Chapter 37
Faye's POV
unti unti akong mumulat at ang unang nakita ko ay si mama na naka yuko sa tabi ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Si mama nga yung nasa tabi ko! Kahit naka yuko pa siya, alam kong siya talaga yun.
"M-ma?" sabi ko sa nanginginig na boses. Maya maya eh bumangon siya sa pagkaka yuko niya at agad na lumapit sakin para yakapin ako.
"Anak, miss na miss na kita. Sorry ngayon lang ako naka balik ng Manila. sorry talaga. I love you my princess. I love you so much!!!"
"Ma, grabe! miss na miss ko po kayo kung alam niyo lang. Masayang masaya po ako kasi andito na po kayo. Ma, mahal na mahal ko din po kayo. Miss na miss kita." sabi ko sakanya habang umiiyak na. Hindi ko alam, pero tears of joy to siguro. Naramdaman kong lalong humigpit yung pagkaka yakap niya sakin. Namiss ko talaga to! Yung yakap ng magulang.
"kamusta ka na anak?"
"Maayos naman po. Pakiramdam ko nga po may trauma na ko sa pool. Ma, siguro kung wala akong sakit, nakapag aral din ako mag swimming. Siguro naligtas ko pa yung sarili ko. sarili ko na nga lang hindi ko pa nailigtas."
"wag mo nga sabihin yan. Andyan naman si God lagi para sayo eh, tignan mo, hindi ka niya pinabayaan."
"alam ko naman po yun. teka po, Ma? Si papa?"
"Ah? anak dadating din siya maya maya. Sinusundo lang ni Kevin."
"Ma, ayoko po makita si Kevin please. Ayoko na po siyang makita kahit kelan."
"Anak, hayaan mo namang mag explain siya sayo. Alam ko namang kahit ano mangyari, yung ikabubuti mo yung iniisip nun ni Kevin. mabait na bata naman yun."
"pero bakit ganun ma? lagi niya nalang po akong sinasaktan. Lagi nalang akong umiiyak ng dahil sakanya. Bakit ganun? Ganito po pala yung love. Naramdaman niyo rin po ba to kay papa?" naramdaman ko namang napa atras si mama at napa piglas sa pagkaka yakap sakin. Siguro nailang siya sa tanong ko. =___=
"Siguro po mama hindi noh? Siyempre po, mahal kayo talaga ni papa. Hindi niya hahayaang umiyak kayo o masaktan. Sana nga po maka hanap ako ng lalaking kasing bait ni papa. Yung itatrato po akong parang princess na parang si papa."
naramdaman kong parang nataranta si mama at parang biglang namumutla. Hindi kaya naiilang siya sa topic na about love? pero open naman siya dun eh. "ah? oo naman anak. Sana nga. wag ka mag alala. mahahanap mo rin siya. Dapat mahanap mo siya dahil ayoko ng masasaktan yung princess namin noh."
"Ma? Ayos lang po ba kayo?" tanong ko dahil nararamdaman ko talagang hindi siya komportable sa usapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/1676853-288-k265636.jpg)
BINABASA MO ANG
She's my childhood sweetheart. ☜♡☞ (COMPLETED)
Novela JuvenilKevin and Faye grew old together. They are called childhood best friends back then. When Faye and Kevin reached teenage years they realized that they have special feelings towards each other, but since Kevin cannot be with Faye because of Faye's fam...