"The best love is the kind that awakens the soul; that makes us reach for more, that plants the fire in our hearts and brings peace to our minds. That's what I hope to give you forever."
Brooklyn POV
"So ayon..." Pagtatapos ni Lily sa kanyang kwento kung bakit siya bumalik ng Pilipinas.
Namatay daw kasi yung pinagkakatiwalaan nilang empleyado ng kompanya nilang naiwan dito sa Pilipinas nung mag-migrate sila papuntang Beijing at siya daw ang inatasan ng kanyang papa na mag-take over.
"Dito ka na titira?" Hopeful na tanong ni Eira habang magkatabi silang nakaupo sa likod ng lamesang ginagamit ni JC. Nasa harapan nila si JC at nakaupo naman si Kreme sa gilid ng lamesa habang ako tahimik na nakaupo lang dito sa couch at nagmamasid.
Nagkibit balikat siya. "I don't know. Pero hindi rin siguro."
"Why naman?" May simpatyang tanong ni Kreme sa kanya.
Yeah, bakit nga ba hindi pwede? Gusto ko sanang itanong din kaya lang hindi naman niya ako pinapansin.
"I'm not really sure." She replied. "Basta ang alam ko lang for the meantime, nandito na ako. Pwede na tayong gumala-gala." Masayang sabi niya.
Natutuwa naman yung mga pinsan ko at si Eira. Masaya silang bumalik siya ng Pilipinas para muli nilang makasama.
She looks... different. Parang... mas lalo siyang gumanda. Bumagay sa kanya yung bagong hairstyle niya. Dati maikli lang yung buhok niya na pinakulayan niya ng brown, tapos ngayon hanggang balikat na at may kulay ash grey sa dulo. She's sexy and classy at the same time. Pero mukha pa rin siyang masungit tingnan. Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Sa mukha lang niya ako nakatingin the whole time. Her smiles... her laughters... the way she sways her hands... She is magical!
Pero hindi ko pa rin makalimutan yung araw na iniwan niya na lang ako ng basta-basta...
"Kailan ka pa bumalik ng Pilipinas?" Natigilan silang apat ng sa wakas magsalita na ako.
Napatingin siya sa akin na may tipid na ngiti. "Four days ago." Sagot niya.
"Four days ago." Pag-uulit ko. "At hindi mo man lang kami o ako sinabihan na nandito ka, na bumalik ka na?"
Nagkatinginan yung mga pinsan ko at si Eira na may kapwa worried look, habang nananatili lang naman na naka-lock sa akin yung tingin ni Lily.
Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko. "Bakit? Mag-ano ba tayo para magkaroon ako obligasyon na ipaalam sayo na dumating na ako? Asawa ba kita? Girlfriend ba kita?"
"No." Seryoso ang mukhang tugon ko. "Pero sana man lang magpaliwanag ka sa akin kung bakit bigla-bigla ka na lang umalis ng walang paalam! You left me hanging, Lily!" Nasabi ko yun ng may kalakasan.
Biglang namayani ang katahimikan sa loob ng opisina. Nawala yung ngiti ni Lily na nakatingin pa rin sa akin ng mga sandaling iyon.
"I..." Sabay tayong bigkas niya. "I should go." Paalam niya sa kanilang tatlo.
"No, you can stay." May pag-aalalang pigil sa kanya ni Eira.
"Sorry, siguro sa ibang araw na lang." Saka tipid na ngumiti dito. "Isa pa, baka hinahanap na ako ni papa. May pupuntahan pa kami this afternoon."
Malungkot na lang silang tumango. Hinalikan niya yung tatlo sa pisngi at nagpaalam. Di na nga niya ako tinapunan ng pansin maging hanggang sa paglabas niya ng opisina namin.
"Wow. That's the best way to ruin a great show." Komento ni JC.
Napabuntong-hininga ako. "So ano bang dapat na ginawa ko?" Maang na tanong ko sa kanila. They don't understand what I feel and why I acted that way.
BINABASA MO ANG
Crazy Beautiful You (Montalban - Delavin Clash)
RomansJust when you thought you've already seen the most beautiful and yet, the craziest woman on earth. Lily Delavin, could be your best of best friends or your worst enemy. She can be the icing on your cake or your greatest nightmare. You choose. But ei...