Chapter 18 I'm With You

11.6K 721 200
                                    

"Sometimes being understanding is more important than being right... Sometimes we need not a brilliant mind that speaks but a patient heart that listens... Not keen eyes that always see faults but open arms that accept... Not a finger that points out mistakes but gentle hands that leads."


Brooklyn POV



May fondness sa mukhang nakatunghay ako kay Lily na payapa at kalmadong nakaunan sa mga hita ko habang hinahaplos-haplos ko ang buhok niya.

Pinatulog ko muna siya dito sa may kahabaang couch sa loob ng kanyang opisina pagkatapos ko siyang mapakalma mula sa pagiging hysterical niya kanina. Pinainom ko pa nga siya ng paracetamol dahil biglang sumakit ang kanyang ulo.

Siguro nga mas makabubuting natulog muna siya para naman kumalma ang kanyang isipan at damdamin.

Gone is the fierce and strong Lily that I know. Parang napaka-vulnerable niya ngayon. At gusto kong iuntog ang ulo ko sa mga hindi magandang nasabi ko sa kanya kanina. If only I could take it back. Nasaktan ko tuloy siya.

Hindi rin naman niya ako masisisi dahil nasaktan din ako ng makita siyang kasama si Braxton at dinala pa niya talaga sa coffee shop.

But let's forget that, tapos na 'yon. Alam ko na ngayon kung gaano siya nahihirapan sa kanyang sitwasyon. Her father is forcing her to marry someone she doesn't like or love. Pero panatag akong hindi na 'yon matutuloy pa.

Napangiti ako sa isiping iyon. I have saved her from hell-bound life awaits for her. I hope she'll thank me later.

Magkakasunod na katok ang pumukaw sa aking atensyon. Napatingin ako sa suot kong relo, wala na sigurong bisita si Lily at this hour. Malapit nang mag-alas singko ng hapon.

"Come in." Sabi ko sa tantiyadong boses. Ayokong magising si Lily.

Ilang segundo pa'y bumukas ang pinto at pumasok si Bernard na may dalang folders.

"Oh." Sambit niya ng makita ang aming itsura ni Lily.

Nakatulog siyang nakaunan sa mga hita ko habang ako naman ay masuyong hinahaplos ang kanyang buhok. Ginawa kong kumot niya ang aking jacket, para matakpan ang legs niya. Sa ikli kasi ng skirt niya, baka masilipan na siya kapag may ibang taong pumasok dito.

"Pinatulog ko muna para kumalma." Sabi ko kay Bernard.

"Aww." May simpatyang sambit niya habang nakatingin kay Lily. "Para ngang naririnig ko siya kaninang sumisigaw." Malumanay na sabi niya.

Marahan akong napabuntong hininga. "Lumabas ang pagka-dragon niya kanina." May himig birong tugon ko.

"Dinig ko nga." Segunda naman ni Bernard.

"Ano ba 'yan?" Pag-iiba ko sa usapan sabay mosyon sa mga hawak niyang folders na may kanipisan.

"Papapirmahan ko lang sana sa kanya." Sagot niya.

"Is it urgently needed?" I asked.

Napailing siya. "Hindi naman. Kahit bukas na niya pirmahan."

Tumango ako ng bahagya. "Pakilagay na lang sa table niya. Sabihin ko na lang na pirmahan niya once nagising siya." Saad ko habang hinahaplos-haplos ko pa rin ang buhok ng babaing nakaunan sa aking mga hita.

"Sige." Sagot niya bago naglakad papalapit sa table ni Lily at maayos na inilapag doon ang mga hawak na folders.

Siya namang biglang pagtunog ng cellphone ni Lily, at base sa alert tone nito, isa itong tawag.

Crazy Beautiful You (Montalban - Delavin Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon