"You can close your eyes to the things you don't want to see but you can't close your heart to the things you don't want to feel."
Lily POV
"After you mixed all the ingredients, let it simmer for twenty minutes."
"Okay." I said out loud with a satisfied smile on my lips.
Pinindot ko muna ang pause button ng pinapanood kong Youtube video sa kung paano magluto ng kaldereta. Hinayaan kong nakasalang lang sa stove ang niluluto ko at hinintay ang twenty minutes mark period.
Napatingin ako sa suot kong relo. Mamaya pa darating si Brook galing ng school o di kaya naman dumiretso na siya sa kanilang coffee shop. Anyways, either way, pabor sa akin dahil ibig sabihin no'n may enough time pa ako para makapag-prepare ng dinner namin.
Para akong tangang ewan na bigla na lang nakaisip na ipagluto siya. Para maiba naman. Hindi 'yong palaging sa labas kami kumakain or takeout food na lang pinapapak namin. I decided to try something new this time.
"Babe, I'm home!"
"Oh my God!" Nanlaki ang mga mata ko at natatarantang hindi ko malaman kung anong unang gagawin. Papatayin ko ba ang stove o itatago ko ang iPad kung saan ko pinapanood kung papaano magluto ng ulam.
Parang kakasabi ko lang kanina na may enough time pa ako para makapag-prepare ng dinner tapos bigla na lang siyang susulpot?
"Lily?" Malakas na tawag niya ngunit parang sa papalayong boses.
Marahil sa kuwarto siya papunta. Mabilis kong pinatay ang stove, hindi ko na nahintay na kumulo tapos itinago ko sa may cupboard ang iPad.
"Lily baby?" Papalapit na ng papalapit ang kanyang boses.
Ano bang dapat gawin? Damn it! Mag-isip ka naman bwisit na utak 'to!
"Babe?"
Saktong pagbukas ng pinto ay siya namang pagkakaayos ng pwesto ko na nakasandal sa counter, may hawak na magazine sa isang kamay habang umiinom ng juice.
"Hi!" I beamed.
"Nandito ka lang pala, ba't di ka sumasagot?" Saad niya habang papalapit sa akin.
"Ano ba 'yong tanong mo na kailangan kong sagutin?" I tried to make a comical remark.
At mukhang umepekto naman dahil mabilis na gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.
Noon ko siya muling pinagmasdan. Bagay na bagay sa kanya ang suot na uniform. Ang sexy ng kanyang mga legs na litaw mula sa suot na maikling dark blue checkered skirt na mahigit isang dangkal lang yata ang haba, kapareha nito ang light pink na long sleeve polo na may logo ng MGU sa bandang kaliwang bahagi at ang kanyang tie. Nakasuot din siya ng knee high sock, to complete the usual school girl outfit.
"Funny." Komento niya.
"Come here and give me a kiss." Inilapag ko sa counter ang hawak kong baso at magazine para salubungin siya ng yakap at halik.
Agaran naman siyang tumalima. Hinapit niya ako sa beywang at hinalikan ng mariin sa labi.
"I miss you." Bulong niya sa tainga ko pagkatapos.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "I miss you too."
She leans back to see my face. "Ang aga mo yata ngayong umuwi?" Tanong niya habang nakakulong pa rin ako sa yakap niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/153876278-288-k566130.jpg)
BINABASA MO ANG
Crazy Beautiful You (Montalban - Delavin Clash)
RomansaJust when you thought you've already seen the most beautiful and yet, the craziest woman on earth. Lily Delavin, could be your best of best friends or your worst enemy. She can be the icing on your cake or your greatest nightmare. You choose. But ei...