Chapter 17 Chasing You, Chasing Me

10.4K 655 120
                                    

"It is really a complicated world. People have a hard time finding each other and when they do... they're scared to take the risk."


Lily POV


Nakatulalang nakatingin sa harapan ng salamin sa may sink dito sa loob ng banyo habang naglalagay ng moisturizer sa mukha.

Hindi kasi maalis-alis sa utak ko ang mukha ni Brooklyn kanina ng bigla na lang kaming nagpakita ni Braxton sa coffee shop. I swear, I felt a little pain when her eyes met mine. Kaya simula ng makita ko ang ekspresyon sa kanyang mga mata, iniiwasan kong mapatingin sa gawi niya.

"Hey, sweetheart."

Braxton's sweet voice snapped me out of my thoughts. Napatingin ako sa reflection niya sa salamin. He's wearing nothing but a black knitted boxer shorts. Kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan lalo na ang nagyayabangang muscles niya na in place lahat. He has a perfect body. But I can't find myself drooling in it. Parang balewala lang sa akin lahat ng kanyang magagandang katangian. Kung straight girl lang ako, head over heels na siguro aakong in love sa kanya.

"Are you okay?" Concerned na tanong niya sa akin sabay niyakap ako mula sa likod.

Napatingin ako sa reflections naming dalawa sa salamin. We looked so perfect for each other... but no. We are not really.

"I'm fine." Pinilit ko ang sariling ngumiti sa kanya. "Why wouldn't I?" Kunwaring nahihiwagaang tanong ko. "What made you think I'm not okay?"

Napailing siya habang kapwa kami nakatingin sa reflections namin sa salamin. Ngumiti siya sa akin na ginantihan ko din ng pilit na ngiti. Hinalikan niya ako sa pisngi, tapos sa leeg. Nagsisimula na din niya akong haplusin sa tiyan. Pero wala akong maramdaman na kahit na ano sa ginagawa niya. I feel so disgusted with myself, instead.

Si Brooklyn ang nasa isipan ko. Kung siya siguro ang...

No. This isn't right. I... Damn it!

"Braxton, wait." Pigil ko sa kanya sabay marahan akong kumawala mula sa yakap niya.

"What?" Tanong niya. Kitang-kita ko ang pagkabitin sa kanyang mga mata.

"I..." Nag-iisip ng maidadahilang bigkas ko. "I... can't."

"Why?" Naguguluhang tanong niya.

"I'm..." Lily naman! Paganahin mo ang utak mo! "I have my monthly period." Naisip kong idahilan.

Unti-unting rumehistro sa mukha niya ang realisasyon sa sinabi ko. "Oh, sorry." Hingi niya ng paumanhin.

"It's okay." Nakokonsensyang tugon ko.

"I, uhm..." Pero halata ang pagkadismaya sa kanyang mukha. "Just go back to bed." Sabay turo sa pintuan.

Tumango ako. "Okay."

Nauna na siyang lumabas ng banyo. Naiwan ako doong nanlulumo at parang nakahinga ng maluwag at the same time. Eksaherada pa akong napabuga ng hangin.

Nag-angat ako ng mukha at muling humarap sa salamin. Parang hindi na tuloy ako 'to. Parang ibang Lily Delavin na ang nakikita ko sa salamin. Isang Lily na nagsusumikap maging masaya... maging malaya. Gustong-gusto kong umiyak, magwala, sumigaw... pero parang lahat ng iyon bumara sa lalamunan ko.

Come on, Lily. Get a grip, girl. Pagpapalakas loob ko sa aking sarili. Go, and put on a good show. Dagdag ko pa.

Nang matiyak kong okay na ako at kaya ko na ulit harapin si Braxton, lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko siyang nakahiga na sa kama, patalikod sa akin. Ewan ko pero si Brook ang nakikita kong nakahiga ngayon sa kama ko.

Crazy Beautiful You (Montalban - Delavin Clash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon