Chapter 22
( Kevin's POV )
Pumunta ko ng US for one week para makipag usap sa mama ni Faye at kay papa narin na parehas na andun. Kinwento ko sakanila na nakita ni Faye yung papa niya, na kasama na yung bagong asawa nito. Gulat na gulat naman yung mama ni Faye at halatang nag aalala. Kinwento ko nadin sakanila yung sitwasyon namin ni Faye at yung nararamdaman ko para sakanya.
"Kevin anak, hindi pa pwedeng malaman ni Faye yung tungkol sa papa niya.."
"Tita, alam ko po talagang masasaktan si Faye at ayoko pong mangyari yun."
Tahimik lang si papa, pero maya maya nag salita narin ito.
"Anak, diba sabi mo ayaw mong masaktan si Faye?"
"Opo."
napabuntong hininga naman si papa tsaka nag salita, "....then mas lalo mo siyang sasaktan ngayong may relationship na kayo."
"PA? Bakit naman po?! Andito nga po ako para protektahan siya eh."
"Anak, diba mas magiging masakit pag nalaman niyang yung sariling boyfriend niya alam yung tungkol dun pero hindi manlang yun sinabi sakanya?"
Napaisip naman ako. Oo nga noh! Habang napapamahal sakin si Faye, mas lalo siyang masasaktan pag nalaman nya someday na alam ko naman yung tungkol dito, pero itinago ko yun lahat sakanya. Mas masasaktan ko siya.
Pero anong gagawin ko? Alam kong masasaktan ko din naman siya pag nakipag break ako.
"Kevin, sa tingin ko... tama yung papa mo. Sana wag muna kayong magpadalos dalos sa desisyon nyo. Bata pa naman kayo. Binabawi ko na yung sinabi ko dati na ayos lang sakin kung mag boyfriend or girlfriend na kayo. Kevin... if you and Faye are really meant for each other... Then kayo parin talaga sa huli."
Naluha naman ako sa sinabi ng mama ni Faye. So anong kaylangan kong gawin? Makipag break? kaya ko ba yun? Kaya ko ba talaga yun? =____________=
"Son, I know this would be too hard for you. Especially when you are living in the same roof. Magpapahanap ako ng condo near your school... Anak, isipin mo nalang this is for Faye. Para hindi naman mas maging mahirap sakanya by the time na malaman nya na yung totoo. After that, you two can be happy together. I swear! Your tita and I will never object."
nag nod lang ako dahil wala talaga kong masabi sa mga nangyayari. Ang sakit nga noh. Na may tinatago ako sa taong mahal ko. Tapos kaylangan ko pang antayin yung time na malaman niya na yung totoo bago pwedeng magkasama kami. Pero wala kong magagawa. Tama sila.
Hindi ko deserve si Faye ngayon. Sabi nga ng mama ni Faye, kung kami talaga, sa huli..
kami naman talaga eh.
Iintayin ko nalang siguro yung time na pag nalaman niya ba yung totoo, mapapatawad niya pa ko? pag nalaman nya ba yung totoo, mahal nya parin ako? Well.. sa ngayon hindi ko alam.
Pero alam ko isa lang yung hindi ko kayang gawin. YUNG MAKIPAG BREAK sakanya. Hindi ko kayang gawin yun dahil alam kong masasaktan ko talaga siya.
So ano??
Siya nalang yung aantayin kong kusang sumuko samin. T___________T
Bumalik na ko ng Pilipinas.
Aabsent sana ko dahil sa jetlag pero nag text si baklang president namin ng student's council na kaylangan na namin talagang mag practice kundi mapapalitan nalang ako. Kaya kaylangan ko talagang pumasok ngayon! May deal kami ni Ashley at hindi ko dapat baliin yun dahil kung hindi, babalik na naman kami sa dating deal na kailangan ko makipag date sakanya. Tsaka isa pa, gustong gusto ko na makita si Faye. miss na miss ko na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1676853-288-k265636.jpg)
BINABASA MO ANG
She's my childhood sweetheart. ☜♡☞ (COMPLETED)
Novela JuvenilKevin and Faye grew old together. They are called childhood best friends back then. When Faye and Kevin reached teenage years they realized that they have special feelings towards each other, but since Kevin cannot be with Faye because of Faye's fam...