classrooms namin, pero ewan ko. Hindi talaga kami masyado nagkikita. minsan, nagkaka salubong kami sa hallway, madalas kasama niya si Patrick, yung boyfriend ni Yesha. Pero hindi naman talaga kami nag babatian manlang.

Ngayon, Late na naman ako! Late ako nagising!! Siguro dapat sa susunod itatapat ko na talaga yung alarm clock sa tenga ko!!!

Naglalakad ako sa hallway ng makarinig ako ng parang nagkaka gulo. Rinig na rinig yun dahil tahimik sa paligid dahil nasa loob ng kani kanilang classrooms yung mga estudyante. Hinanap ko naman kung san nang gagaling yung gulong yun hangga't dalhin ako ng mga paa at tenga ko sa may likod ng isang classroom.

 Nakita ko yung lalaki na binubully. Binubully ng mga hindi din naman kalakihan na mga katawan na lalaki. Haaay. Ito talagang mga taong walang magawa sa buhay na to oh. Napapa iling nalang ako. Aalis na sana ko ng marinig kong sumigaw yung lalaking binubully.

"ateee! ateee! pleasee! tulungan niyo po ako!!!"

nagulat naman ako at napalingon sa gawi nila. Bigla ko nalang naalala yung mga pang bubully sakin nila Ashley noon. Kung ayaw ko yung ganung feeling, dapat tulungan ko tong lalaking to. Nilapag ko yung backpack ko sa sahig at nilapitan yung mga lalaki. HAAAY! Para namang may magagawa ako. =___=

"Hoyyy! Bitawan niyo na nga siya! Ano bang problema niyo?!!"

"Eh ikaw miss? Anong problema mo? Bakit ka nakikialam?"

"Teka! Kilala ko to ah. Ito yung hinarana ni Lance sa pageant nun!"

"Lance? Lance Araneta?"

"OO! Pare, kapit pala niyan mga players! Tara naaa!!!"

at unti unti ng nag alisan yung mga lalaki. Takot naman pala kayo sakin eh! Este, sa mga players pala. Tinulungan kong itayo yung lalaki na kani kanina lang eh binubully.

"Woww! Ikaw nga! Ikaw nga yung nasa pageant."

"ha? ah eh. Oo. Hello!" awkward na sabi ko sa manghang mangha niyang tingin. Ano ko? artista? He reminds me of Shingha ng meteor garden. Seriously. Hawig sila tapos parehas pa ng ugali. =___= 

"Salamat ate! salamat po talaga. Ako nga pala po si Timothy. Tim po for short. Third year po ako."

"Ayos lang. Ayoko din kasi nakaka kita ng binubully. Sige. Una na ko. Wag kana magpapa bully sa mga yun ah!" 

then naglakad na ko papunta sa classroom namin. Pag pasok ko naman sa loob, late na late na pala ako!! tinignan ako nung teacher na akala mo eh may pinatay akong limang tao!

"Ms. Yap, Why are you late?!"

"Ahh, ma'am?" Teka. Ano sasabihin ko? Sasabihin ko late ako dahil nagligtas ako ng tao? Ano ko? super hero??!! =___=

"Sorry po. May nakita po kasi akong binubully kanina. Tinulungan ko lang po." nagtawanan naman yung mga kaklase ko. Okay. alam ko namang iisipin niyo na nagpapalusot lang ako. =___=

She's my childhood sweetheart. ☜♡☞ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon