"Someday someone is going to look at you with a light in their eyes you've never seen. They'll look at you like you're everything they've been looking for their entire lives. Wait for it."
Lily POV
"So... how's your honeymoon?" Nangingiti at nanunuksong tanong ko kay Eira habang kausap ko siya through Facetime.
"Hmm... okay lang." Pigil ang ngiting tugon niya habang namumula na yata yung mga pisngi niya.
Typical Eira.
"Come on, give me some details!" Hikayat ko sa kanya para magkwento.
"Lily!" Saway niya sa akin na parang pinipigilan yung kilig na nadarama.
"I'm happy for you." Sincere na saad ko.
Akalain mo yun? Inis na inis kami sa isa't isa noong mga bata pa kami pero ngayon, kami na ang bagong mag-best friend. Minsan pa nga daw biniro siya ni Asher na nagseselos na siya sa akin dahil nga daw mas madalas na kami ang magkausap.
"Thank you." Nakangiting tugon niya. "So... kumusta ka na?" Tanong niya kapagkuwan na may pag-aalala sa boses. "Si ano... you know who... kumusta na kayo?"
"Hayun..." I breath out at umayos ng upo sa pagkakasandal sa headboard ng kama ko dito sa aking kuwarto. "Thankful ako na bumalik din siya agad sa Thailand. Sana nga wag ng bumalik eh."
Natawa siya sa sinabi ko. "Nagkita nga pala kami ni Brook kanina sa coffee shop, dumalaw kasi kami dun kanina ni Asher."
"And so?" Pinagtakpan ko ng pagsusungit yung curiosity ko about Brooklyn.
We're not friends in any of my social media accounts. Mostly naman na posts ko naka-private. Pero sa kanya parang gustong-gusto niyang ipangalandakan na gabi gabi halos iba't ibang babae ang kasama.
Isa talaga siyang Dakilang Babaero! Try niya kayang gayahin si Asher? Stick to one. Siya... stick to everyone!
"Eh di ba nga sabi mo may nangyari sa inyo bago ka bumalik ng Beijing?" Saad niya.
"Sige, Eira. Ipaalala mo pa, sasabunatan kita pag nagkita tayo ulit." Ganti ko. Pero biro lang naman yun.
"Talaga?!" Pero parang natuwa pa siya. "So may chance na magkita tayo ulit?!" Excited na tanong niya.
"Maybe." Sabay kibit balikat na sagot ko.
Biglang lumungkot yung mukha niya. Ang cute lang eh, para pa rin siyang bata minsan. No wonder, patay na patay sa kanya si Asher.
Eh yung pinsan kaya niya, kailan magpapakamatay para lang sa isang babae?
Haist...
"Wala ba talagang chance na makabalik ka dito sa Pilipinas?" Tanong niya.
"I don't know Eira, I'm not sure. Ayokong magsalita ng patapos." Hindi siguradong sagot ko. "Depende na lang kung may mag-aalok sa akin ng project diyan."
"What if I'll talk to mama Snow? Kunin ka nila sa movie'ng gagawin nila." Parang nakaisip ng isang magandang idea na sabi niya.
Ako naman ang natawa ng bahagya dito. "Hindi ako marunong umarte, Eira. At kung lesbian-themed movie lang din naman yung magiging movie ko, wag na lang. Kilala mo naman si papa."
Eira knew my situation. Naikwento ko lahat sa kanya yung tungkol sa arranged marriage ko with Braxton, yung hindi pagtanggap sa akin ng papa at ni lolo. At ang sarap pala sa pakiramdam na may napagsasabihan ka ng nasa loob mo o ng dinadala mo. Kahit papaano gumagaan ang dalahin ko.
BINABASA MO ANG
Crazy Beautiful You (Montalban - Delavin Clash)
RomanceJust when you thought you've already seen the most beautiful and yet, the craziest woman on earth. Lily Delavin, could be your best of best friends or your worst enemy. She can be the icing on your cake or your greatest nightmare. You choose. But ei...